42

405 14 14
                                    

Caled's POV

"Nakita mo ba?" Tanong ko kay Jam.

He lost Zoe while looking for me.

"Hindi pa nga eh. Ginising ko na din si Jim para makihanap.

"Hindi ba siya nagiinom? Did you ask her other friends?"

"She just woke up. Paano namang magiinom agad? Hindi pa nga yata nakain yon eh." Napakamot si Jam sa ulo.

"Sabi ko kasi sayo bantayan mo eh!" Inis na sabi ko kay Jam.

"Sorry na nga eh! Malay ko bang hindi na siya iyong nakahawak sakin. Saka ikaw kaya dahilan kaya siya lumabas!" Balik na sisi niya sakin.

"Hoy wag na kayong mag away! Nakita ko na siya." Napalingon kami kay Jim.

Sinundan namin siya.

Nakita namin siyang nakaupo sa gilid ng pool. She is with Bino and JL.

Lumapit kami sa kanila.

"Hey." Lumingon silang tatlo samin.

"Oh Cal! I've been looking for you." Tumayo si Zoe at lumapit sakin.

She look drunk.

"Did you drink?" Tanong ni Jam.

"No. I just had a taste." Sagot niya bago tumawa.

Hinawakan ko ang kamay niya nang muntik na siyang matumba.

Lumapit naman sila Bino at JL sa kanya.

Bino hold her waist while JL hold her hand.

Kumunot ang noo ko.

Hinila ko si Zoe papalapit sakin.

Muntik na din kaming natumba dahil napayakap siya sakin nang hilahin ko siya.

"Cal." Tawag sakin ni Jam.

"No touch mga pare." Sabi ko.

Natawa naman si Bino.

"Pare, wala kaming balak na masama kay Zoe kung yan ang iniisip mo." I smirk.

"I'm a guy too. I know what you want to do to her." Tumigil si Bino sa pagtawa.

"Sumosobra ka yata pare. Niyaya ka namin dito dahil kay Zoe hindi dahil magkaibigan tayo." Sabi ni JL.

"Well, kahit hindi niyo ako yayain as soon as I find out that Zoe is here I will come running." Tumaas ang kilay ni Bino.

"Para namang may karapatan ka sa kanya pare." Sabi ni Bino.

Hinubad ko ang Jacket na suot ko at isinuot kay Zoe na nakapikit na.

"Wala nga. Kayo din naman. Ang pinagkaiba lang wala akong kahit na anong balak na gawin sa kanya. Wala pa akong balak  mamatay." Tinalikuran ko na sila.

I carried Zoe bridal style at dinala sa magiging kwarto niya.

She'll sleep with the other girls and that makes me uncomfortable.

"Pwede bang dito nalang din tayo matulog?" Rinig kong sabi ni Jim pagpasok namin sa kwartong tutulugan ni Zoe.

Mukhang pareho kami ng iniisip ni Jim.

"Ofcourse not! No boys allowed!" Sabi ni Jill na nag aayos ng kama.

Inilapag ko si Zoe sa dulong kama at inayos ang kumot niya.

"Don't worry. No one will hurt her here. I will take good care of her." Tumango ako kay Jill.

Ano pa nga ba? Alangan namang ipagsiksilan namin na gusto naming matulog dito para bantayan si Zoe?

She is Psychometric (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon