Chapter 11:
The SecretaryStephanie's Point of View
What a beautiful day! Thanks God! Dahil may trabaho na si Kyzer! Isa na siyang CEO! Woohoo!
Magluluto ako ng dinner mamaya!
Kaya ngayon, mamamalengke ako.
Naglalakad ako ngayon papuntang kusina para mag breakfast.
Pagkarating ko, binati agad ako ni mommy.
"Good morning anak!" Bati sa akin ni mommy saka umupo na ako.
"Good morning sa inyo!" Bati ko.
"Good morning mahal." Bati sa akin ni Kyzer saka hinalikan niya ako sa noo.
"Good morning mahal. Wait, amoy pawis ka ah. Nag exercise ka?" Tanong ko kay Kyzer.
"Hehehe, yes, mahal."
"Nako, baka ma in love sa 'yo lahat ng mga babae dun ah."
"Hehehe. Hindi naman, mahal. And kung ma in love man sila, don't worry, mas maganda ka pa sa kanila." Wika niya saka niyakap niya ako.
"Hmmm! Mahal! Amoy pawis ka!" Wika ko saka kumawala sa pagkakayakap niya.
"Hindi ka nga nabahoan sa akin noong pinagpawisan tayo noong nag ano tayo eh. Hehehe!"
"Sige sabihin mo!" Banta ko kay Kyzer.
"Oh, tama na 'yan. Baka kung saan pa 'yan mapunta. Kumain na kayo." Biglang wika ni mommy.
"Sige po." Wika ko.
Yayakapin pa sana ako ni Kyzer pero hinarang ko na ang nga kamay ko.
Pagkatapos naming kumain, naligo, nagsipilyo at nagbihis na ako.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa car ko, pero bigla akong hinarangan ni Kyzer.
"Mahal, saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Mamamalengke. Magluluto ako ng masarap mamayang dinner para e-celebrate ang pagkakaroon mo ng trabaho."
"Ang sweet naman ng mahal ko. Hatid na kita."
"'Wag na. Kasama ko naman si Demi eh. DEMI!! ANO BA! BILISAN MO!! Ang gagawin mo nalang, mahal, ay ihanda ang sarili mo."
"Salamat mahal ko!" Wika niya saka niyakap niya ako.
"Hmmm, mahal, bango ah. Mabuti naman at naligo ka na."
"Siyampre, ayoko namang ma-turn-off ka sa 'kin mahal."
"Talaga lang ha." Wika ko saka niyakap ko rin siya ng mahigpit.
"I love you, mahal."
"I love you too." Wika ko saka hinalikan niya ako sa noo.
"Tara na! Hoy! Stephanie! Tama na 'yang landian niyo. Alis na tayo, nakakaumay na kayong tingnan." Biglang wika ni Demi dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Kyzer sa kanya habang magkayakap.
"Bakit mo naman kami tinitingnan? Inggit ka?" Panunukso ko kay Demi.
"Anong naiinggit? Hindi no. Tara na nga!" Wika ni Demi saka naglakad na siya palabas.
"Mauna na kami." Paalam ko kay Kyzer.
"Okay. Mag-iingat kayo."
"Salamat, ikaw rin. Good luck nga pala. Kaya mo yan." Wika ko saka naglakad na palabas.
Paglabas namin, sumakay agad ako sa car. Habang si Demi, binuksan ang gate.
Mayamaya lang, sumakay na rin siya at umalis na kami.
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomantikAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...