Alira's POV
9 pm na. Nakahiga sa sofa si Iryll samantalang naliligo si Justine. Katatapos ko lang magpaalam kay Kuya Ishie na dito ako matutulog. He said yes after kausapin yung dalawa. May tiwala si Kuya Ishie sa akin at ganoon din ako sa sarili ko.
Lumabas ako sa garden para magpahangin. Pansin ko na maraming tanim na rose dito at orchid. Mukhang mahilig din si Justine sa halaman.
Tumingala ako, maraming star. Nakaligtas ako ngayong araw kay Prof. Joon. Paano sa susunod na mga araw? Hindi naman pwedeng mag cut ako pag Science ang Subject.
Napailing nalang ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko pwede baliwalain ang Science subject because that's one of my favorite subject.
"Di ka pa antok?" Napalingon ako.
"Hindi pa eh." I saw Justine standing in front of the door holding a glass of wine habang pinapaikot ito ng dahan dahan.
Alam kong wine dahil color red iyon at nakalagay sa glass wine.
"What are you thinking this late at night Li?" Lumapit siya sakin at tumingin sa langit.
"Wala lang. Mga stars. Kung paano sila kumikislap ganon." Napatawa naman siya sa tanong ko.
"As far as I know, satellites ang karamihan diyan." Pagsakay niya sa topic ko.
"Really? Di ako naniniwala. Gusto ko star lahat yan. Gumagaan kasi pakiramdam ko pag iniisip kong may star tuwing gabi." Lumingon siya sakin at ngumiti.
"Then they're all star." Ngumiti din ako sa kanya.
How come I feel so warm whenever I'm with the two of them? Sobrang sarap sa feeling. Para bang matagal kang nawalay sa pamilya mo at ngayon nakita mo na sila. So warm that I'm afraid that I'll feel cold all of a sudden.
"Jus.."
"Hm?"
"Whatever happens, please stay with me. The two of you." Lumapit siya sakin at inakbayan ako.
"Kahit magkaroon pa tayo ng skin contact at mabasa mo ang lahat ng secrets ko, I won't leave. Kahit pa paalisin mo ko sa tabi mo I won't. I finally found a friend and I'm afraid I won't let my friend stay away from me." Ngumiti ako sa sinabi niya.
Sana nga.. Sana....
----
5:30 am
Katatapos ko lang maligo at magluto ng agahan namin. Kailangan ko pang dumaan sa bahay para magpalit ng uniform.
Si Iryll at Justine tulog pa sa kwarto nila.
Magkatabi sila sa Guest room at ako sa kwarto ni Justine dito. Mas malaki kasi ang Guest room kaya doon silang dalawa para magkasya.
Tinakpan ko ang agahan na hinanda ko at lumabas.
I already texted them na mauuna ako at magpapalit. Then diretsyo na sa school.
Nasa same subdivision lang naman ang studio ni Justine. Just two street lang mula sa bahay namin. Pwedeng lakarin.
I jog as I go out. Medyo malamig kasi at ma fog.
Tahimik naman ang sub. namin at may security kaya safe maglakad dito kahit gabi. Safe sa mga lasinggero pero hindi sa mga batang pasaway na nakatira din dito. Palibhasa mga rich kid.
After 25 mins na pag Jog. Nakarating ako sa bahay. Alam kong wala si Kuya ngayon dahil may stake out daw sila sinabi niya kagabi.
6:00 am palang kaya nag kape muna ako. Kinuha ko ang gitara ko at nag isip ng kakantahin.
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
SaggisticaIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...
