Zoe's POV
"Ugh." Napabangon ako at agad tumakbo sa cr.
Sobrang sakit ng ulo ko and I don't remember how I end up in my bed.
But I remember talking to JL and Bino near the pool and then Cal came and..
"Ow." Napahawak ako sa ulo ko.
Ang sakit talaga.
Napalingon ako sa paligid.
Tahimik na at madilim sa labas.
Lumabas ako ng kwarto.
"Where are you going?"
"Oh my god!" Halos tumalon na ko sa gulat.
"Sorry." Pigil tawang sabi ni Jam.
"Akala ko kung sino. Anong ginagawa niyo dito sa labas ng room namin?" Napatingin ako kay Jim na nakasandal sa upuan at nakanganga.
"Nothing. Where are you going?" Tanong niya.
"Ah. Just want some coffee." Sagot ko.
Naunan siyang maglakad.
"Let's go. I want some too." Yaya niya.
Ngumiti naman ako at sumunod sa kanya.
"Where is Cal?" Tanong ko.
Wala kasi siya eh.
"Just somewhere."
Lumingon lingon ako at pansin ko naman na may iba pang tao sa mga sulok sulok.
Merong mga nag P-PDA and others are just alone.
"How's your head?" Tanong ni Jam.
"Spinning." Natawa siya sa sagot ko.
"Then why did you drink so much?" Ngumiti ako sa kanya.
"I'm suppose to get drunk. It's a party." Sabay kaming natawa.
Narating namin ang kitchen.
"Have a sit. I will make you coffee." Tumango ako at umupo sa high chair na kaharap ng lababo.
Kita ko ang likod ni Jam habang nagtitimpla ng kape.
Jam is more serious than Jim.
"Are you older than Jim?"
"Hm." Sagot niya.
"By minute." I chuckled.
"You should smile more often. Mukha ka kasing masungit eh." Lumingon siya sakin.
"Really? That's good to hear. I want to leave that kind of impression. Like Cal." Sabi niya.
"Cal? Hindi naman masungit yon eh." Napaisip ako
Hindi naman talaga siya masungit nung unang pagkikita namin. Medyo pangit nga lang but I am thankful that he help us.
"Akala mo lang yon."
"Really? Nung unang kita ko kasi sa kanya medyo hindi kami nakapagusap ng maayos. Alam mo na doon sa bar." Napakamot ako sa ulo.
"Right. Kaya nga namin binili yung bar na yon eh."
Napatingin ako sa kanya.
Inabot niya sakin ang isang tasa ng kape.
"Seryoso? Binili niyo talaga yon?" Umupo siya sa harapan ko at tumango.
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
Non-FictionIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...
