Chapter 20:
Broken
Stephanie's Point of View
Broken? Ang daming pwedeng idugtong sa salitang iyan.
Broken bottle, broken glass, broken...
Broken heart.
Pero syempre, if there's a broken thing, there's a person who'll fixed that thing so you'll not be get hurt once more.
Just like what Jerson's doing right now.
Nagi-guilty na nga ako eh, kasi, hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal niya para sa akin.
Dahil kahit anong gawin ko, may asawa na ako, sumumpa na ako sa harap ng batas at sa harap ng Diyos, at mahal ko siya. Kahit sinasaktan na niya ako paulit-ulit, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Pero gagawin ko ang lahat, ang lahat-lahat para lang bumalik siya sa akin. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang pagkukulang ko kung bakit unti-unting lumalayo sa akin ang asawa ko.
Christmas eve ngayon kaya umuwi ako sa bahay para kasama ko ang pamilya ko at ang asawa ko pagsapit ng pasko.
Napagdesisyonan ko na rin na ititigil ko na ang pagde-disguise ko, mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko eh, and iyong sinabi sa akin ni Jerson kanina?
I decided to shut my mouth and walked away. Iniwan ko siya sa ere. Kaya ko napagdesisyonan na umuwi na ng bahay, dumaan muna ako sa bahay ni Armando to get my things and my car before I get home.
Pero pag-uwi ko, sina mommy lang ang nadatnan ko, wala si Kyzer.
Sabi ni mommy, simula daw noong umalis ako, sinubsob daw ni Kyzer ang sarili niya sa trabaho, hindi na nga daw siya umuuwi ng bahay eh. Hindi nila alam na habang wala ako sa bahay, binabantayan ko si Kyzer sa trabaho niya, and yes, hindi niya sinusubsob sarili niya sa trabaho, nakikipag landian lang siya sa bwiset na sekretarya niya.
Kaya ngayon, tinutulongan ko nalang si mommy sa pagluto ng crispy pata para sa noche buena mamayang hatinggabi. Pero sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa office ni Kyzer pagkatapos ng noche buena para surpresahin siya, para kasing walang balak umuwi, kahit pasko, walang tigil sa paglalandi.
"Ate, someone's looking for you outside." Si Japjap.
"Who?"
"Jerson? We haven't met Jerson before, is he your friend?" Wait, anong ginagawa ni Jerson dito?
"Ahh, yeah."
"Well, introduce him to us then. Go out! He's waiting for you!" Aniya. Hindi na ako sumagot at naglakad na ako palabas.
Binuksan ko ang gate at bumungad nga si Jerson sa akin.
"Pwede bang dito ako magpapasko? Ako lang kasi mag-isa sa bahay. Please?" Sabi niya with matching pa cute. Ano pa bang magagawa ko? Alangan namang paalisin ko siya and pasko ngayon kaya...
"Sige, pasok ka."
"Salamat." Aniya habang nakangiti na parang wala ng bukas.
Na-imagine ko kasi ang pakiramdam na mag-isa kang magpapasko. Ang lungkot, kahit punuin mo pa ng decoration ang bahay mo, useless pa rin kapag wala kang kasama, so buti nalang at naisip niyang pumunta dito at sana, totoo at hindi gawa-gawa ang sinabi niyang siya lang mag-isa dahil— nako! Sisipain ko talaga siya palabas ng bahay. Para-paraan din eh.
Nasa kusina na ako ngayon, tinutulongan pa rin si mommy habang si Jerson naman, nakikipag kwentohan kay Demi, Skyler, Stella at Japjap. And ako talaga ang topic nila, hello, ang lapit lang ng kitchen at living room. Kaya habang tumutulong ako sa kusina, nakikinig ako sa usapan nila.
"Jerson, alam mo bang andaming nanliligaw kay Stephanie dati?" Si Demi. Wow ha madami talaga?
"Hindi pero obvious naman, ang ganda naman kasi niya." Wika niya dahilan kung bakit sinulyapan ko siya. At nakatingin pala siya sa akin! Kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya.
Sheeeet! Putangina!
Nagpatuloy pa rin sila sa pagke-kwentohan hanggang sa lumipas ang oras at ilang minuto nalang, pasko na! Kaya inayos na namin ang lamesa at inihanda ang mga niluto naming pagkain.
Isang minuto nalang! Nagsama-sama na kami sa sala.
Sampung segundo nalang!
Ten
Nine
Eight
Seven
Six
Five
Four
Three
Two
One!
"Merry Christmas!" Sabay naming wika sabay yakap, beso. Yayakap sana sa akin si Jerson pero inilahad ko ang kamay ko para makipag shake hands kaya nakipag shake hands nalang siya. Hahahaha
Pagkatapos naming batiin ang isa't isa. Pumunta na kami ng kusina para pagsaluhan ang noche buena. Nakakalungkot lang dahil hindi talaga umuwi si Kyzer. Pupuntahan ko nalang siya. May itinabi naman akong pagkain para sa kanya, ihahatid ko nalang ito sa kanya.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako sa kanila para puntahan ang asawa ko. Sumabay naman si Jerson sa akin palabas.
Nang nakalabas na kami, saka ko siya kinausap.
"At bakit dito mo naisip na magpasko aber? Bakit hindi sa friends or kamag-anak mo?" Panimula ko.
"Dahil gusto kong makilala pamilya mo, ikaw. I want to know you more, Stephanie."
"At ba–"
"I nearly forgot. I have something for you." Aniya saka may dinudukot sa kanyang bulsa at iniabot niya ito sa akin.
Isang maliit na box na binalutan ng pink wrapper.
"Ano to?"
"Hindi mo malalaman kung hindi mo bubuksan. Open it." Aniya saka dali-dali ko itong binuksan.
Wow! Ang ganda! Necklace na may bulaklak na pendant.
"It's beautiful!" Iyan lang ang nasabi ko. Kinuha niya naman ang kwintas at isinuot niya sa akin.
"Why flower na pendant? Because my life bloomed since I met you. It blooms more than I expect." Aniya saka humarap sa akin. "Merry Christmas, Stephanie." He said, then he kissed me, again.
Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at umalis na. Biglaan 'yon ah! Hindi ako nakapreno. Tiningnan ko ang buong paligid baka may nakakita sa amin at swerteng wala.
Pumasok na ako ng car at nag drive na paalis.
Mas nakokonsensya na ako ngayon sa ginawa ni Jerson. Para na rin kasi akong nagtaksil sa asawa ko kahit hindi ko iyon ginusto.
Nandito na ako sa labas ng kompanya, agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok na sa gusali.
Dumiretso ako sa office ni Kyzer bitbit itong pagkain na nakalagay sa Tupperware.
Kinuha ko ang cellphone ko para i-video ang reaction niya sa surpresa ko saka binuksan ko ang pinto.
The fuck!
Ako pala ang masosurpresa!
Ang asawa ko ay nasa sofa, gumagawa ng milagro kasama ang sikretarya niya! Napansin agad nila ako kaya napatigil sila sa kanilang ginagawa.
Gusto ko silang kainin ng buhay o di kaya'y pugutan ng ulo gamit ang samurai!
"N-nagugutom n-na ba kayo? K-kain muna kayo? M-merry Christmas." Sabi ko at inilagay ko nalang ang pagkain sa sahig at agad na akong umalis.
Gusto ko nang sumabog sa sakit at galit na nadarama.
My heart is now broken into pieces and I don't know how and where to start fixing it.
~~
Merry Christmas! Ito ang regalo ko sa inyo. Sana nabwisit ko kayo hahaha! Joke lang.
Para mawala ang iniS niyo, basahin niyo po ang "The House of Us". Nakakatawa po siya na nakakakilig. Salamat po and again, Merry Christmas to all!! Love you!
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress✅
RomanceAng buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan. This is the book 2 of Isla Alona. Kung hindi niyo pa nababasa ang Isla Alona, 'wag niyo po itong b...
