Chapter 24

1.1K 19 0
                                    

Chapter 24:
Anniversary

Stephanie's Point of View

Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita

14 words, one sentence, four words saying "Stephanie, giveup. Wala ka ng ipinaglalaban—wala na ang iyong ipinaglalaban."

It hurts a lot na kung kailan malapit na ang first wedding anniversary naming dalawa, saka pa nangyayari ang mga bagay na ito.

Pagkauwi ko sa bahay, lahat sila, nakatingin sa akin, puro nakabusangot ang mga pagmumukha.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Si Ate Stella.

"Hanggang kailan mo balak magtago sa amin?" Wika ni Demi.

"Bakit hindi ka nagsabi na ginagago ka na pala ng kapatid ko?" Si Skyler.

Anong bang nangyayari sa mga tao dito?

"T-teka, anong nangyayari na inyo?" Tanong ko.

"Viral ka girl." Wika ni Demi.

Lumapit sa akin si mommy at pinatingin sa akin ang video.

"Ito anak o." Aniya.

"Ah, that video. Hindi ko sinabi sa inyo. Kasi ayokong mag-alala kayo na wala pa ngang isang taon ang relasyon namin ni Kyzer, nagkakalamat na." Sabi ko.

"Sino ba kasi iyang babaeng nasa video anak?" Tanong ni mommy.

"Siya si Ashleen Servantes." Biglang wika ni Skyler dahilan kung bakit napatingin kami sa kanya.

"K-kilala mo siya?" Si Demi.

"Yes. Siya ang first love ni Kyzer na nagbabalik para kunin ang dapat ay sa kanya. Kyzer was so in love with Ashleen, pero katulad mo, Stephanie, hindi rin siya gusto ni grandma dahil mangingisda lang tatay niya at kasambahay lang namin ang nanay niya. In short, mahirap lang sila. Pumunta siya dito sa Manila para makipagsapalaran at para patunayan na karapatdapat siya para sa kapatid ko. Pero nalaman namin na pinuntahan pala siya ni grandma dito at pinagbantaan na kapag binalikan niya daw si Kyzer, maghihirap ang buong pamilya niya, kaya kahit masakit, iniwan niya si Kyzer. And now she's back to prove that she's still the right one to handle Kyzer's heart kahit nakatali na ang kapatid ko sa iyo, Stephanie." Sabi ni Skyler.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tutulo na rin ang luha ko sa kwentong isinalaysay ni Skyler.

So hindi malabong mahal pa rin ni Kyzer si Ashleen. Well, alam ko na iyan, dahil sa narinig ko kanina.

"S-so m-may possibility na i-iiwan a-ako ng a-asawa ko?" Nanginginig kong sabi.

"Hindi natin alam, hindi naman natin hawak ang puso't isip ni Kyzer. Pero kung ako ang tatanungin, there's a possibility, Stephanie." Aniya dahilan kung bakit hindi ko napigilang umiyak kaya lumapit si Demi sa akin at niyakap ako.

"Shhh, Steph, lumaban ka. Patunayan mo na mas kapatdapat ka. Ikaw nga ang kanyang pinakasalan niya kasi mas mahal ka niya." Aniya.

Sunod namang lumapit si Skyler.

"She's right. Ipinaglaban Ka nga niya kay grandma dati, iyon ang bagay na hindi niya ginawa kay Ashleen." Sabi niya. Bigla naman siyang hinampas ni Demi.

"Ikaw kasi! May pa kwento kwento Ka pa! Ayan tuloy! Umiyak!"

"Bakit? Sinasabi ko lang naman ang totoo eh. Be positive, dahil kapag hinayaan mong pangunahan ka ng takot, matatalo ka." Aniya.

"We're here to support you. Ano, pupuntahan na ba ni Ate ang Ashleen na 'yan para basagin ang mukha niya." Si Ate Stella.

"Ate naman, 'wag. Hindi tayo violent, okay. Salamat sa inyong lahat ha, kasi pinapalakas niyo ako." Sabi ko saka pinalis ang aking luha.

"Wala iyon, anak. Pamilya tayo, at ang pamilya, nagtutulongan. Kaya tahan na. Ipaglaban mo ang iyong pag-aari. 'Wag kang magpadala sa pinagagawa ng Ashleen na iyan, She's the past, you're the present, that's the reason why you should fight so that you and Kyzer will still together in the future. Okay?" Si mommy.

"I will, mom. Thank you."

Nagdaan ang mga araw, pinipilit kong hindi maging malamig sa asawa ko para hindi siya magkaroon ng rason para iwanan ako, iyan lang ang magagawa ko sa ngayon.

And sa tingin ko, tumatalab ito, kasi nararamdaman kong unti-unti ng bumabalik ang init ng aming pagmamahalan.

Palagi na rin siyang umuuwi sa bahay, at nabalitaan ko rin na naka-focus nalang siya sa trabaho niya bilang CEO at si Ashleen, well, secretary pa rin siya ng asawa ko, and as what I've heard, secretary nalang daw ang turing ni Kyzer sa kanya, sana nga.

Sana ganito nalang kami palagi, iyong masaya lang, kung may problema, pinagtutulongan para agad mabigyan ng solusyon.

Si Jerson, wala namang nagbago sa amin, close friends pa rin kami, ang mas maganda, hindi na sila nag-aaway ni Kyzer. Dati kasi, ayaw ng asawa ko sa kanya pero ngayon, magkaibigan na sila. Malaya na rin siyang makakapunta sa bahay kahit kailan niya gusto.

Si Demi at Skyler, napapansin ko na may something sa kanila. Iyong may namumuong "love" sa pagitan nilang dalawa, mabuti naman at naka move on na si Skyler sa pagkawala ni Kathleen.

Ganyan lang kami hanggang sa lumipas ang isang buwan at dumating ang araw ng wedding anniversary namin ni Kyzer.

Thank you Lord God kasi binalik mo sa dati ang pagsasamahan namin ni Kyzer.

"Demi, tara na!" Wika ko, pupunta kasi kami ni Demi sa palengke para bumili ng ingredients para sa lulutuin naming handa mamaya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos ng pagsubok na iyon, magkasama pa rin kami ni Kyzer.

"Eto na!" Sabi ni Demi saka lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse at umalis.

Pagkarating namin ng palengke, binili namin agad ang kakailanganin namin mamaya.

Pero habang namimili kami, may nakita akong isang pamilyar na babae.

Wait, may trabaho sila ngayon ah. Bakit hindi siya pumasok?

Mayamaya ay patakbo siyang umalis habang tinatakpan ang kanyang bibig.

"Demi, dito Ka lang, may susu- este, may bibilhin lang ako saglit." Sabi ko.

"Huh? Okay." Aniya saka naglakad na ako para sundan siya.

Naabutan ko siya sa isang basurahan, sumusuka.

"Ashleen?" Sabi ko dahilan kung bakit bigla siyang humarap.

Maputla siya, at halata sa expression ng mukha niya ang pagkabigla.

"S-ste-stephanie." Aniya.

"Buntis ka?" Bigla kong tanong, hindi siya nakasagot agad pero mayamaya ay tumango rin siya.

"S-si Kyzer ang ama." Sabi niya.

Parang gumuho ang mundo ko noong narinig ko ang sinabi niya.

Akala ko, okay na ang lahat. Akala ko lang pala.

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon