25

659 34 20
                                        

Justine's POV

One Month Later..
Paris, France..

"We sort things out, Monsieur." Chester said.

Napahinga ako ng malalim.

Kuya Ishie is dead. Katatapos lang naming ayusin ang lahat ng property na nakapangalan sa kanya at inilipat ito kay Alira.

While her? She's still sleeping. One month na. Dahil sa sobrang bugbog ng katawan niya maging ang ulo at kamay niya ay malala ang tama.

She didn't know na wala na si Kuya Ishie. That, I need to tell that to her.

"Monsieur, elle est réveillée." (Sir, she's awake.)

Sabi ng tauhan ko. Agad naman akong tumakbo sa kwarto niya.

Nakarinig ako ng pagbasag ng kung ano.

"Madamme! Please calm down!" The nurse tried to stop her.

"Sortez." (Get out)

Agad naman silang nagyukuan at lumabas.

"Li. Put that down." Hawak niya ang basag na vase at itinutok ito sakin.

"Wag kang lalapit!" Paos ang boses niya at namumutla pa siya.

"It's okay Li. It's me Justine." Lumapit ako sa kanya.

"NO! WAG KANG LALAPIT!"

Iwinasiwas niya ang hawak niyang basag na vase kaya natamaan ang pisngi ko.

Ramdam ko ang hapdi maging ang pagtulo ng dugo mula dito.

Tumitig siya sakin bago bitawan ang basag na vase.

Ngumiti ako sa kanya.

"It's okay Li. I'm here. I will protect you." Tumulo ang luha sa mata niya.

"Ju-justine..." She called me.

Niyakap ko naman agad siya. Lalong lumakas ang iyak niya.

"Shh. Tahan na. Nandito ako. Hindi kita iiwan." Humigpit ang kapit niya sa damit ko.

Naalala ko nanaman ang kahayupang ginawa nila sa kanya.

Napakuyom ako ng kamao.

I didn't regret killing them all. Oo pinatay ko silang lahat at sinigurado kong walang kahit sino ang nabuhay noong araw na iyon.

"Na-nasaan tayo?" She ask. Umupo ako sa harapan niya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya bago hawakan ang kamay niya.

"Nasa france tayo. Dito na tayo titira." I smile at her.

"Ang kamay ko..." She look at her hand.

"Maayos na." I smiled.

Pinaayos ko ang kamay niya maging ang ibang parteng nasira sa kanya. Naoperahan siya at nagamot sa loob ng isang buwan.

"Ang kuya ko.. Naipalibing na ba?" Malungkot na tanong niya.

Nanlaki ang mata ko. How did she know?

"Nagpaalam ang kuya ko sakin. Napanaghinipan ko siya. Sabi niya sumama daw ako sayo dahil may usapan kayo." One tear fell from her eyes.

I nod at her.

"Dito lang ako Justine. Hindi ako aalis. Ayoko nang maulit lahat ng nangyari sakin." She cried kaya naman niyakap ko siya.

"Oo Li. Dito ka lang sakin. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit iyon." Napakagat ako nang labi upang pigilan ang luha sa mga mata ko.

She is Psychometric (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon