Chapter 1:
The WeddingStephanie's Point of View
Isang pinakamagandang umaga!
Ito na ang araw na pinapangarap ko!
Ikakasal na ako!
Hashtag feeling love!
Nandito ako ngayon sa bahay nila Kyzer dito sa Isla Alona. Nasa kwarto ako ngayon na dati ay kwarto namin ni Kathleen.
Sariwa pa rin sa aking alaala ang pagkawala niya.
Isinakripisyo niya ang kanyang sarili para iligtas ako.
Isa siyang bayani.
Ilang saglit lang, may kumatok sa pinto.
Binuksan ko ito at nakita ko ang isang maid na may dalang isang malaking kahon.
"Ma'am Stephanie, nandito na po ang wedding gown niyo." Wika niya saka inabot niya sa akin ang malaking kahon at umalis.
"T-teka lang." Wika ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad.
"May kailangan pa po kayo ma'am?"
"Wag mo na akong tawaging ma'am, Stephanie nalang."
"P-pero magagalit po si Madam Minerva kung hindi po kita tatawaging ma'am. Sesesantihin niya po ako."
"Ahh, ganito nalang, 'wag mo akong tawaging ma'am kapag wala siya. Okay ba yun?"
"S-sige po ma'am. Este! Stephanie."
"Good sige, makakaalis kana." Wika ko saka pumasok na ulit ako sa kwarto at sinarado ang pinto.
Binuksan ko ang kahon.
Ang ganda ng gown!
Heart shape tube tapos may mga white crystals! Woah!
Mayamaya lang, may kumatok ulit sa pinto.
Binuksan ko ito at agad na pumasok ang hair and make up artist.
Sinimulan na nila ang pag make up at pag style sa aking buhok.
Pagkatapos niya akong make up-an at ayusan ng buhok, umalis na siya. Pumasok naman ang magbibihis sa akin.
Pagkatapos niya akong bihisan, umalis na siya.
Mag-isa ako ngayon sa kwarto, tinitingnan ang aking kabuoan sa salamin.
Ito na talaga! Totoo na 'to! This is not a dream. Ikakasal na ako!
Ilang saglit lang, may biglang pumasok sa kwarto.
"You're so beautiful, ate!" Wika ng isang bata dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Japjap!" Wika ko saka lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Ang ganda talaga ng anak ko!" Wika ni Mommy Celeste.
"Nako! Maganda naman talaga itong kapatid ko. Siyempre, mana sa ate." Pag sang-ayon ni Ate Stella.
Pagkatapos kong yakapin si Japjap, niyakap ko naman sila mommy at ate.
"Tapos ka na? Alis na tayo, nauna na si Kyzer at ang pamilya niya sa dalampasigan. Tara na, tayo nalang ang hinihintay."
"Sige po. Alis na tayo." Wika ko saka lumabas na kami sa kwarto.
Yes, beach wedding ang kasal namin ni Kyzer.
Paglabas namin sa bahay, naghihintay na sa amin ang dalawang puting kalesa.
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomanceAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...