Chapter 35

1.3K 13 7
                                        

Chapter 35:
Wedding in Hell

Stephanie's Point of View

Mommy, I'm sorry. Hindi ko pinakinggan ang damdamin ko. Kung pinakinggan ko lang edi sana, buhay Ka pa ngayon. Mommy, I'm sorry, I'm so so sorry.

Nagising ako na nasa isang madilim na silid, tanging mga butas lang ng bubong ang nagbibigay liwanag. Nakatali ang kamay at paa habang nakaupo at nakasuot ng...

Wedding gown!

"Tulong! May tao ba diyan! Tulong!" Sigaw ko habang nagpupumiglas, nagbabasakaling matanggal ang tali.

"Hindi mo ba naaalala ang lugar na ito, darling?" Sabi ng isang pamilyar na boses. "Ito ang dating kampo ng mga sindikato." Aniya.

Nilibot ko ang aking tingin sa silid, pamilyar nga ang lugar na ito.

Teka, ito ang kampo ni Richard Alonzo dati!

"I-ito ang k-kampo ni Richard Alonzo." Sabi ko.

"Tama, ito ang kampo ni Richard Alonzo, ang tatay ko na pinatay niyo!" Pasigaw niyang wika.

"Ta-tatay mo s-si Richard? Kaya ka ba p-pumasok sa buhay namin p-pa-"

"Para maghiganti! Buhay ng ama ko ang kinuha niyo kaya buhay ng pamilya mo ang kapalit!" Aniya saka ibinato ang isang baso sa pader dahilan kung bakit nabasag ito at natalsikan ng bubog ang pisngi ko.

"Sino kaya ang isusunod ko sa mommy mo? Hmmm..." Sabi niya habang nakatingin sa litrato ng pamilya ko. "Ah! Ano kaya kung si Sabrina? Para may anghel sa impyerno. Ano sa tingin mo? Darling?" Aniya saka tumawa na parang demonyo.

"No! Jerson h'wag please! H'wag ang anak ko! Please Jerson! Please! Please! Itigil mo na ito!" Nagmamakaawang wika ko.

"Madali naman akong kausap, Stephanie, darling ko. Ititigil ko na ito sa isang kondisyon..."

"Kondisyon? A-anong kondisyon?" Tanong ko saka naglakad siya palapit sa akin at inilapit ang kanyang mukha.

"Pakasalan mo ako." Aniya saka pinaulanan ng halik ang aking leeg.

Kahit anong pagpumiglas ko, hindi pa rin sapat para tumigil siya sa ginagawa niya.

"Tulong!"

Kyzer's Point of View

Nasaan ba si Stephanie? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik? Hindi rin sumasagot sa mga tawag ko, ilang beses na akong tumatawag pero kahit isa doon ay hindi niya sinagot.

Mayamaya, biglang nag ring ang cellphone ko.

Si Skyler, tumatawag.

"Hello, bro." Sabi ko.

"B-bro s-si Tita Celeste..." Umiiyak na wika niya sa kabilang linya dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

"A-anong nangyari kay mommy?" Nag-aalala kong sabi.

"S-si Tita Celeste... W-wala na siya. Wala na siya bro!" Aniya dahilan kung bakit napaupo ako sa sofa dahil sa gulat kasabay ang pagtulo ng aking luha.

Hindi ako makapaniwala, paano namatay si mommy?

Tumayo ako at patakbong lumabas ng gusali at dumiretso sa parking lot.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Demi.

"Hello, Kyzer?" Aniya sa kabilang linya.

"Demi, nasaan kayo?"

"Nasa hospital kami, Kyzer."

"Sige, papunta na ako diyan." Sabi ko saka pinutol na ang linya at agad pinatakbo ang sasakyan.

Pagkarating ko, pumasok agad ako ng hospital at nakita ko sila sa labas ng morgue.

"Si Stephanie, nasa loob pa ba?" Tanong ko.

"Huh? Akala ko ba kasama mo siya?" Si Demi.

"Hindi, nakaalis na siya kanina pa. Akala ko nandito siya."

"Wala siya dito, at hindi siya nakapunta dito. Nagtataka nga kami kung bakit hanggang ngayon wala parin siya." Aniya.

"Nakailang tawag na rin ako sa kanya pero hindi siya sumasagot." Nag-aalala kong wika.

"So ano 'to? My sister is missing?" Sabi ni Stella.

"Hindi naman siguro, baka na may pinuntahan at na-lowbatt ang phone." Si Skyler.

"Hindi eh, hindi naman iyon nalo-lowbatt kasi madami iyong extra batteries at may power bank rin. Kaya imposibleng lowbatt." Paliwanag ko.

Stephanie, nasaan ka ba?

"A-anong nangyari kay mommy?" Sabi ko.

"Binaril si mommy doon sa labas ng palengke. At hanggang sa ngayon wala pa ring lead ang mga pulis para malaman kung sino ang suspect." Sabi ni Stella.

"Subukan nating pumunta ulit sa pinangyarihan ng krimen, magbabasakaling may isang bagay na pwedeng makapagsabi sa atin kung sino ang pumatay kay mommy." Sabi ko at sinang-ayonan naman nila.

Nag-ayos na sila para sa aming pagpunta doon sa labas ng palengke, pero pina-iwan namin si Demi para mag-asikaso sa pag claim sa bangkay ni mommy.

Pagkarating namin doon sa Crime Scene, may nakita akong bagay na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

Nandito ang sasakyan ni Stephanie!

Agad kong pinuntahan iyon, baka sakaling nandoon lang siya, umiiyak o hindi kaya ay nakatulog.

Pero nabigo ako, dahil hindi ko siya nakita doon.

Stephanie where are you?

Aksidente kong natapakan ang isang bagay na pag-aari ni Stephanie, ang kanyang cellphone.

Sirang-sira na ito at parang sinadya talaga itong sirain. Hindi naman yata ito gagawin ni Stephanie. There is something wrong going on here.

Pakiramdam ko, dinukot si Stephanie. Pero sino naman ang taong dumukot sa kanya? Isang tao lang ba ang gumagawa ng bagay na ito? Siya rin kaya ang pumatay kay mommy.

Mukhang nasa mga kakilala lang namin gumagawa nito. At iyon ang aalamin ko kung sino.

Stephanie's Point of View

"Darling, magbibihis lang ako ha." Sabi ni Jerson saka hinalikan niya ang aking labi.

Hindi mapigilan ang sarili kong umiyak dahil itatali ko ang sarili ko sa taong hindi ko mahal para mailigtas ang buhay ng pamilya ko.

Akala ko, tapos na ang mga bagay na ito, akala ko, si Ashleen ang tunay kong kalaban dito, nagkamali ako. Kung sino pa iyong mabuti ang pakikitungo sa iyo, siya pala ang may masamang intensyon sa iyo.

Bakit kasi hindi ko muna kinilala si Jerson bago ko siya kinaibigan? Tangina, ang tanga ko! Sobrang tanga!

Hanggang ngayon, pinaplano ko pa rin kung paano ako makakawala sa pagkakatali. At mahirap itong tanggalin kung ako ang gagawa.

Mayamaya, bumalik na si Jerson.

"Handa na ako sa kasal natin, darling." Aniya.

"At may ikinakasal bang tinatali ang asawa?" Sabi ko.

Sana naman gumana ang pang-uuto ko.

"Tama ka." Wika niya saka tinanggal niya ang tali sa aking kamay, sunod naman ang aking kaliwang paa, nang natanggal na niya ang tali, lumipat naman siya sa aking kanang paa. Pero bago pa niya matanggal ang tali, sinipa ko siya sa ulo dahilan kung bakit nawalan siya ng malay, kaya mabilis kong tinanggal ang tali sa aking paa saka tumayo.

"Salamat, uto-uto." Wika ko saka tumakbo paalis.

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon