Chapter 19

1.2K 17 6
                                    

Chapter 19:
Perya

Stephanie's Point of View

"S-sir? B-baka may namumukhaan lang po kayo sa akin." Sabi ko. Tangina, akala ko ba hindi na ako makikilala ng asawa ko dahil dito sa nilagay sa mukha ko na prosthetics!

"N-never mind. Namalik mata lang ako. By the way, anong pangalan mo? Bago lang kasi ang mukha mo dito."

Stephanie! Anong pangalan mo? Sagot!

"C-cryshel."

"Hi, Cryshel. I'm Mr. Kyzer Buenelle, the CEO of Fermented Wine."

"N-nice to meet you s-sir."

Ilang minuto pa kaming nagtitigan ni Kyzer, at ilang saglit lang, lumapit sa kanya si Ashleen. "Mr. Buenelle, may meeting pa kayo with Mr. Esparagoza." Aniya. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay nila na ngayon ay magkahawak.

Parang nabagsakan ng malaking bato ang aking puso sa aking nakita. Wala man lang akong magawa para itigil ang paglalandian nila dahil iba ang identity ko ngayon. Ang sakit.

Nang makatalikod na sila, saka ko kinuha ang cellphone ko at pinicturan silang dalawa.

First move, check. Meron na akong ebidensya para patunayan na nilalandi ng Ashleen na iyon ang asawa ko. Pero hindi pa ito sapat. Dapat may makuha pa akong mas malakas pa na evidence.

Demi's Point of View

"Skyler! Bwiset ka! Bakit mo hawak bra ko?" Pagalit kong wika.

"W-wala! N-nakita ko lang ito sa labas! Ibibigay ko sana sayo kaso-"

"Shut up! Hindi mo ako maloloko dahil wala akong niligay na bra sa labas! Pinagnanasaan mo ba ako!"

"Hindi! Bakit naman kita pagnanasaan? Eh ang baho mo ngang tingnan!"

Isang malakas na sapak sa tiyan ang natamo niya sa akin.

Tangina! Ako pa talaga ang mabahong tingnan!

"Ikaw nga! Mabaho ring tingnan! Mabaho rin ang amoy! Hindi ka ba naliligo sa islang pinanggalingan mo?"

"Shut up!"

"Ako pa talaga ang magsha-shut up! Hoy! Lalaki! Ako ang argabyado dito! Kaya 'wag mo akong sasabihan ng shut up dahil hindi ko gagawin yon! Kung hindi ka aamin!"

"Ano naman ang aaminin ko? Na ninakaw ko ang bra mo? Pinagnanasaan kita? Ha!"

"Oo! Iyan nga!" Sigaw ko.

"Tangina ka! Ikaw? Pagnanasaan? Fuck you!"

"Fuck you din!"

"Makaalis na nga dito! Bwiset!" Wika ni Skyler habang naglalakad na palayo.

"Buti pa nga! Manyakis!"

Simula ngayon, hindi na ako lalapit sa lalaking 'yon! Putangina, baka ako naman ang magahasa.

Stephanie's Point of View

Nandito ako ngayon sa isang bench, sa loob pa rin ng kompanya.

Ang sakit pa rin ng puso ko dahil sa nasaksihan ko kanina.

Kyzer, bakit mo ba ako ginaganito?

Ano bang nagawa ko?

Naging selosa ba ako?

Sa pagkakaalam ko, ang ginawa ko lang naman ay ang mahalin ka.

Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko?

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon