Chapter 27

1.1K 18 11
                                    

Chapter 27:
Ghost

Kyzer's Point of View

It's been 3 months since Stephanie, my wife died due to car accident.

Hindi maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit siya nawala.

Paano kung sumama nalang ako sa kanya noong pinuntahan niya ako sa bahay ni Ashleen?

Siguro hindi siya namatay kung pinaniwalaan ko siya noong sinabi niya sa akin na buntis siya.

Fuck! I'm so guilty!

Tangina! Kasalan ko 'to!

Simula noong nawala ang asawa ko, hindi na rin ako pumupunta sa bahay nila.

Wala na kasi akong mukhang maihaharap sa kanila. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

Kahit nakakahiya, pupunta ako sa bahay ni Stephanie para malaman kung anong nangyayari sa asawa ko bago siya nawala, at kung gaano Ka sakit ang idinulot ko sa kanya.

Hindi ko tinapos ang ginagawa ko dito sa opisina at naglakad na ako palabas.

Mahal, I'm sorry. Dapat pinaniwalaan kita dati.

Nang makalabas na ako, dumiretso agad ako sa aking sasakyan at sumakay doon, pagkatapos umalis na ako.

Ashleen is now in her house, para maalagaan ang pagbubuntis niya.

Nang malapit na ako sa bahay nila, biglang bumilis ang tibok ng aking puso at mas bumilis pa nang marating na ako sa harap ng bahay.

Shit this.

Lumabas na ako ng car at tumayo sa harap ng kanilang gate.

Huminga ako ng malalim bago pinindot ang doorbell.

Ihahanda ko na ang sarili ko sa mga sampal, mura, at sumbat na matatanggap ko.

Ilang saglit lang, bumukas na ang gate at bumungad sa akin si Mommy Celeste.

Get ready for the slap, Kyzer.

"Kyzer anak! Welcome home!" Wika niya saka niyakap niya ako.

Ang weird.

"H-hindi niyo po ako sasampalin?" Sabi ko.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Pasok ka muna, sa loob na tayo mag-usap." Aniya saka sabay na kaming naglakad papasok ng bahay.

Pagpasok ko, nakita ko agad ang litrato ni Stephanie katabi ng isang jar na nakalagay sa isang maliit na lamesa at may bulaklak sa gilid ng litrato at dalawang kandila sa harap ng jar.

I still can't believe na tanging sa larawan ko nalang masisilayan ang mukha ng aking asawa.

Umupo ako sa sofa at ganoon din si mommy.

"Ako lang mag-isa dito sa bahay kasi, Si Skyler at si Demi, umuwi ng Isla Alona, ipapakilala na daw ng kapatid mo si Demi sa magulang niyo bilang girlfriend niya. I'm sure, hindi niya sinabi  sa iyo. Si Stella at Japjap, ayun, nag out of town. Nararamdaman pa kasi nila ang vibe ni Stephanie dito sa bahay. Kaya ayun, gusto daw nilang malimutan kahit isang araw." Sabi niya.

"Eh, bakit hindi Ka po sumama?"

"Kasi mas gusto dito. Kasi kahit papaano, nararamdaman ko ang anak ko dahil sa vibe na naiwan niya sa bahay na ito." Sagot niya habang tumutulo ang luha.

"Mommy, I-i'm sorry. D-dahil sa akin, n-nawala siya." Naiiyak kong sabi.

"Kyzer, anak. Wala kang kasalanan, aksidente ang nangyari. Kahit may nagawa kang pagkakamali kaya feeling mo, ikaw ang dahilan ng kanyang pagkawala, nak hindi. Hindi natin ginusto ang nangyari kay Stephanie, hindi nga natin alam na mangyayari iyon." Wika niya habang hinahawakan ang aking kamay.

"S-salamat, mom."

"Alam kong may bumabagabag sa isip mo ngayon. Sa tingin ko, nasa kwarto ninyo ang kasagutan, sana. Simula noong nawala ang anak ko, hindi na namin ginalaw ang kwarto niyo. Sige na, puntahan mo na dahil ipaghahanda muna kita ng makakain. Sabi ko saka nagsimula nang maglakad papunta sa aming kwarto.

Pagkapasok ko, may nakita agad akong isang bagay na nakapagpaluha agad sa akin.

Isang PT na nakalagay sa aming kama.

Kinuha ko ito at mas lumuha pa ako sa resulta.

Positive. Tangina, bakit hindi kita pinaniwalaan Stephanie?

"Mahal, I'm s-so sorry. P-patawarin mo ako." Sabi ko saka humagolgol ng iyak habang yakap-yakap ang pregnancy test.

I'm so sorry, mahal.

Ashleen's Point of View

Gabi na at hindi pa rin umuuwi si Kyzer.

Where did he go? Eh wala na siyang trabaho ngayong oras na ito ah, dapat nakauwi na siya ngayon.

Ang weird. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kyzer.

Ilang saglit lang, sumagot na siya.

"Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Hello, Kyzer nasaan ka?"

"Sorry, may dinaanan lang ako saglit, but I'm on my way. H'wag mo na akong hintayin, medyo matatagalan pa ako, traffic eh. Matulog Ka na, okay? Bye."

"Bye." Sabi ko saka pinatay na ang linya. Pumunta nalang ako sa sala para manood ng TV kasama si mama.

"Oh, nasaan ba si Kyzer? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi?" Wika ni mama.

"May dinaanan lang po saglit, ma, at traffic din daw kaya matatagalan pa raw siya." Paliwanag ko.

"Ganoon ba, oh siya sige, maiwan na muna kita dito dahil lulutuan muna kita."

"Ma, mamaya nalang. Hindi pa po ako nagugutom."

"Sige, pero magsabi ka kapag nagugutom ka ha."

"Opo."

Nang makaramdam ako ng pagkabagot, napagdesisyonan kong pumunta ng kwarto at magbasa ng libro.

Pero habang nagbabasa ako, biglang lumamig ang hangin sa kwarto ko, pero hindi ko na iyon inintindi at nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa.

Mayamaya, may naramdaman akong may umupo sa paanan ng kama ko.

"Kyzer, nakauwi ka na pala." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa libro. "Kyzer, are you okay?" Hindi pa rin siya sumasagot. "Kyzer." Tawag ko saka tiningnan ang nakaupo pero...

"Ikaw ang dahilan nito Ashleen." Wika ng babaeng nakaupo sa paanan ko. Magulo ang kanyang buhok, duguan ang katawan, ang suot ay kung ano ang isinuot niya bago siya naaksidente, at masama ang kanyang tingin sa akin.

"S-stephanie?" Natatakot kong sabi.

"Ikaw ang dahilan nito Ashleen!" Ulit na wika niya.

No, this is just a fucking imagination Ashleen. Hindi ito totoo. H'wag kang matakot, calm down, calm down.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata.

Medyo matagal rin akong nakapikit at nang naramdaman kong bumabalik na sa normal na temperatura ang hangin dito at parang kumalma na ang paligid, ibinuka ko na ang aking mata pero...

Nandito pa rin siya at magkalapit na ang mga mukha namin!

"Magbabayad Ka!" Wika niya dahilan kung bakit sumigaw ako at tumakbo palabas ng kwarto.

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon