Thea's POV
"I want you all to look at her and protect her. Understand?"
"Yes!" Sagot namin ng sabay sabay.
Magkakaroon ng Party ang lahat ng Business man sa buong Pilipinas. Annual party. Nagkataon naman na bukas ng gabi nga iyon hanggang linggo ng gabi. Yes. Two days and One Night.
Sa isang isla gaganapin. At ngayon nag volunteer si Harry Borisson na sa isla niya mismo gaganapin.
Well mas maigi yon dahil kailangang kasama niya si Madamme.
"Thea, Shon, Chester, George. A minute please." Pumunta siya sa loob ng office niya kaya sumunod kami.
"This party will be scary yet new to her. I hope you'll look after each other as well as look for her." Ininom niya ang wine na nasa baso.
"Yes sir!" Sagot namin.
"This is dangerous. Kung ako lang hindi na ko pupunta but you all know na I can't." Bumuntong hininga siya.
Tama siya. Hindi maaaring hindi siya pumunta. Unang una dahil isa siya sa pinaka maimpluwensiyang tao sa business world at hindi hahayaan ng ibang Business man na hindi siya ma meet o makausap man lang.
"I just receive tons of invitations." Ngiti niya at tinignan ang tambak na envelope malapit sa lamesa niya.
Napangiwi ako. Mukhang gusto talaga nila siyang makita.
Umupo siya sa swivel chair at sumandal.
"Kung pwede lang kaming magtagong dalawa. Yung kaming dalawa lang.." Mahinang bulong niya.
"Pwede kayong magtanan master! Kami na bahala sa kumpanya saka sa grupo." Suggestion ni Chester.
Agad naman siyang binatukan ni Shon.
"Hindi niya na kailangang itanan si Madamme, sasama naman yon no!" Napailing nalang ako dahil sa kalokohan nilang dalawa.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya bago lumagok ng alak.
Simula ng makasama ko siya bihira lamang siyang tumawa saka ngumiti.
Naalala ko ang unang beses na maaliwalas at masaya ang mukha niya.
~* Flashback... *~
"Manang! Manang! Anong pwedeng i pack sa ref?" Napalingon ako sa pinto dahil narinig ko ang boses ni kuya.
"Marami sir." Rinig kong sagot ni manang.
Binuksan ko ng konti ang pinto at sumilip.
Nagulat ako ng lumingon siya dito sa kwarto ko. Agad ko iyong isinara.
Muntik na kong mapatalon ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Thea.. Are you awake?" Napakurap ako.
Agad kong inayos ang sarili ko bago buksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
She is Psychometric (COMPLETED)
No FicciónIlang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hindi ako dapat mabuhay sa mata ng nabubuhay. Hindi ako nararapat sa respeto ng tao dahil isa akong hali...
