Jessey's POV...
.
.
.
.
.
Andito na kami sa tapat ng condo ko " babe hindi na kita papapasukin sa loob ha, alam ko madami ka pa trabaho sa opisina, naisturbo pa kita kahapon "
" ok boss, pahinga ka na lang tutal maaga pa naman" bago pa man ako lumabas ng kotse nya kiniss ko muna sya sa lips nya. Napangite na lang sya sa ginawa ko. Bago ako tuluyang pumasok sa loob hinintay ko muna tuluyan syang makaalis.
Malapit na ako sa unit ko ng may mapansin akong tao malapit sa pinto, nakaupo sya at mukhang natutulog pa. Nang tuluyan na ako makalapit ginising ko na sya. Pag angat nya ng mukha nya nagulat ako si Ria pala. Mukhang matagal na nya ako hinihintay.
" ano ginagawa mo dito? Bat hindi ka man lang nagpasabi? Binuksan ko na ang pinto ng unit ko. Nagulat talaga ako na andito sya, buti na lang hindi na umakyat si Mika, gulo sana kung nagkataon. Nakaramdam talaga ako ng kaba.
" kahapon pa ako tumatawag at nagtitext sayo, hindi mo naman sinasagot at mukhang hindi mo nabasa mga text ko sayo.. masyado ka bang busy? Seryoso nyang sabi habang nakasunod saken. Humarap ako sa kanya ng mapansin kong nakasunod parin sya ng paakyat na ako sa kwarto ko. Pero napansin ko rin kagad ang malaking pagbabago sa kanya. Ang laki ng ipinayat nya, nanlalalim din ang mga mata nya halatang palaging puyat. Sa halip na magalit ako napalitan ng awa at pag aalala ang naramdaman ko.
" I'm sorry hindi ko nabasa mga tx mo" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya muli akong tumalikod at naglakad patungo sa kwarto ko, hinayaan ko na lang na sumunod sya. Nang makapasok ako sa kwarto naramdaman ko na lang ang pagyakap nya ganun din ang pag-uga ng balikat nya habang nakayakap saken, alam kong umiiyak sya.
" Hon i'm sorry kung nasaktan kita snif hindi ko sinasadya, mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka saken snif, please give me second chance" lumuhod sya sa likod ko at niyakap ang mga binti ko. Patuloy lang syang umiiyak. Aaminin ko I miss her, pero hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko sa kanya. Naaawa ako sa kanya, mas lalo akong naguguluhan. Umupo ako at hinarap sya sinapo ko ang pisnge nya at pinaharap saken. Pinahid ko ang mga luha nya.
" Ri, tama na please pareho lang tayong masasaktan kung ipagpapatuloy pa natin" tumulo na rin ang mga luha na pilit kong pinipigilan. " mahal kita, pero tama na ayaw ko ng masaktan pa, ayaw ko ring masaktan ka, so please..." hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil mariin na nya akong hinalikan sa mga labi ko, pilit ko syang tinutulak pero higit na mas malakas sya saken, hinawakan nya ang dalawang kamay ko at pilit nya akong dinala sa kama ko. Disperado na talaga sya. Dahil nanghihina na ako naramdaman ko naman ang pagtigil nya sa paghalik saken pero nakalapat parin ang mga labi nya sa labi ko, kung kanina mapagparusa ang mga halik nya napalitan ito ng napakagaang halik tulad ng mga halik nya dati saken. Hindi ko alam ang nangyari saken pero tinugon ko ang mga halik nya, hanggang sa lumalim ang mga halik namin at ng maramdaman ko na hinuhubad nya ang damit ko bigla ako natauhan at naitulak sya palayo saken. Mukhang nabigla din sya sa ginawa ko at nahiga sa tabi ko paharap sa kisame.
" i'm sorry hon nadala lang ako ng nararandaman ko, wag ka magalit saken" tinalikuran ko sya.
" please umalis ka na" patuloy lang ako sa pagluha. Naramdaman ko ang pag-alis nya, pero hindi ko na sya nagawang harapin pa.
" babalikan kita hon, hinding hindi kita susukuan dahil mahal kita tandaan mo yan." tuluyan na syang umalis.
Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat magalit sa kanya ba o sa sarili ko. Sobrang inis na inis ako sa sarili ko. Bat ko nagawa yon samantalang kasama ko pa kanina si Mika. Nagiguilty ako sa ginawa kong pagtugon sa mga halik ni Ria.
.
.
.
.
.
.
.
.