Mika's POV...
Haist nakakapagod, salamat naman natapos narin ako sa lahat ng trabaho ko dito sa opisina. Last week hindi ako nakapunta sa resort dahil sa dami ng trabaho ko, mas malaki kase ang naging revenue namin last quarter, kaya tuloy natambak. Good thing narin samen ganun din sa empleyado namin. Makapag-ayos na nga at derecho na ako sa resort para naman makapagrelax narin ako. patayo na sana ako sa chair ko para kunin ang gamit ko sa sofa ng magring ang telepono ko dito sa opisina.
.
.
.
.
.
.
kring...kring...kring
"Yes, Hello!"
"Hello Ma'am"secretary ko lang pala."Ma'am andito po si Ma'am Kim papapasukin ko na po ba?"pinagbilin ko kase na wag ako iistorbuhin.
"Sige papasukin mo na tapos na naman ako"
"Okay po Ma'am"
Ilang minuto lang bumukas na nga ang pintuan ng opisina ko. At syempre hindi na ako nagulat. Si Kim kase ang isa sa pinakamalapit ko kaibigan barkada may iba pa ang makulit na kambal sina Cienne at Camille pati narin si Ara at Carol isama na rin ang love ni Kimmy na si Mela. Bullies ang tawag samen pero ngayon sila na lang natanggal na ako.hahaha. Ang laki kase ng pinagbago ko ng may mangyari hindi maganda last 2 years ago. Maya ko na nga lang ikwento baka naiinip na si Kim...hehehe.
"Hey"lumapit sya at nagbeso saken."Bakit may dala ka atang gamit, paalis ka ba?"nagtatakang tanong nya saken, dala ko na kase ang bag ko na may lamang mga gamit ko na dadalhin ko sa resort. 2 days kase ako dun monday na balik ko.
"Oo eh, punta ako ngayon sa Pulilan Resort, lam mo na para makapagrelax naman ako. Napagod kase ako sa dami ng trabaho."
"Haist yan ka na naman eh, kala ko ba ok ka na? hindi ka na namin nakakasama ng barkada. Sala sa andito ka palagi nakakulong sa opisina mo andun ka naman sa resort wala ka na time sa barkada, nakakatampo ka na ah."mahahalata sa boses nya na nagtatampo talaga sya saken. ano pa kaya kung andito sila lahat. Derecho sya nauupo sa Sofa. Ako naman naupo narin sa harap nya.Alam ko naman na nagkukulang na ako ng attention sa barkada. Pero pangako babawi na talaga ako. Siguro pag balik ko, ewan ko ba mula ng nangyari yon last 2 years opisina at resort na lang ang pinagkaabalahan ko. Pero masasabi ko talagang ok na ako. Basta naramdaman ko lang na gusto ko pumunta ngayon dun para bang hinihila ang mga paa ko dun.
"ok na naman talaga ako, hayaan nyo babawi ako pagbalik ko this time"promise ko sa kanya."bakit ka nga pala andito, may kailangan ka ba?"
"Tinatawagan kase kita kahapon kaso unattented ka naman kaya dumirecho na ako dito. Naginvite kase yon kambal get together naman daw lam ko namimiss ka lang ng mga yon, so ano pupunta ka ba? wag na wag kang hihindi malalagot ako sa mga yon."Napapangite na lang ako sa hitsura nya. Sure kase na malalagot talaga sya sa mga yon kilala ko rin sila siguradong malilintikan talaga si Kimmy.
"ok sige pupunta ako, san ba ?"
"sa restubar daw ni Ara."
"ok sge deal, pano alis na ako baka gabihin pa ako sa byahe eh, tara na"tumayo na nga kami at sabay na umalis ng opisina. Padating sa parking lot nagkanya kanya na kami ng sakay sa kotse namin.
.
.
.
.
.
.
.
Nang asa byahe na ako hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari saken last 2 years ago, kung bakit ang laki ng pinagbago ko. Pero pilit ko na talaga kinakalimutan yon napakatagl na nun para alalahanin pa. sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na andito na pala ako sa resort. Bumusina ako para papasukin nila ako lam ko naman na kilala na nila ang busina ng sasakyan ko. Pagdating ko sa reception area binati kagad ako ni Ivy at Len, mga tauhan namin, sila ngaun ang nakaassign. Pero aalis narin sila kase dumating na ako.Ako naman ang rerelyebo sa kanila yon na kase ang naging routine namin pag dumadating ako dito sa resort.
"hello Ate Mika magandang gabi"magiliw na bati ni Ivy saken."may bisita po pala kayo na naghahanap sa inyo kanina, nasa room 205. Si Miss Jessey po kakilala nyo raw po sila."ng banggitin nya ang room 205 isa lang naalala ko si Jessey kahit hindi na nya sabihin ang pangalan nag naghahanap saken, sya kaagad ang sumagi sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit.
" ah ganun ba, kilala ko sya. Mamya ko na lang sya pupuntahan magpapahinga na muna ako sa kwarto. Baba a lang ako pag time ko na. Pakidala na lang ng mga gamit ko sa room ko."iniabot ko na ang susi ng kotse ko tapos kinuha ko naman ang susi ng room ko kay Len, at dumirecho na nga ako sa room ko. Ng asa room na ako, nagpalit lang ako ng damit at nahiga muna ako sa bed ko. Naalala ko naman kung pano ko nakilala si Jessey. Hindi ko namamalayan napapangite na pala ako..
.
.
.
.
.