‘At ngayon po ay kasalukuyan nating natutunghayan ang pagbabalik ng isa sa pinaka maimpluwensyang business man at tanyag na gangster sa Asya. Mr. Dave ano po ang masasabi nyo tungkol sa pagtanggap sa business world ng pagkakaroon ng mga back up na assassin at gangster?’
Subalit deretso lamang ng lakad si Dave at hinayaang sumunod ang media sa kanya. Walang naglakas loob na harangan ang dadaanan nya sa pagkaka alam na maaaring magalit kaagad ito.
‘Aaah, Mr. Roxas huling katanungan na po ito.’ Sabi ng isang reporter. Tumigil naman bigla ang binata. ‘Ano po ba ang balak nyong gawin ngayon dito sa Pilipinas?’
Humarap sya sa kamera at pinakita ang kanyang perkpekto ngunit walang emosyon na mukha at saka tumingin gamit ang kanyang malalamig na mata.
‘I’m just going to attend some business here.’ At lumakad na kaagad sya papuntang kotse. Maraming nag abang sa interview na ito kahit alam nila na himala na ang mangyayari kung may makuha man silang matinong impormasyon.
Pitong taon na ang lumipas. Maraming nagbago. Malaki ang nagbago. Kung iniisip mong magulo at puro trahedya na ang nangyari sa kanila noon, maaaring mas gumulo pa ngayon. Maraming nangyari na hindi na nararapat balikan dahil mas dapat ng pagtuunan ng pansin ang kasalukuyan at ang darating pa.
Madaming nawala, madami ring nawalan. May nakasakit at nasaktan. May nagbago at may magbabago.
Ano ba ang dapat mong abangan pa sa buhay na magulo na? Magiging trahedya pa rin ba ito o magiging isang masayang pangyayari na?
A/N: Okay dahil natuwa ako at 89k reads na ang M.S.A.G. ia update ko na 'to kahit hindi pa masyadong maraming views ang porlogue. At sa totoo lang, ang hirap ng bagong style ng watty buti na lang nagawa kong mahanap 'tong chapter na 'to. Thank you for all the support and love dazzlers.
Written by: dazzledeyez
![](https://img.wattpad.com/cover/17661543-288-k780348.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Fiksi RemajaAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...