Mainit na paligid..
Tunog ng bumbero..
Sigawan ng mga tao.."Kuya! Tulungan mo po ako! Tulungan niyo po ako! May tao pa dito!"
Hinawakan ng bata ang lalaking dumaan sa harapan niya.
"Kuya... Tulungan mo ako parang awa mo na."
Hinatak siya ng lalaki at agad na binigyan ng panyo upang pantakip sa bibig at ilong.
"Kailangan na nating makalabas dito, wala na tayong kasama." Lumapit ang lalaki sa may bintana at binasag iyon.
Nilapitan niya ang bata at binuhat. Lumapit ang lalaki sa bintana at dumungaw.
"Wag kang mag alala. Magiging ligtas tayo." Lumakas ang tunog ng bumbero bago yakapin ng lalaki ang batang babae.
Narinig ng batang babae ang pagsabog sa itaas na bahagi, tumalon ang lalaki mula sa 12th floor.
Sumaktong nahulog sila sa bubong ng nakaparadang sasakyan.
Naramdaman nalang ng batang babae ang pagsakit ng ulo niya kasabay ng sigawan ng mga tao.
Minulat ng batang babae ang mata niya at napatingin sa lalaking nagligtas sa kanya.
Ang lalaking iyon.. Siya si...
*Kriiiiiiing!!!!
WEDNESDAY..
Napabangon ako dahil sa panaghinip ko at sa alarm clock na nasa bedside table ko.
Naalala ko, ngayon nga pala ang first day of school ko. Hindi ako naka attend nung Monday dahil sa paghihintay ko ng Good Moral from my former school.
First day of school sa bago kong school.
3rd year high school. Kailangan ko nanamang lumipat ng school dahil sa mga walang kwenta kong kaklase.Naligo na ako at nagbihis ng uniform.
Humarap ako sa salamin, sinuklay ko ang mahaba kong buhok at hinayaan lang iyong nakalugay. Dinampot ko ang bag na nasa tabi ko at naglakad palabas ng kwarto.
Napalingon ako sa lamesa at agad lumapit doon. Nakita ko ang nakahandang pagkain na may takip upang hindi madumihan kung sakali.
Hinawakan ko ang takip ng pagkain at pumikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/186425296-288-k66089.jpg)
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
Não FicçãoIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...