Special Chapter: 2

824 21 15
                                    

Zoe's POV

Ang mukha niya..

Ang kamay niya..

Ang amoy niya..

Ang boses niya..

Ang buong siya...

Lahat yon miss na miss ko na.

Ang realidad na gumising sa umaga na hindi ko na siya makakasama kahit kailan ay isa sa mga bagay na masakit.

Ang malaman na hinding hindi ko na siya makakasama kahit kailan ay mas masakit.

Pero any mawala siya nang dahil sakin ang pinakamasakit.

Sa oras na to nararamdaman ko lang ang panghihinayang na nabuhay ako. Na nandito ako at nagiisip ngayon sa kanya. Na malungkot.. Na umiiyak.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Gusto kong sumigaw at magwala.

Gusto kong saktan ang sarili ko..

Gusto ko nalang ding mamatay.

"Wakey wakey Love. Time to school.."

Tumulong muli ang luha ko nang marinig ko ang boses niya.

Niyakap ko ng mahigpit ang ilamg damit niya na nakakalat sa kama niya.

Wala akong magawa.. Wala akong gustong gawin..

Gusto ko lang makita siya at mayakap.

Marinig ang boses niya at sabihing okay lang siya.

"Come here and let's sleep Zoe."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko.

Ayoko siyang kalimutan pero nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko siya.

"Miss na miss na kita.. Miss na miss na kita.."

Ni hindi ko mabanggit ang pangalan niya dahil baka makaramdam nanaman ako nang sobrang sakit.

Hindi ko alam kung ilang araw na ba o ilang linggo o buwan na kong nandito.

Feeling ko kasi taon na.. Ilang taon na simula nang mawala siya. Sobrang tagal na.. At sobrang sakit na..

Natatakot ako na baka makalimutan ko ang mukha niya, ang boses niya at ang amoy niya.

Ayoko.. Hindi ko kaya.

Niyakap ko ang lahat ng damit niya na nakalatag sa kama.

Maging ang kumot at unan niya niyakap ko..

Gusto ko dito lang ako..

Dito lang ako sa kanya.

"When will you stop crying Love?"

Muling tumulo ang luha ko nang makita ko siyang nakaupo sa dulo ng kama.

"I.. I can't stop.."

Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"You know I hate to see you cry right? I don't want you to cry." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Please come back Justine.. Please. I'm begging you.."

Hinawakan niya ang mukha ko.

"I didn't leave. I will always be with you. Always Li. Always.."

I cover my mouth dahil hindi ko napigilan ang paghagulgol.

"Zoe! Are you okay?"

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto pero di ko sila pinansin.

Tumayo ako at lumapit sa banyo.

She is Psychometric (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon