7

1.1K 58 20
                                    

Alira's POV

Iryll is setting up the projector.

Values Education na at ito ang first subject namin ngayon.

Samantha is glaring at me ngayon dahil nandito lang ako sa unahan dahil iyon ang sabi ni Iryll.

He's doing something in his laptop.

Kami ang last na mag re report at napagdesisyonan na sila Iryll at Harry ang magdi discuss sa unahan, while me, Martin and Daniela ay maghahanda ng ilang questions para sa classmate namin.

Much better sana kung nandito si Samantha pero she disagree as soon as she heard na uupo lang ako.

Nagsimula na silang magreport, mula sa Ika Unang Araw ng Paglikha hanggang sa Ika pitong araw. They deliver it nice and clean.

Umupo na si Iryll at Harry sa tabi namin which is mga naka indian seat.

Daniela and Martin stood up and starting throwing questions. Hindi na ako pinatayo ni Iryll kaya sila nalang nagtanong. Sayang nga eh. Naghanda pa naman ako ng questions like 'What if the bird doesn't belong to the sky? How will they cope up?' De joke.

Maayos namang nasagot ng mga classmate ko ang lahat ng tinanong nila. I didn't ask anything dahil yun ang sabi ni Iryll.

Last subject ang P.E.

Nagpalit na kami ng Jogging Pants at T Shirt. Ngayon gaganapin ang groupings na laban, at basketball ang laro.

"You can seat for now Li." I heard Harry whisper. Nakatalikod siya sakin at ganoon din ako sa kanya.

"Kung pwede mas maigi pero kung hindi, sana hindi tanggalin ang gloves ko." Tinignan ko ang kulay kayumanggi kong Gloves.

Kada taon pag may conference ang Kuya sa ibang bansa lagi siyang nagpapa customized ng gloves ko, mas maganda daw na makuha ang mismong kulay ng balat ko pero since nagiiba ang kulay ko base sa panahon ay nahirapan ang kuya ko sa pagpapagawa ng gloves ko. Kaya naman every year may 2 pieces ako ng gloves na kulay kayumanggi.

"I'll ask help then. Much better kung sa clinic ka nalang. Puntahan nalang kita mamaya." Ramdam ko ang pagtayo niya kaya nilingon ko siya.

"Why would you go there?" Tanong ko.

"Saan?" Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Iryll. Inabutan niya ako ng apat na Gatorade.

Nakita ko ang pagalis ni Harry.

"Sa bleachers ka nalang. Sinabi ko na sa Prof na hindi ka pwedeng maglaro." Hinubad niya ang jersey jacket at inabot sakin.

"Anong gagawin ko dito?" Kunot noong tanong ko. Baka palabhan sakin?

"Hawakan mo hanggang matapos ang laro." Kumindat siya sakin bago lumabas ng locker room. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod.

Nakita ko ang dalawang grupo na nabuo sa gilid. I saw girls na nakaupo na sa bleachers.

"Bakit mga boys lang maglalaro?" I asked Daniela.

"Narinig ko kasi na sila Borrison at Lee ang nagsuggest na mga boys daw muna maglaro kasi basketball at since na hindi daw marunong maglaro ang halos lahat ng girls kaya ayan." Paliwanag niya.

Napalingon naman ako sa ginta ng Gym.

Mukhang magkalaban sila Harry at Iryll.

Harry is in Blue team while Iryll is in the Red team. Mukhang maganda ang kundisyon ng dalawang grupo.

Pansin ko na ang ibang boys ang gagawing substitutes kung sakali.

Harry has the #7 jersey and Iryll has the #8.

She is Psychometric (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon