Chapter 13:
Food KeeperStephanie's Point of View
"Demi! Mag decorate na kayo sa garden." Utos ko kay Demi.
Gusto ko kasi na enggrande ang selebrasyon namin.
Kung pwede nga lang, rerenta ako ng isang fastfood chain sa isang araw para mas espesyal.
Pero hindi naman mahilig si Kyzer sa mga iyan kaya eto nalang.
Pero kung ayaw niya pa 'rin, bahala siya, nasimulan ko na eh.
"Eto na nga oh! Maglalagay na kami ng bandiritas. Sobra naman yata ito babae."
"Anong sobra? Kulang pa ito no." Wika ko habang naghahanda ng mga pagkain.
"CEO ang asawa mo aa kompanya niyo. Syempre, normal lang iyon na may magmamana ng kompanya ninyo kaya kung ako ang nasa posisyon mo, hindi na ako maglalagay ng mga bandiritas o kung ano pang palamuti. Magluluto lang ako."
"Yun nga, eh hindi ka naman ako, kaya sundin mo nalang ang gusto ko, okay."
"Okay ma'am!" Wika ni Demi saka naglakad na palabas. Habang ako ay nagpatuloy sa pag-aayos ng pagkain.
Demi's Point of View
Grabe talaga itong si Stephanie, kung maka celebrate, wagas!
Nasa garden na ako ngayon, kami ni Skyler ang nandito dahil kami ang nakatoka sa paglalagay ng dekorasyon.
"Hoy! Skyler. Tulungan mo akong maglagay ng bandiritas. Bilis!"
"Busy ako! Ikaw nalang."
"Tangina ka. Tayong dalawa ang nakatoka dito kaya tulungan mo ako!"
"Busy nga ako 'di ba, hindi mo ba nakikita na abala ako sa paglilinis ng lamesa."
"Eh madali lang naman iyang ginagawa mo eh!"
"Anong madali? Walang madaling trabaho, Demi."
Arrgh! Nanggigigil na talaga ako sa lalaking ito ha!
He's getting into my nerves.
"Eh mas mahirap itong sa akin eh! Hindi ko ito kaya mag-isa!"
"Tss! Kaya mo iyan!"
Bwiset!
Kinuha ko ang silya at itinapon sa paanan niya saka padabog na naglakad.
Kinuha ko ang hagdan at isinandal iyon sa kahoy.
Umakyat ako at itinali ang bandiritas sa pinakamalapit na sanga.
At sa hindi inaasahan, marami pa lang langgam sa sanga na iyon at gumagapang sa ito sa akin!
Tangina!
Hindi ko mapigilang gumalaw dahil nasa katawan ko na sila!
Shet!
Naramdaman kong malapit nang mawalan ng balanse ang hagdan dahil gumagalaw na rin ito!
Hanggang sa natumba!
Bwiset! Mababalian yata ako nito!
Pumikit na lamang ako dahil sa takot.
Pero nabigla ako nang may naramdaman akong kamay na nakahawak sa likod ko.
Nakaramdam ako ng safety sa kanyang mga kamay.
Is he my guardian angel in disguise?
Ibinuka ko ang aking mata at nakita ko ang mukha ng taong nagligtas sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/166132029-288-k858179.jpg)
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomansaAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...