Chapter 3

559 22 1
                                    

3rd person’s POV

Everyone is wearing a black gown and black suite.

Yung simbahan ay may mga puti rosas sa mga arko.

Sya lang yung bukod tanging tao na nakaputi.

Nangingibabaw sa lahat.

Sa dulo ng pasilyo (aisle) ay nakatayo ang isang lalaki na naka itim na pang Amerikano at puti naman ang panloob nito. Isa sya sa  mga taong nakatingin sa babaeng naglalakad kasabay ng tugtog na hindi nya marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso nya.

Ngumiti ang dalaga ng nahalata nya na kinakabahan ang binata sa dulo ng simbahan.

Pero nung nasa kalahati na sya ng simbahan ay bigla syang napatigil. Tumingin sya sa likod at nakita nya ang babaeng naka puti na may gintong buhok na nakatapak sa gown nya. Naka ngiti ito ngunit hindi maaninag ang mukha dahil sa telang naka takip sa mata nito. Tumingin sya sa pasilyo at nakita nyang napa atras ang binata.

Parang tumigil ang mundo. Pakiramdam nya sila lamang tatlo dito sa simbahan ng may dumating na mga lalaki at niyaya ang binata para umalis. Sinubukan sumigaw ng dalaga pero walang lumalabas sa bibig nya. Tuyo ang kanyang lalamunan. Wala syang nagawa kung hindi mapaiyak. Lalampasan na sana sya ng babaeng naka itim ng higitan nya ang kamay nito.

May tattoo itong itim na dragon sa kaliwang kamay. Dahan dahang kinuha ng babae ang kamay niya sabay kuha ng baril. Nakatutok ito sa tyan ng dalaga. Nakita nya naman na parang naka umbok ito at tila may buhay sa loob. Nakipag agawan sya ng baril at tumama ito sa isang tao.

“NOOOOOO!”

Belle’s POV

 

“BELLE! OH MY GOSH BELLE.” Nagising ako dahil sa boses na yun. Hinahapo akong umupo. Nasa sasakyan ako kasama si ate Mitch. Nasa likod kaming dalawa at nasa unahan si Vincent at yung wedding organizer. Nakahinto kami sa gilid ng kalsada. “Okay ka lang ba? Nananaginip ka yata?” tanong nya. Napatingin ako sa front mirror at nakasalubong ko ang mata ni Vincent. Wala yung emosyon pero naka kunot ang noo nya.

 

“W- wala ate. Nanood kasi ako ng horror kagabi kaya siguro nanaginip ako.” Umiwas ako ng tingin. Alam kong hindi sila naniniwala sa palusot ko pero ayokong pag usapan ang panaginip ko. Pakiramdam ko sumikip ang dibdib ko.

 

“Nandito na tayo.” Excited na sabi ni Karen, yung wedding organizer. Bumaba sila ni ate Michelle pero naiwan kami ni Vincent.

Lutang ako.

Natatakot kasi ako sa napanaginipan ko. Nangyari na rin ito noon.

Nanaginip din kasi ako bago mangyari yung nangyari pitong taon ang nakalipas. Bumuntong hininga ako. Hindi ko maalala kung sino ang natamaan ng bala pero ang nakapagpa bahala sakin ay ng makita ko na nakaumbok yun tyan ko.. No hindi ko kaya. Kahit sabihin na mag aasawa na ko ay wala pa rin sa isip ko ang pagbubuntis at lalo na ang pagiging isang ina.

Napahawak akon unconsciously sa tyan ko at naramdaman kong nabasa ang mukha ko. Umiiyak ako.

 

“ISABELLE.” Nagulat ako sa sigaw ni Vincent. “What’s wrong?”

 

“W- wala.” Lalabas na sana ako ng kotse ng hilahin nya ko kahit nasa likod ako at nasa harap sya.

When a Gangster Becomes a Real One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon