Chapter 20

269 16 5
                                    

Nakaraan na ang isang linggo mula ng makauwi ang mag asawa galing Italya. Paulit ulit pa rin ang nangyayari na biglang sumusumpong ang pagka maldita ni Belle kay Vincent pero sa huli naman ay gusto nya pa ring katabi ang asawa.

Vincent actually finds it cute but irritating kasi mas clingy si Belle kaso parang may inner monster muna syang nilalabas bago sya maglambing ng sobra.

Then it hit him. What if Belle is actually pregnant? He immediately smiled because of that thought. He really wants to build a family with Belle. That would be heaven, he thinks.

Nasa company sya ngayon and Belle is staying at their house. She wants to work, yes, but for the first time since forever ngayon lang sya tinamad. She feels like she should stay at home and do whatever she likes except her work. And right now she's cooking.

Simula nung umuwi na sila, araw araw ng nagluluto si Belle. It's good pero sobrang dami kasi. She's not contented on a single cuisine that's why she ends up cooking 3 or even more dishes for a day. And she sees to it that Vincent would eat them all. He has no choice, kasi magagalit si Belle. And he doesn't want that.

"Manang, aalis po muna ako saglit," paalam ni Belle sa kasambahay nila. They both don't want to have other people in their house pero may mga pagkakataon na sobra silang busy na dalawa that's why they have no choice but to hire one.

"Sige mag iingat ka iha. Wag kang masyadong papagabi at baka mahamugan ka." Kahit si aling Gloria ay iba ang nararamdaman sa sitwasyon ni Belle. May hinala din sya na baka buntis ito kaya ganon na lamang ang pag alalay nya sa lahat ng ginagawa nito.

Belle rode her car to the mall. She suddenly felt like she wants to pamper herself. Manicure, pedicure, spa treatment, shopping, lahat. Pero pagdating ng hapon she suddenly felt sad. She doesn't know why. Kaya nagawi sya sa department store.

Unconsciously she walked towards the aisle of baby's clothing. She touched them and she felt happy again. Parang gusto nyang mamili kahit di naman nya kailangan. Then it hit her. Agad syang napabitaw sa mga hawak nyang dami at hinawakan ang maliit nyang tyan. She immediately walked out of the store and headed on the pharmacy. She brought 3 pregnancy tests. Gusto nya mang magpunta sa OB Gyne but she's not sure kung may clinic pa sa ganitong oras. And besides, ayaw nyang kumpirmahin ang namumuong konklusyon sa utak nya. But she needs to.

Nag drive sya pauwi pero wala pa din si Vincent. She checked her phone and she saw that he texted her. May emergency meeting daw ito but he'll be home soon. Umakyat kaagad sya sa kwarto nila at tinitigan ang kahon ng mga p.t. na binili nya.

"Shit, Belle. Bakit hindi mo naisip na mangyayari 'to?" She's starting to panic. Ang bilis ng tibok ng puso nya at sobrang kinakabahan sya. Kaya naman agad nyang naramdaman na maiihi sya. She used 2 pregnancy tests. After 3 minutes pa ang result nito kaya naman halos mabaliw na sya. Tatlong minuto pero parang napakabagal ng oras. Bawat pag usap ng segundo ay parang minuto na rin ang katumbas. Pero makalipas ang ilang minuto ay may unti unting gumuhit sa p.t.

Ang una ay may dalawang linya at yung pangalawa ay isa lang. It confused her. Positive at negative? How come did it happened? Pareho lang naman na brand ang binili nya pero magkaiba ang resulta. Hindi pa rin sya makahinga ng maluwag dahil hindi nya alam kung alin sa dalawa ang paniniwalaan.

Bumaba muna sya at uminom ng tubig. Balisa at hindi malaman ang gagawin. She washed her face on the sink and wait for a few minutes bago umakyat. Nahiga muna sya sa kama upang pakiramdaman ang katawan nya. All the changes these past few months. Her extreme mood swings, cravings and everything. How come she didn't notice them. Akala nya nung una nagP - PMS lang sya.

Ng maramdaman nya na naiihi na ulit sya ay bumalik sya sa c.r. kasama ang huling pregnancy test na binili nya. It feels like a matter of life and death. Hindi na sya umalis sa banyo at doon na lamang hinintay ang resulta. After a few minutes, lumabas ang dalawang linya.

POSITIVE.

Ramdam nyang namutla sya. "No, no. This can't be happening. No." Isip nya sa kanyang sarili. Lumabas sya ng banyo at sakto naman na pumasok din si Vincent sa kanilang kwarto. Gulat na gulat si Belle na akala mo ay may kung anong nagawa at nahuli sya ng asawa samantalang si Vincent naman ay nagtataka sa itsura ng kabiyak. Agad namang dumapo ang tingin nya sa hawak ni Belle kaya napa kunot ang noo nya.

Palapit na sya rito ng matumba si Belle.

"BELLE!"


***
Lame. I know.

Written by: dazzledeyez

When a Gangster Becomes a Real One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon