Alira's POV
Nandito kami ngayon sa Science Lab. Thank God at hindi ako magisa.
We're going to make our last Group Projects. Mag e experiment kami. Hihi.
Same Group kami pero ngayon sinabit samin si Erica samantalang yung isang kasama niya nasa ibang Group. Aba e sinabi niya ba naman na gusto niya kasama si Justine sa Group kaya ayun, seven na kami.
Ako si Iryll, Justine, Daniela, Martin, Erica at Samantha.
Buti nalang ngayon ko naisipang magbigay ng projects dahil kung sakali mawawalan ng Flask ang ibang group.
"Okay Class. Ilagay niyo ng dahan dahan ang Flask at make sure na mahinang mahina lang ang apoy para makita niyo ang pagbabago ng nasa Flask niyo." Prof Lee said.
Mag papakulo kami ng Ice cubes at oobserbahan namin kung anong mangyayari.
---
Lumipas ang 1 hour ay natapos na kami sa 3 Activity at nakaharap na kami sa white board.
Nagdi discuss si Prof Lee about Physical and Chemical Changes.
Nag take down notes naman ako para hindi ako mahuli sa exam. Kailangan ko pang mag memorize ng mga topics.
2:30 nang i dismiss kami ni Prof Lee. Ang sabi eh wala daw kaming Filipino dahil kailangan daw namin tumulong mag linis at mag decorate ng Gymnasium.
2 weeks nalang Year End na kaya siguro bibihira na ang klase.
Nauna ako kila Justine at Iryll dahil magc cr ako.
Si Iryll kasi kausap si Prof Lee samantalang pupunta sa Cafeteria si Justine. Sinabi ko naman na sa Gym nalang kami magkita.
Pumasok ako sa Girl's Bathroom. Mabilis naman akong nakapasok sa isa sa cubicle dahil walang ibang tao.
"Pwede ba! Hindi nga ako pinapansin ni Harry eh. What about your plan? It didn't work bastard!"
Napatigil ako sa paglabas nang marinig ko ang boses ni Erica, at binanggit ang pangalan ni Harry. Mukhang may kausap siya sa phone.
"Aren't you going to stop? Hindi ko sinabing patayin mo si Angelica ang sabi ko paglayuin mo sila! Tapos gusto mo patayin din si Alira? Are you fucking serious?"
Napalaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Not because they want me dead but because the fact that Angelica is really dead.
Pero, nasaan siya?
"Come to the room. Walang tao doon. We'll talk later." Dali dali akong lumabas upang sundan siya, para malaman kung sino ang kausap niya.
Pansin ko na wala ng tao sa ibang rooms, sa iba naman ay paisa isa or dalawa.
Pumasok siya sa room namin kaya naman nagtago ako likod ng desk ng teacher para makita ko kung sino ang papasok.
Erica waited patiently same as me.
After 15 minutes narinig kong bumukas ang pinto. It must be that person.
"You're 15 minutes late again Eric." I heard them kissed kaya napangiwi ako.
"Sorry Love." Napalaki ang mata ko dahil kilala ko ang boses na yun.
"Joon Lee." I mouthed. But why did Erica call him Eric?
"So where were we?" Prof. Lee asked.
"Your plan. Whatever you want to do to Alira stop it. Kung may dapat pumatay sa kanya ako yun." Erica said. Mukhang galit na galit siya sakin ah.
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
Non-FictionIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...
