Alira's POV
2 hours ang klase namin sa Values Education at next na subject ay Filipino na may 1 hour.
15 mins bago matapos ang klase nagbigay ng group assignment si Sir. Five members ang kailangan kada group. Since dalawa lang kami ni Iryll dito, nagdagdag ng tatlo pang students at pinatabi samin.
"Okay Class. Use the last fifteen minutes to know your group members." Pinaikot samin ang mga upuan paharap sa mga kagrupo namin.
Tatlo kaming babae at dalawang lalaki.
"Lee. Isama niyo si Borrison." Tumingin lang si Iryll sa Prof muling yumuko.
"Bakit satin pa isasama ang trouble maker na yun?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita.
Kagrupo namin siya at sa tingin ko isa siya sa mga bully na istudyante base na rin sa pagtingin at pag irap niya sakin.
"Hayaan mo na. Hindi naman napasok yun." Sabi ng isang lalaki na mukhang nerd. Pati ang isa pang babaeng kasama namin ay mukha ring nerd. Pareho silang may suot na salamin.
Tahimik siya at laging may hawak na libro.
"I'm Samantha. Samantha Johann." Pagsasabi niya ng pangalan sakin. Mukha kasing kilala na nila ang isa't isa dahil nga sa second quarter na.
"Martin Umali." Pagpapakilala ng lalaki.
"Ako si Daniela Cuevo." Nagpakilala ang babaeng nerd. Mukhang tahimik talaga siya.
"Ah hello. Ako si Alira. Pwede niyo akong tawaging Lira." Pagpapakilala ko.
"But, do you always wear gloves? For what?" Taas kilay na tanong ni Samantha.
"Ah wala. Hindi lang ako sanay na walang gloves." Ibinaba ko ang kamay ko at tinago sa lamesa.
"By the way. Your groupings is valid until the end of school year so make each other your friends para di kayo magka ilangan." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ng Prof.
That means I need to be with them everytime na Values ang subject.
"We need to go somewhere sa weekend para makapag research tayo ng maayos. Who's house is available? My mom have visitors kasi eh." Panimula ni Samantha.
"Maliit ang bahay namin hindi tayo kakasya." Sabay na sabi nila Martin at Daniela. O...kay?
"I uh.. I'm not sure kung papayag ang kuya ko eh." Napakamot ako sa ulo.
The truth is ayokong mahawakan nila ang mga gamit na nasa bahay dahil ayokong mabasa sila.
"My house. Tomorrow after class." Napalingon kaming lahat nang magsalita si Iryll.
"Ah right. Wala tayong afternoon class bukas dahil sa Provincial Meeting ng mga teachers. That's a good idea Dave." Nagpapalakpak pa si Samantha at nakangiting nakatingin kay Iryll.
"How about Mr. Borrison?" Tanong ko sa kanila.
"Pag papasok siya bukas pwede natin siyng sabihan." Sabi ni Martin. Tumango naman ako.
Naglista si Samantha ng something sa notebook niya at pinakita samin.
Dave & Samantha
- Buy PropsLira, Martin, Dan
- ResearchTumango kami.
"Dave. We'll be buying props tomorrow. Sila Lira magre research." Sabi ni Samantha.
Itinaas naman ni Iryll ang ulo niya at tumingin sakin.
"Do you have laptops?" Tanong niya. Tumango naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/186425296-288-k66089.jpg)
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
Non-FictionIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...