Chapter 9

2K 21 0
                                        

Chapter 9:
Please

Stephanie's Point of View

Nagkatinginan kami sandali ni Kyzer saka ako naglakad papunta sa sasakyan ko.

"Mahal." Pigil niya.

Humarap ulit ako sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Matigas kong wika.

"Mahal, mag-usap tayo." Nagmamakaawang wika niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Kyzer."

"Mahal, please."

"Kyzer, 'wag muna ngayon okay! May lakad pa ako."

"Hihintayin kita dito."

"'Wag na. Hindi ako uuwi mamaya."

"Okay lang, kahit dito pa ako matulog sa labas. Basta makausap lang kita."

"Tsss. Umalis ka na pwede ba! Ayoko pang makipag usap sayo." Wika ko saka tiningnan ko wrist watch ko.

9:01am na! Nako, baka naghihintay na si Demi doon!

Naglakad ako papunta sa sasakyan. Pumasok ako at umalis na.

Palabas na ako sa gate ng biglang humarang si Kyzer sa daan.

"Kyzer!!! Umalis ka sa daan!! Tangina!"

"Hindi ako aalis at hindi ka makakaalis kapag hindi mo ako kakausapin."

"Kyzer naman!! Intindihin mo muna ang nararamdaman ko!! Dahil nasasaktan pa ako!! Kyzer please. Umalis ka muna kung ayaw mong sapakin ka ni ate. And late na ako sa lakad ko!"

"Okay. Sige. Pasensya na." Wika niya saka umalis siya sa daan.

Pinakbo ko na ang sasakyan.

Papunta na ako ngayon sa airport.

Nakokonsensya ako sa ginawa ko kay Kyzer kanina.

Sana kinausap ko nalang siya.

Pero masakit pa rin eh. Kasi parang ako pa ang masama sa kanya kahit na ako ang biktima!

Ilang saglit lang, may tumawag sa phone ko.

Incoming call...

Unknown Number

Decline | Accept

Sino kaya 'to?

"Hello? Sino-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na siyang nagsalita.

"Stephanie! Nasan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng airport."

"D-demi? Wait pano mo-"

"Sa mommy mo ako humingi ng number mo. Ang tagal mo kasi!"

"Eto na! Malapit na!"

"Gaano kalapit? 230 kilometers?"

"Gaga! Eto na nga oh! Paliko na! Papunta na diyan. Sige na, ibababa ko na 'tong phone."

"Okay." Wika niya saka pinatay ko na ang linya.

Tumigil ako sa harap niya. Hindi pa niya ako napapansin kasi nasa loob pa ako ng car.

Ilang saglit lang, lumabas na ako sa sasakyan.

Naglalakad na ako palapit sa kanya.

"Demi! Long time no see!" Wika ko at ibe-beso ko na sana siya pero...

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon