Chapter 19

341 18 6
                                    

This is our last week here in Italy. Nasa Milan na kami ngayon para hindi na kami mahirapan mag byahe mula Ovierto dahil halos umaabot ng limang oras ang byahe mula rito . Vincent is currently on the business site while I am staying at our hotel room. Madalas kasi akong mahilo nitong nakaraang linggo at isa din ito sa mga dahilan kung bakit kami lumipat.


Hindi na rin ako makasama sa kanya dahil napipilitan din kaming umuwi agad dahil hindi talaga mabuti ang pakiramdam ko.


"Jake?" I called. He immediately knock on our room then opened it. One of Vincent's rule. They should be here as soon as I call them.


"Ma'am Isabelle." He said politely.


"Pwede mo ba kong ihanap ng pinipig na polvoron?" Nagulat naman sya sa sinabi ko. Bukod kasi sa ito ang unang beses na inutusan ko sya, siguro nagulat din sya dahil pagkain pa ang iniutos ko. "Eto ang pera."


"Hindi na po ma'am. May binigay na pong pero si Sir Dave sa amin sakaling may kailanganin kayo. Mauuna na po ako." Tumango na lamang ako at napangibit. Masyadong pormal ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko ba sila pwedeng maging kaibigan?


Pagkatapos ng ilang oras ay naisipan ko na ring lumabas ng silid dahil sa pagkainip. Naabutan ko naman si Ethan na may kausap sa telepono kaya agad ko syang nilapitan. Napangiwi sya sa biglaang pagngiti ko. "Sino yang kausap mo?" Usisa ko.


"Ma'am Isabelle si Jake po ang kausap ko. Pinapasabi nya po kasi na ubos na ang mga polvoron sa mga tindahan." Uminit naman agad ang ulo ko kaya inagaw ko sa kanya ang telepono.


"Jake maghanap ka pa. Hindi pwedeng wala.  At isa pa-"


"Belle." Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses ni Vincent. Akala ko ba si Jake 'to?

"Oh Vincent. Magkasama kayo ni Jake?"


"Yes. He went here dahil sinabi nyang nagpapahanap ka daw ng polvoron pero naikot nya na ang syudad pero wala talaga." Napasimangot naman ako.


"Pero gusto ko ng polvoron!" Sigaw ko sa kanya.


"Belle wala nga. Pag uwi natin sa Pilipinas bibili agad tayo-"


"No! I want it now. Wag kayong uuwi ni Jake hangga't wala kayong nabibili or else sa labas kayong dalawa matutulog!" Banta ko saka sya binabaan ng telepono. Pumasok na ulit ako sa kwarto dahil sa pagkainis ko.

Author's POV

Halos alas dyes na ng gabi ng makauwi si Jake at Vincent. Nakaabot pa kasi sila sa Pavia kung saan naghanap pa sila sa maliliit na tindahan ng polvoron ni Belle. Yamot man ay pinagbigyan na lang ni Vincent ang gusto ng asawa nya dahil minsan lang naman ito humiling sa kanya.


Nauna na syang pumasok ng hotel suite nila at mas lalo syang nayamot sa nakita nya.


Nakaupo kasi sa sofa sila Belle at Ethan at pinanggigigilan ng una ang pisngi ng lalaki. Tuwang tuwa pa si Belle sa mukha ni Ethan kahit pa pulang pula na ito dahil sa kahihiyan at dahil na rin sa sakit ng pagkakapisil nya dahil kanina pa ito nanggigigil sa kanya. Bigla naman nitong nilaro ang labi ng lalaki kaya agad nag - init ang ulo ni Vincent at lumapit dito. Nainis pa sya dahil hindi man lang napansin ng asawa nya ang pagdating nya.


When a Gangster Becomes a Real One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon