4

1.2K 73 21
                                    

A/N:
Yung pa slant po pero hindi bold na font means flashback lang, magkaiba po ang format pag nakakabasa siya ng tao/bagay kaysa sa flashback or dreams niya. Please know the difference para di kayo mahirapan. Thank you...

* Ganito po ang flashback.
* Ganito po ang memories na nakikita niya.

©akosiChao..

---

Alira's POV

Piiiip! Pipppp~

Lumingon ang bata sa sasakyan na panay ang busina sa gilid niya.

Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang pagtama ng metal na bagay sa katawan niya kasabay ng paghampas ng ulo niya sa matigas na kalsada.

Naramdaman niya ang tindi ng sakit sa tagiliran at likuran ng ulo niya. Napamulat siya dahil sa maiingay na tao sa paligid.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Buhay pa siya!"

----

Napahawak ako sa ulo nang mapanaghinipan nanaman iyon. Nakakainis na.

"Aga aga nakasimangot ka." Puna sakin ng kuya ko nang makalabas ako sa kwarto ko.

"Nightmare." Nakita kong napatigil siya sa gingawa niya at agad ngumiti.

"Hindi pala ako makakauwi ngayong gabi. Merong bagong case na kailangan kong aralin." Mabilis siyang magpalit ng topic.

Ah right. He's a detective. Halos 2 years na siyang naging detective at masasabi kong isa siya sa hinahangaan kong tao.

Ishie Montuerto. 28 years old.
My oh so gorgeous na Kuya.

"Gusto mo bang idaan kita sa school niyo?" Tanong niya habang nakaharap sa salamin at nagshave ng balbas.

"No need. Saka magkaiba tayo ng route. Iikot ka pa. I can manage naman." Tumango siya sakin at naghilamos.

"Pupunta nga po pala kami mamaya sa bahay ng classmate ko, meron kaming groupings." Tumango naman siya sakin habang nagto tooth brush.

Natapos akong mag agahan at nauna na sa kanyang lumabas. Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng Ingat at Enjoy.

Isinuot ko ang gloves ko at naglakad palabas. Wala na nga pala akong headphone. Tsk.

After 15 mins, nakarating na ako sa school.

Nakita ko si Martin na pababa na sa kotse kaya lumapit ako.

"Kamusta? Okay ka na ba?" Lumingon siya sakin at ngumiti.

"Oo salamat kahapon ah. Kung di ka dumating baka na baldado ako ngayon."

Sabay kaming naglakad papunta sa room. Tumigil siya sa harap ng Section Pearl.

"May gusto ka bang kainin? Treat ko." Nakangiting sabi niya. Napaisip ako.

"Sige. Pero sama natin si Daniela?" Tumango naman siya.

She is Psychometric (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon