Mika's POV...
" aray ko babe masakit na, tama na " napaupo na ako sa kama..ang sakit na ng tagiliran at tenga ko sa mga kurot at pingot nya saken. Hindi ko alam kung natutuwa ba sya o nagagalit saken napakaharsh nya. Nang palapit muli sya saken pipigilan ko sana sya pero hindi ko na nagawa kase bigla na lang nya ako hinalikan ng mariin sa mga labi ko at pabukakang naupo sa lap ko. Tinugon ko ang mga halik nya saken, ng mauubusan na kami ng hangin naghiwalay na kami sa halikan namin. Muli ko sana syang hahalikan pero niyakap na nya ako ng mahigpit.
" babe sobrang nasupresa ako sa ginawa mo, hindi ko akalain na magagawa mo akong ipakilala sa parents mo ng ganito kaaga...i love you babe,sobra " bulong nya habang nakayakap saken. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha nya sa balikat ko kaya naman pinaharap ko sya saken.
Hinawakan ko ang face nya at pinunasan ko ng daliri ko ang mga luha nya. " deserved mo ang lahat ng ito babe...kulang pa nga ito eh, madami pa akong dapat gawin para sayo, mahal kita sobra...wag ka na umiyak tingnan mo face mo pumapangit dapat palagi ka lang nakangite ayaw ko na nakikita kang umiiyak,okay?" paglalambing ko sa kanya. Bigla naman nya ako hinampas sa balikat ko sabay yakap saken. Napangite na lang ako sa inasal nya. Alam ko kaseng kinikilig ang mahal ko.
Bago pa kung ano mangyari samen pinaalis ko na sya sa lap ko. Hindi parin kase kami nakakapagpalit ng suot namin nakapangopisina parin kase ako at medyo nanglalagkit narin...maghapon ko na ba naman itong suot tas anong oras na ngayon....hindi ko narin hinayaan na galawin pa nya ang maleta nya magugulo pa yon aalis rin naman kami bukas madami naman ako damit na pwede nya magamit.. inabutan ko na lang sya ng sa tingin ko ay magkakasya sa kanya.
Jessey's POV
Paglabas ko ng banyo nakita ko si Mika nakaupo sa kama patalikod saken at pinupunasan ang basa nyang buhok. Ang bilis naman nya nakapaligo hindi na nya ako nagawang hintayin. Sabagay maghapon ba naman sa trabaho tapos samahan pa ng byahe namin dito......lumapit ako sa kanya at inagaw sa kanya ang towel at ako na nagpatuloy sa pagpupunas ng basa pa nyang buhok. Medyo mahaba na nga eh para na tuloy syang f4.hahaha..
" hindi mo na ako nahintay...san ka nakapaligo?" tanong ko sa kanya habang binabalik ko sa tamang sampayan ang towel na ginamit nya.
" sobrang nanglalagkit na kase ako babe eh, kaya ginamit ko na yong banyo sa guestroom.....pahinga na tayo sobrang napagod ako maghapon. " nahiga na sya sa kama ganun din naman ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya at siniksik ko ang mukha ko sa leeg nya. Kaya naman amoy na amoy ko ang ginamit nyang sabon ang sarap lang sa ilong.. " hmmmp nga pala babe tutal friday na tom nasabi ko na sa secretary ko na hindi ako papasok sa monday na lang. Diba sa monday narin ulit ang pasok mo? " tanong na saken habang nakapikit...
" yes babe sa monday start na ulit ako... " naramdaman ko na lang na lalim ng paghinga ni Mika malamang nakatulog na to. Hindi na nya nagawang maggoodnight saken dahil sa sobrang antok. Kaya naman natulog narin ako na may ngite sakeng mga labi.
...........short ud sorry...........