Kinabuksan....
Hindi ko alam kung bakit ang aga ko ata nagising kahit pagod na pagod ako kagabi. Mukha kase ni Mika ang naalala ko paggising ko. Ewan ko ba, ang weird nga eh. Bumangon na ako para makapag-ayos at makapagtoothbrush muna. Balak ko kase sana magtanong sa baba kung may swim wear at undies silang binebenta para sa mga customer nila. Wala kase akong nadala mapwera na lang sa isang short at t-shirt na palagi kong dala sa kotse ko. Pagbaba ko may ilang mga customer akong nakita sa mga cottages malapit sa malaking pool, yon siguro ang canteen nila dito. May mga nakauniform din na sigurado akong mga tauhan nila dito. Kung kagabi mukha syang simple, ngayon makikita mo simple parin naman pero mukhang elegante sa uniform na suot ng mga tauhan at hitsura ng resort. Basta maganda sya sa mata at nakakarelax. Lalo na sa mga tao dito lahat ata ng makasalubong ngumingite eh. Parang katulad lang Ni Mika. and speaking of Mika nakita ko sya sa canteen nila nagseserve ng food sa customer ang cute nya tingnan. Nakaboard short at plain sando na may printed at snapback. As always nakangite. Kaya naman lumapit na ako sa kanya.
"ehm...excuse me..."agaw ko sa attention nya.
"Hi Ma'am good morning. May kailangan po ba kayo?"nakangite nyang tanong saken.
"Jessey.. ask ko lang sana baka naman may swim wear and undies kayo for sale, naengganyo kase akong maligo sa pool kaso wala naman ako dala."
"Ah ganun po ba. Meron po, Miss Jessey halina kayo sunod na lang po kayo saken para makapili kayo."
Sumunod ako sa kanya.Buti na lang marami pwede pagpilian.Nakapili ako ng dalawa. Nagbreakfast muna ako bago nagpalit ako ng swim wear. Mga kalahati na atang minuto ako nakababad sa pool ng feeling ko may mga matang nakamasid saken. Tumingin ako sa paligid, at hindi nga ako nagkamali nakita ko si Mika nakatingin sya saken na nakapwesto sa gilid ng pool na di naman kalayuan saken. Ng makita nya ako na nakatingin sa kanya ngumite sya saken at kumaway. Npangite na rin ako sa kanya. Ewan ko ba nakakadala ang mga ngite nya. Ibang iba sa mga ngite ng girlfriend ko.yong sa kanya kase hindi nakakasawa, para ngang nakakaaddict eh.Umahon na ako kase medyo nilalamig na ako matagal tagal narin naman ako nakababad sa tubig. Ng malapit na ako sa pinagiwanan ko ng towel na ginamit ko. Bigla naman lumapit saken si Mika.
"Hi Miss Jessey!"bati nya saken
"Hello!" sagot ko naman.
"Ahm tanong ko lang...ahm hanggang kelan ka magstay dito?"
"Bakit ayaw mo na ba ako dito?"biro ko sa kanya.
"Ay hindi naman...natanong ko lang"gulat nya
"hahaha..Binibiro lang naman kita"napangite naman sya..heto na naman po sya sa mga pangite ngite nya."Dito ka nagtatrabaho?" tanong ko sa kanya(naupo naman ako sa sa upuan malapit sa pwesto namin ganun naman din sya)
"Ahm...Oo na hindi?"
"Ha?"naguguluhan ko naman sagot.
"Actually Oo nagwowork ako dito pag wala ako masyado ginagawa sa opisina sa Manila, para makapagrelax at hindi kase kami ang may ari ng resort na to"ngumite ulit sya pagkatapos nya sabihin yon."
nagulat naman ako sa sagot nya, sila pala ang nagmamay-ari ng resort kaya pala ang mga tauhan dito palagi nakangite tulad din ng amo nila.narin
"Wow, pano naman nasabi na nakakapagrelax ka eh kung nagtatrabaho ka rin naman dito?"
"Ewan ko basta narerelax ako pag ako naman yong nagseserve na sa customer namin dito. Hindi yong ako palagi"
Hindi ko namanlayan kung ano ano na pala ang napagkwentuhan namin, nakalimutan ko na kung bakit ako napadpad dito. Pagkatapos ko rin mapaligo tinulungan na rin nya ako sa sasakyan ko sinamahan na rin nya ako sa bayan para makabili ng gasolina nagenjoy ako kasama sya kahit ilang oras lang. Hayst sana naman magkita ulit kami.
Nakasakay na ako sa sasakyan ko at nasa labas naman si Mika. binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko, bago ko itaas ang ang bintana kumaway pa sya saken and syempre nakangite na naman sya. Hayst Mika thank you kase panandalian ko nakalimutan ang problema ko sa Manila and heto na naman ako kailangan ko balikan kung anuman ang iniwan ko.
Malapit na ako sa condo ko ng mapatingin ako sa phone ko na nakapatong sa may stereo. Kinuha ko at tiningnan ko nakaoff, naalala ko inioff ko sya dahil alam kong tatawagan ako ng girlfriend ko. At naalala ko naman hindi ko man lang pala nakuha ang number ni Mika.WTH.
Nang makarating ako sa Condo ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng mapansin kong bukas. At alam ko na kung bakit....