Chapter 28

1.1K 22 18
                                    

Chapter 28:
The heiress

Kyzer's Point of View

Ako ang dahilan kung bakit nawala si Stephanie. Putangina! Ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Bakit kasi hindi ko siya pinaniwalaan noong sinabi niyang buntis siya!

Habang naghihintay akong umusad ang traffic, pinagmamasdan ko ang pregnancy test ni Stephanie, habang lumuluha dahil alam ko na kung gaano kalaki ang kasalanan ko at ang sakit na idinulot ko sa kanya.

Pagkauwi ko ng bahay, malapit na rin maghatinggabi ako nakauwi.

Nakita ko si Ashleen na nakasiksik sa isang sulok, parang nagtatago.

Balisa, kung saan-saan nakatingin, natatakot.

Lumapit ako para malaman kung ano ang nangyari.

"Ash, what's-" hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil bigla niyang kinalabit niya ang braso ko.

"Si Stephanie! Na-nandito si Stephanie! N-na-nasa kwarto! K-kyzer! Natatakot ako! P-pagbabayarin niya daw ako! Kyzer!" Takot niyang sabi.

"Shhh, its okay, that was just your imagination. Wala 'yon."

"No! Hindi iyon imagination Kyzer! I closed my eyes and hoping na imagination lang pero hindi! When I opened my eyes, she's still there! Believe me! H'wag mong gawin sa akin ang ginawa mo kay Stephanie dahilan kung bakit siya namatay!" Sabi niya dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng aking puso at tumakbo papunta ng kwarto.

But when I entered the room, I saw nothing but messy bed and silence every corner of this room.

Bumalik ako kay kay nang napagtantong walang ni isang tao o kahit ebidensya lang na nagpapatunay na totoo ang sinasabi ni Ashleen.

"Ash, walang tao sa kwarto."

"Syempre, hindi na tao si Stephanie eh! Multo na siya! Multo!"

"Ashleen, tama na. Lahat ng nakita mo, imahinasyon mo lang!"

"Kyzer, please!"

"Ashleen. H'wag mo na iyong isipin, masama sa buntis ang ma-stress. Let's go, matulog na tayo." Sabi ko habang inaalalayan si Ashleen papunta sa kwarto at natulog na kami.

Nandito ako ngayon sa backseat ng isang pamiliar na kotse at hindi ko alam kung paano ako napadpad dito.

Tumingin ako sa labas para malaman kung nasaan ako. At napagtanto kong nasa labas ako ng bahay ni Ashleen.

At nakita ko sila sa gate na nag-uusap, at nandoon rin ako.

That's strange, nandito ako sa loob ng sasakyan at ang isa pang ako ay kausap nila!

I remember, ito ang scene na pumunta si Stephanie sa bahay para sunduin ako dahil buntis siya!

Mayamaya, pumasok na si Stephanie sa sasakyan at humagolgol ng iyak.

"Stephanie, mahal, I'm sorry! I'm sorry dahil hindi kita pinaniwalaan, I'm sorry sa mga pagkukulang ko bilang asawa mo, I'm sorry dahil nasaktan kita ng sobra. Mahal, patawarin mo ako." Sabi ko pero parang hindi niya naririnig at patuloy lang siya sa pag-iyak.

Ilang saglit lang, pinaandar na niya ang sasakyan at pinatakbo niya ito ng mabilis.

"Hayop ka Kyzer! Hayop ka! Hindi mo man lang ako pinaniwalaan at mas naniniwala Ka pa bwisit na kabit mo! Hayop ka!" Aniya habang nakatingin pa rin sa daan.

"Stephanie! I'm so so sorry! Please! Itigil mo ang sasakyan!" Pasigaw kong wika pero hindi niya pa rin ako naririnig.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan kung bakit lumabo ang kapaligiran at mas lalo pa siyang umiyak.

"Mahal please! I'm begging you! Stop the car!" Sigaw ko. Kahit mukha akong tanga dito, I'm still hoping na marinig niya ako at itigil niya ang sasakyan dahil mas bumilis pa ang takbo nito.

At kasabay ng mabilis na takbo ng sasakyan, mabilis rin ang tibok ng aking puso dahil sa takot.

Lumalakas pa ang ang ulan dahilan kung bakit mas lumalabo na ang daan.

Putangina!

Hinawakan ko ang balikat niya, nagbabakasakaling mapansin niya ako pero hindi niya rin ito naradamdaman.

Hanggang sa hindi na nga niya namalayan na paliko na ang daan kaya dumiretso kami sa bangin.

Para akong nabingi bigla dahil wala akong naririnig kahit kaluskos ng mga bagay dito habang nahuhulog kami.

Nang tumigil na ang sasakyan, pinuntahan ko kaagad ang asawa ko.

Duguan na siya at wala ng malay.

Mayamaya, biglang sumabog ang sasakyan at may narinig akong boses na binabanggit ang aking pangalan dahilan kung bakit nagising ako at agad bumangon sa kama.

"Kyzer, nananaginip ka." Wika ni Ashleen habang inaabot ang tubig sa akin. Tinanggap ko naman agad iyon.

"Si Stephanie ba ang napanaginipan mo?" Tanong niya.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Oo, si Stephanie."

"Naaalala mo pa ba ang mga detalye ng panaginip mo?"

"Oo, ang panaginip ko ang kung paano naaksidente ang asawa ko."

"Siguro, ipinapamukha niya sa atin na tayo ang may kasalanan kung bakit siya namatay."

Totoo naman, dahil sa pagloloko ko, nawala ang mahal ko.

"Parang ganoon na nga." Sabi ko at ilang saglit lang, narinig kong humihikbi si Ashleen.

"K-kyzer, I'm s-sorry. Ako yata ang dahilan kung bakit tayo ginagambala ng kaluluwa ng asawa mo. Dahil ako ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon niyo." Sabi niya.

"Shhh, hindi lang naman ikaw, ako rin. Dahil nagloko rin ako."

Kinabukasan, hindi pa rin ako makapag-concentrate sa trabaho dahil sa panaginip ko kagabi.

Nandito ako ngayon sa office, nakaupo sa swivel chair habang pinagmamasdan ang pregnancy test ni Stephanie.

Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin, mahal? Sa aming dalawa ni Ashleen?

Mahal kung galit Ka, tatanggapin ko. Ako rin naman ang may kasalanan eh.

Mahal, kung gabi-gabi mo akong gagambalain sa panaginip ko, kung magpakita Ka man na galit sa akin, kahit patayin mo ako sa takot, mahal tatanggapin ko.

Kung magkakaroon man ako ng isa pang pagkakataon para ipadama ang pagmamahal ko, this I'll be a better husband more than you deserve.

Kaso, malabo na ang second chance kasi wala ka na.

Mahal, kung nasaan ka man, I just want you to know that I didn't regret those seconds, minutes, hours that I'm with you.

Mayamaya, may isang empleyado na pumasok sa office at may binigay na sulat na walang nakalagay kung saan galing.

Binuksan ko ang sobre para mabasa ang sulat.

CEO Buenelle,

         Pack your things as soon as possible, because I'll coming back to take your place.

Sincerely,
The Heiress

Sino 'to?

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon