Chapter 25

1.1K 17 3
                                    

Chapter 25:
Heavy Tears

Stephanie's Point of View

Kinuha ni Ashleen ang kanyang cellphone.

"A-anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Tatawagan ko si Kyzer. Dapat niyang mala-" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil agad kong inagaw ang kanyang cellphone.

"P-pwede bang h'wag ngayon, Ashleen. A-anniversary kasi namin ngayon. A-ako nalang m-mismo ang magsasabi sa kanya." Sabi ko.

"At kailan mo naman balak sabihin? Kapag nag-aagaw buhay Ka na? Kapag huli na ang lahat? Pasensya Ka na, Stephanie, pero ako ang masusunod kung kailan ko sasabihin sa kanya na may anak kaming dalawa! Kaya akin na ang phone ko!" Aniya saka binawi ang kanyang phone.

Walang magandang maidudulot kung papairalin ko ang pride ko, alang-alang para hindi mawala sa akin ang asawa ko. Selfish na kung selfish, pero ayokong iwan ako ng asawa ko, kaya gagawin ko ito.

Lumuhod ako sa kanya.

"Parang-awa mo na, Ashleen. H'wag mong kunin sa akin si Kyzer, please. Gagawin ko ang lahat, h'wag mo lang siyang kunin sa akin."

"Stephanie, hindi ko kukunin ang asawa mo sa 'yo. Nasa kanya 'yan kung siya mismo ang magkusang iwan Ka at sumama sa akin." Aniya saka naglakad paalis.

Hindi ko mapigilang umiyak sa kakaisip na babalik na naman ang lamig sa aming dalawa dahil sa nangyayari ngayon. Akala ko, tapos na, may mas lalala pa pala.

Hindi ko kayang tumayo, parang nawalan ako ng lakas para tumayo at para ipaglaban ang asawa ko.

Mayamaya ay may humawak sa balikat ko.

"Stephanie! Ano bang nangyayari sa iyo! Lumuluhod Ka sa harap ng basurahan! Ayus-ayusin mo ang desisyon mo sa buhay. Kung kailan naging okay kayo ni Kyzer at anniversary ninyo, ngayon Ka pa nabaliw! Tumayo Ka na nga diyan, uuwi na tayo, nabili ko na lahat ng kailangan natin, ang tagal mo kasi! At kung saan-saan kita hinanap dito lang pala kita makikita at ganito pa ang madadatnan ko. Natatakot na talaga ako sa 'yo ha. Tara na!" Mahabang sabi ni Demi.

"Akala ko nga, okay na ang lahat, Demi. Akala ko lang pala."

"Ha? A-anong ibig mong sabihin?"

"B-buntis si Ashleen." Sabi ko at humagulgul ulit ng iyak.

"Hala, e- tumayo ka na nga diyan! Para kang baliw." Sabi niya habang tinutulongan niya akong makatayo. "Manong! Manong kargador! Dalhin mo nga ito!" Aniya at lumapit naman ang kargador sa akin at akmang kakargahin ako pero… "manong! Hindi siya! Itong mga pinamili ko! Allergic itong kasama ko sa madumi at pawisin. Nakaluhod lang siya ngayon sa harap ng basurahan kasi nasa mood siya. Sige na! Dalhin mo na iyang mga pinabili ko!" Aniya saka naglakad na kami palabas ng palengke habang inaalalayan ako ni Demi.

Pinasok niya ako sa loob ng sasakyan saka pumunta siya sa likod para ilagay ang mga pinamili namin na pinadala niya sa kargador kanina, at sumakay na rin siya at umalis na kami.

Tulala lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami ng bahay.

Okay, Stephanie. Act like nothing happened, para hindi sila makahalata.

Lumabas ako ng sasakyan at pilit na magpanggap na walang nangyari.

Tinulongan ko siyang dalhin ang mga pinamili namin at pumasok na kami ng bahay.

"Oh, anak. Ang tagal niyo ha." Bungad sa akin ni mommy.

"Marami kasing bumibili sa palengke mom."

"Ah, okay. Anong nangyari sa 'yo? Bakit ang dumi mo?"

"Ah, lu-" hindi natapos ni Demi ang kanyang sinasabi dahil agad ko siyang sinapawan.

"Nadapa lang po mom." Sabi ko saka tiningnan ko si Demi ng sabayan-mo-ako-look.

"Ganoon ba, okay. Magbihis Ka muna, pagkatapos bumaba ka dito para tulongan kaming magluto."

"Sige po, mom." Sabi ko saka umakyat na papunta ng kwarto.

Pagpasok ko, dumiretso ako sa cr at umiyak.

Paano kung pumunta si Ashleen mamaya dito at sabihin sa asawa kong buntis siya?

Paano kung malaman na ni Kyzer? Iiwan niya ba ako?

Arrgh! Ayoko na! Pagod na ako! Pagod na akong isipin ang mga masakit na posibilidad! Ayoko ng masaktan, pagod na akong masaktan.

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko, nanghilamos na ako saka nagbihis. Pagkatapos, bumaba na ako para tulongan silang magluto.

Nang matapos na naming lutuin ang mga pagkain, inilagay na namin sa lamesa.

Mayamaya lang, dumating na si Kyzer at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap ganoon din siya sa akin.

"Happy anniversary, mahal! I love you." Aniya.

"Happy anniversary! I love you too!" Sabi ko.

Ewan ko, pero sa kabila ng mga pagkakamali ng asawa ko, mahal ko pa rin siya.

Marupok na kung marupok. Ganun talaga siguro kapag nagmahal ka, kahit paulit-ulit niya akong saktan, mamahalin ko pa rin siya.

Kumalas na kami sa pagkakayakap at may kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na box.

"This is my gift for you." Aniya habang inaabot niya sa akin iyon.

Tinanggap ko naman iyon.

"What's this mahal?"

"Open it." Sabi niya at agad ko itong binuksan.

Isang bracelet.

"Wow, bracelet, ang ganda! Pasensya kana, hindi ako nakabili ng regalo para sa 'yo. Medyo rush na rin kasi. Sorry." Paliwanag ko.

"Tss, mahal, okay lang. Hindi naman big deal sa akin ang regalo."

"Salamat mahal. Happy anniversary."

"Happy anniversary." Aniya saka nag smack kami.

"Mamaya na ang lambingan, naghihintay ang pagkain." Biglang wika ni mommy kaya naglakad na kami papunta ng kusina at nagsimula ng kumain.

Kinabukasan, isang malakas na katok sa aming pintuan ang gumising sa amin mag-asawa.

Binuksan ko ang pinto para malaman kung sino ang kumatok.

"Ano ba yun?" Sabi ko.

"Stephanie, si Ashleen nasa labas!" Wika ni Demi dahilan kung bakit biglang nagising lahat ng aking body parts.

"Ano?" Wika ko at patakbong bumaba ng hagdan at naglakad papunta ng gate.

Sumugod pa talaga siya dito?

Pagkarating ko sa gate, nakita ko agad siya na pilit na pumapasok pero pinipigilan siya ni Kyzer.

"Stephanie, nasaan si Kyzer? Kailangan na niyang malaman." Aniya.

"Ano ang dapat kong malaman?" Biglang wika ni Kyzer.

Shit!

"Kyzer! Kyzer!  May dapat kang malaman." Aniya.

Mas lumakas pa ang tibok ng puso ko ngayon.

Tangina!

"Ano nga ang dapat kong malaman?" Tanong ulit ni Kyzer.

"Kyzer, b-buntis ako, at ikaw ang ama."

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon