Chapter 33:
Threat
Stephanie's Point of View
"Laligawan mo ulit ang anak ko, Kyzer?" Tanong ni mommy.
"Opo." Sagot niya.
Tiningnan ko si Jerson at nakita ko sa expression ng mukha niya ang pagkagalit.
A-anong nangyari sa kanya?
Lumapit ako para tanongin siya.
"Jerson? Are you okay?" Nag-aalala kong wika.
"Y-yes. Mauna na ako, salamat sa dinner." Aniya.
"Sure Ka? Sige, mag-iingat ka." Sabi ko saka naglakad na siya paalis.
Medyo bumilis ang tibok ng aking puso, parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
"Ilalagay ko na po muna ang maleta ko sa kwarto namin." Wika ni Kyzer at akmang lalakad na.
"No, doon Ka sa guest room, Kyzer." Bigla kong wika.
"Bakit? Ayaw mo na bang makatabi ang asawa mo?" Aniya saka nag pout.
"Asawa mo mukha mo." Sabi ko saka kinuha ko si Sabrina sa kanyang kuna. "Mom, pakisabi kay Skyler na pakihatid itong kuna ni Sabrina ha."
"A-ako na. Ako na ang magdadala niyan." Wika ni Kyzer pero hindi ako sumagot at umakyat na ako papunta ng kwarto. Agad namang sumunod si Kyzer dala ang kuna ni Sabrina.
Nang makarating kami sa kwarto, agad niyang inilapag ang kuna malapit sa kama kaya inilagay ko na agad doon ang bata dahil natutulog na ito.
"Ang ganda ng anak ko." Sabi ni Kyzer habang pinagmamasdan si baby.
"Anak ko, Kyzer. Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na anak mo siya eh hindi mo nga nagampanan ang pagiging ama mo sa kanya dahil mas inalagaan mo ang anak ninyo ni Ashleen." Sabi ko dahilan kung bakit tumayo siya sa harap ko, nakaupo kasi ako sa gilid ng kama.
"Stephanie, kaya nga ako bumalik dito kasi gagampanan ko ulit ang pagiging asawa mo at ang pagiging ama sa anak natin. Bakit mo ba ipinagkakait sa akin sa akin ang bagay na iyan?" Aniya.
"'Di ba ipinagkait mo rin sa akin ang pagiging masaya? Ang masayang mag-asawa, dahil nagloko ka."
"Kaya ako nandito para itama ang pagkakamali ko! Para ibalik ang ating masayang pagmamahalan! Stephanie, bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon!"
"Kyzer, huli na ang lahat. Hindi mo na maitatama ang pagkakamali mo simula noong nagtalik kayo ng sekretarya mo! Bakit? Kaya mo bang ibalik sa pagiging tamod ang anak niyo? Kyzer hindi! Kaya sana bago ka magpadala sa libog mo, inisip mo muna ang taong masasaktan sa gagawin mo!" Sabi ko at ilang saglit lang, biglang umiyak si Sabrina dahil sa ingay namin kaya tumayo ako para sana kunin siya pero bigla akong niyakap ni Kyzer sa likod.
"Stephanie, I'm sorry, p-pangako, g-gagawa ako n-ng paraan p-para b-bumalik tayo sa dati." Umiiyak sa wika niya.
"Bitawan mo ako." Malamig kong sabi saka kinuha ko si Sabrina at bumaba ako ng sala para doon siya patahanin.
Doon ko lang nabuhos ang kalahati sa galit ko kay Kyzer.
Habang umiiyak ang anak ko, sumariwa sa isip ko ang araw na hindi niya ako pinaniwalaan na buntis ako dahilan kung bakit ako naaksidente at pati iyong pagkahuli ko sa kanya na nakikipagtalik kay Ashleen dahilan kung bakit tumulo ang luha ko.
Hanggang kailan pa ako magdurusa sa sakit na ibinigay mo sa akin, Kyzer? Hanggang kailan? Pagod na ako!
Nang tumahan at nakatulog na ulit si Sabrina, nagpasya na akong bumalik na ng kwarto para ilagay na siya sa kanyang kuna at para makatulog na rin ako.
Kinabukasan, hindi na ako nag almusal at pumunta na ng trabaho.
Habang binabasa ko ang mga papel na pinapapirmahan sa akin, narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na iyon pinansin.
"G-good m-morning, CEO-"
"You're late! Secretary Buenelle."
"S-sorry po. Mag-almusal po muna kayo." Sabi niya pero hindi na ako nag-abalang sumagot kaya naglagay siya ng isang food keeper, kutsara, tinidor at tissue sa lamesa ko. "Paborito niyo po iyan. Luto ng mommy mo." Aniya saka kumuha pa ng mga papel na pipirmahan ko. "Ang dami niyo pa pong pipirmahan, kaya kailangan niyo pong kumain." Sabi niya dahilan kung bakit tiningnan ko ang pinagpatong-patong na papel sa tabi ko. Ang dami nga!
Kaya kinuha ko ang food keeper at ang utensils at akmang kakain na pero nakita ko ang sticky note na nakadikit sa takip.
Good morning mahal! Don't skip meals. It's not good to our body.
Iyan ang nakasulat sa sticky note. I crumpled it at itinapon sa harap ng table.
"Itapon mo 'yan. Nakakairita." Sabi ko saka hinilot ang aking sintido at agad naman iyong pinulot ni Kyzer saka itinapon sa basurahan.
"S-sorry Stephanie." Aniya.
"Don't call me Stephanie during working hours. It's very disrespectful. Boss mo ako so you must respect me by calling me CEO Fernandez." Malamig kong sabi.
"I'm s-sorry, CEO Fernandez."
"Back to work." Sabi ko.
Pagkatapos kong kumain, nagpatuloy na ulit ako sa aking trabaho.
Putangina, nakakapagod pala ang maging CEO.
Pagkatapos ng aking trabaho, agad na akong lumabas ng gusali para umuwi.
Nakita ko sa parking lot si Jerson, parang naghihintay.
Nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa akin.
"Stephanie, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya saka hinawakan niya ang aking palapulsohan at pumasok kami sa kanyang sasakyan.
"A-ano bang pag-uusapan natin? B-bakit aligaga ka?" Sabi ko.
"Stephanie, hayaan mo akong ligawan kita. Mahal na mahal na talaga kita at hindi ko kaya kapag hindi kita nakukuha." Aniya dahilan kung bakit ako nabigla.
"Jerson, hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi, ayaw lang kitang umasa at masaktan kaya please, tumigil ka na."
"Matututunan mo rin akong mahalin kaya hayaan mo akong ligawan ka."
"Hindi nga sabi Jerson!"
"Kapag si Kyzer manligaw, okay lang pero ako, hindi? Ano bang dapat kong gawin Stephanie?"
"Wala, wala kang dapat gawin."
"Meron, ito." Sabi niya saka agresibong pinaulanan ng halik ang aking leeg.
Putangina ka!
Tinulak ko siya at sinampal ng malakas.
"'Di ba iyan naman ang gusto mo?" Sabi niya saka akmang hahalikan ulit ako sa leeg pero tinulak ko agad siya.
"Walang hiya ka!" Sabi ko at akmang lalabas na pero bigla niyang hinawakan ang aking palapulsohan.
"Kung hindi kita makukuha sa mabuting paraan, kukunin kita sa dahas!" Aniya saka binitawan niya ako kaya agad akong lumabas sa kanyang sasakyan.
Ano ang gagawin mo Jerson?
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomanceAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...
