Loving someone who'll love you back is the best chapter of your life.
At ang the best part, siya ang naghihintay sa harap nang altar habang ikaw ay dahan-dahang naglalakad papunta sa kanya habang nakasuot ng wedding gown.
Ngayon ang renewal of vows namin ni Kyzer.
At ang saya ko kasi pagkatapos ng malaking pagsubok, kami pa rin sa bandang huli. Sapat na iyon para sabihin kong siya na ang lalaking ipinanganak para ako ay mahalin.
"You look so gorgeous in your wedding gown." Sabi ni Ate Stella.
Nandito kami ngayon sa labas ng simbahan.
"Salamat ate. Sayang lang, kasi hindi na ito naabutan ni mommy."
"Ano ka ba, kahit hindi man naabutan ni mommy ito, alam kong masaya siya para sa iyo, kung nasaan man siya ngayon. Kaya smile, this is your wedding."
"Salamat, ate." Sabi ko at ilang saglit lang, bumukas na pinto ng simbahan kaya nakita ko ang mga tao na nakatingin sa akin, at ang mahal ko na nasa harap at nakatingin sa akin, kitangkita sa kanyang expression ang pagkamangha.
He's very handsome in his suit, at mas gumwapo pa siya sa kanyang hairstyle na katulad kay Leonardo Di Caprio sa Titanic.
"Are you ready?" Tanong ni Ate.
"Ready na." Sabi ko saka naglakad na kami sa altar.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa moment na ito.
Habang papalapit ako kay Kyzer, nakikita ko sa kanyang mata ang luha ng saya dahilan kung bakit naluha na rin ako.
"You're so beautiful, mahal." He whispered while he's holding my hand.
***
"You may now kiss the bride." Sabi ng pari saka itinanggal na ni Kyzer ang belo.
"Third baby na ang sunod nito." Sabi ni Kyzer.
Third, kasi I consider Ashton as my second baby, that's why.
"Sira! Ang bata pa nila Ashton at Sabrina, kailangan pang alagaan, saka na kapag medyo malaki na sila."
"Hmm, sige na nga. Pasalamat Ka dahil mahal kita." Aniya saka hinalikan na niya ako dahilan kung bakit nagpalakpakan ang mga tao.
***
"Please welcome Mr. And Mrs. Buenelle!" Wika ni Demi nang makarating na kami sa reception.
Naglakad na kami ni Kyzer papunta sa aming lamesa na nasa harapan dahilan kung bakit nagpalakpakan ulit ang mga tao.
Pagkarating namin doon, pinatunog nila ang kanilang mga baso gamit ang kutsara.
"Mahal, kiss daw." Sabi ni Kyzer habang nagpapa-cute.
Kaya mas lalo akong nai-in love sa nilalang na ito, kahit anong expression ang gawin niya, gwapo pa rin siya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomanceAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...
