CHAPTER 11

619 13 0
                                    

Mika's POV...

.

.

.

.

Hindi ko alam bakit yon ang lumabas sa bibig ko... Mahal ko na nga ba sya? Pero kase iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya, marinig ko pa lang ang pangalan nya bumibilis agad tibok ng puso ko. Dati sa iisang babae ko lang to nararamdan at kay Denden lang yon pero ngayon si Jessey lang umiikot sa buong pagkatao ko. Bahala na... pero kahit hindi ko narinig sa kanya na mahal din nya ako at least pinaramdam naman nya na gusto nya rin ako. Masaya na ako dun, alam ko naman na ang bilis ng mga pangyayari, eto na ako eh, dito na ako masaya. Kung malabo man ang meron kami ngayon ang mahalaga masaya kami pareho. Kahit alam ko kahit ano oras pwede syang maagaw saken.

.

.

.

.

.
Kring...kring...kring

Sinagot ko agad ang tawag baka kase importante, andito ako ngayon sa opisina. Ang dami ko kase dapat pirmahan.

"Hello" sagot ko.
"Hello Ma'am meron po kase kayong bisita ayaw naman po pasabi ang pangalan, papapasukin ko na po ba?" ang secretary ko lang pala at sino naman kaya bisita? Napatingin tuloy ako sa relo ko almost lunch na pala, sino naman kaya  bibisita ng mga ganito oras kung ang bullies naman sigurado papapasukin agad yong mga yon ng secretary ko.

" Sige papasukin mo na, tapos na naman ako"
" Ok po ma'am" bago ko pa ibaba ang telepono narinig ko pa na pinapasok na nya ang sinasabi nyang bisita. Napapaisip tuloy ako hindi ko man lang naitanong kung babae o lalaki. Narinig ko na lang bumukas ang pinto ng opisina ko na nakapagpaangat ng mukha ko mula sa mga pinipirmahan kong papeles. At ng makita ko kung sino sobrang nagulat ako.

" Hi babe, sobrang busy mo ata ah hindi mo man lang ako tinitext o tinatawagan man lang, nakakatampo ka naman" napatayo na lang ako at niyakap sya at hinalikan ko sya sa noo nya. Oh my god namiss ko sya isang linggo rin kami hindi nagkita. Yes po si Jessey lang naman po ang sopresang bisita ko.

" Sorry babe ang dami ko kaseng ginagawa eh, dadaan din naman sana ako sa condo mo after nito naunahan mo lang talaga ako" hinila ko na sya papunta sa sofa para makaupo kami at makapag-usap ng maayos. " what brings you here? And kanino mo nalaman itong opisina ko, sa. Natatandaan ko hindi ko nabanggit kung san ito"

" wala naman gusto lang talaga kita makasabay maglunch and namiss na rin kita. Sa one of the bullies ko nalaman kay Kimmy. So tapos ka na ba, kain na tayo?" sabay pout nya pa saken. Sino ba naman hindi maiinlove sa taong to eh ang cute cute. Hindi ko tuloy napigilan nahalikan ko tuloy sya sa mga labi nya pero smack lang naman. " haist nakaisa ka na agad eh, tara na kase kain na tayo" ganun talaga damoves eh. Hinila na nya ako patayo para makaalis na kami. Bago naman kami umalis binili ko na lang yong iba sa secretary ko. Baka kase gutom na talaga tong babae na to. Dumiretso na lang kami sa mall at doon na lang kami humanap ng pwede kainan. Habang naglalakad naman kami may ibang napapatingin samen ang kulit naman kase ng kasama ko. Isa pa pareho pa kami matangkad at kapansin pansin talaga. Hinawakan ko naman ang kamay na para iparating na pag-aari ko na sya. Nang makarating kami sa restaurant na kakainan namin ako na ang pumili ng mga pagkain namin.

" Babe tamang tama samahan mo ako may papakita ako sayo" ako na ang nagbukas ng topic namin.
" San naman?"
" Surprise syempre... deretso na tayo dun pagkatapos natin dito." hindi na nya ako kinulit sa sinasabi kong sopresa, yon naman ang nagustuhan ko sa kanya. Tamang dumating narin ang mga pagkaing inorder namin, kung ano ano pa g napag usapan namin habang kumakain karamihan tungkol sa mga bullies. Pagkatapos namin kumain inaya ko na sya sa sinasabi kong sopresa. Ewan ko ba naramdaman ko na lang na gusto ko syang dalhin dun..

" So lets go?" hindi pa man sya nakakasagot hinila ko na agad sya papunta sa parking lot at pinasakay sa kotse ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
__________________________
Sorry guys sobrang lame..bawi na lang ako next chapter

Totally Unexpected (Jeka Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon