Chapter 14:
Duda
Stephanie's Point of View
May something talaga sa Ashleen na iyon. Ang lapit-labit niya kay Kyzer habang nag-uusap sila eh! Siguro one or two inches lang ang layo nila sa isa't isa.
And hindi naman yata ugali iyon ng isang secretary sa pakikipag-usap sa kanyang amo, ang CEO.
Parang love affair.
Arrgh! Stephanie! Ano ba iyang pinag-iisip mo! Mababaliw na yata ako.
Ayokong mabaliw!
"Stephanie! Huwag mong paglaruan ang pagkain!" Biglang sigaw ni mommy dahilan kung bakit bumalik ako sa realidad.
Tinusok-tusok ko na pala ang karne na nasa aking pinggan. "S-sorry po."
"Okay ka lang, mahal?" Tanong ni Kyzer na may bahid nang pag-aalala.
"O-okay lang ako, mahal. May iniisip lang ako."
"Ano iyon? Baka may maitulong ako."
Tangina, kayo nga ng sekretarya mo ang iniisip ko eh!
"W-wala. Hindi naman malalim ang iniisip ko."
"Pagod ka na siguro. Matulog ka na, susunod na lang ako." Wika niya saka tumayo na ako agad.
"Okay, goodnight, mahal." Wika ko saka hinalikan ko siya sa noo. "Goodnight mom, ate, Japjap, Demi. Tulog na ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nila, tumalikod na ako at naglakad na papunta ng kwarto.
Pagkarating ko, humiga agad ako at ilang saglit lang ay nakatulog na ako.
"Mahal." Tawag sa akin ni Kyzer.
"Mmm, bakit mahal?"
"May business trip kami, at bukas ang alis ko."
Well, hindi na ako magugulat kung kasama niya si Ashleen.
"Huh? Eh, saan naman kayo pupunta?"
"Sa Cagayan de Oro."
Layo! Sobrang layo!
"Ahh, ganon ba. Okay, mag-iingat kayo." Wika ko saka nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro.
"Mahal, maaga ang flight namin bukas kaya sa hotel na malapit sa airport nalang ako matutulog mamaya."
"Oh, sige, wait, nakapag empake ka na ba?"
"Tapos na. Pagkatapos kong magtrabaho, didiretso na ako sa hotel."
"With Ashleen?"
"Yeah." Wika niya at kasabay ng pagsagot niya ay may nabasa akong word na "mistress" dahilan kung bakit namilog ang aking mata.
Is this the sign?
Stephanie, relax. Coincidence lang ito, okay? Okay! Okay.
"Hindi naman kayo same ng room, 'di ba?"
"Hindi mahal. Don't worry."
Wew. Nakahinga rin ng maluwag.
"Sige, mahal. Alis na ako. Love you!" Paalam niya saka hinalikan niya ako sa noo.
"Love you too! Ingat ka."
"I will." Wika niya saka naglakad na paalis.
Mag-iingat ka sa ahas, mahal!
"Anong libro 'yan?" Biglang tanong ni Demi.
"How to defeat mistress."
Yeah, alam ko sobra na ang pagkaparanoid ko. Pero wala namang masama sa paghahanda 'di ba?
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomanceAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...
