Belle's POV
"What? Uuwi na kaagad? Vincent naman. One week pa lang tayo dito. Ang usapan natin nila daddy mags - stay tayo dito for a month. How come na uuwi na tayo?" maktol ko. Nakakaasar. Gusto ko pang mag relax kasama si Vincent pero uuwi na daw kami mamayang hapon.
"Belle kailangan na daw tayo ng tatay mo. Maraming trabaho ang matatambak para satin if we're going to stay here for the whole month. And besides nasabi ko na yan sa kanya pero sabi niya matagal na daw ang one week para sa honeymoon kaya kailangan na nating umuwi." Mahabang paliwanag niya. Naiiyak na ko sa inis. Ewan ko ba. Akala ko nagkaintindihan na kami ni daddy tungkol dito pero bakit parang kumokontra na naman siya. Umupo si Vincent sa tabi ko. "Alam ko namang gusto mo kong masolo-" siniko ko siya sa tyan at tinignan ng masama.
"Hindi yun ang dahilan ko. Kahit naman hindi tayo mawala ng isang buwan sadyang maraming trabaho na ang nakatambak doon eh. Bakit ka pa kasi um oo sa pagma manage ng kumpanya eh pwede namang si kuya Erik at ate Michelle na lang ang bahala doon." Hinarap niya ang mukha ko sa kanya.
"Don't be selfish Belle. Sa'yo na rin nanggaling na maraming trabaho ang natatambak. They can't manage everything ng sila lang dalawa. Hindi naman tayo ikukulong ng tatay mo sa kompanya so don't be mad about it okay?" tumango na lang ako. Kakaiba talaga. Pag si Vincent na ang nagsalita parang mapapa oo na lang ako kahit gaano pa kasama ang loob ko. Nag empake na kaming dalawa at dumeretso na sa airport. Tahimik kaming nakarating sa-
Teka saan 'to?
"Bahay mo?" tanong ko. Napailing siya.
"Natin Belle. I bought it years ago para satin." Sabi niya saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Binaba niya naman ang mga gamit namin. Nagtataka siguro kayo kung bakit tinanong ko pa kung kanino 'to. Diba may regalong bahay ang parents namin for our wedding? Ibang bahay pa kasi 'to.
This is actually a big house kung para lang samin o kung may makakasama man kaming maid. May gate tapos 3 story house. Ang first floor ay naglalaman ng sala pati kusina. Actually tanaw mo mula sa sala ang second floor dahil mataas ang kisame nito. May malaking chandelier sa gitna.
Umakyat ako sa taas. Nasa bandang dulo ang master's bedroom malaki ito at may dalawang pintuan. Ang una ay ang banyo at ang pangalawa ay ang closet namin. Nandoon na ang ibang gamit namin. Lumabas ako at nakita ko ang dalawang pintuan sa kabilang side. Para siguro sa katulong at driver. Yung katabing pinto naman sa kwarto naming ay
Walang laman. May kalakihan din siya.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko. "Your mother said that time will come na tayo ang magde design para sa kwarto na 'to." Napatingin ako sa kanya.
"Para saan?" ngumiti siya at para bang napakaganda ng nakikita niya sa kwarto na ito kahit wala namang laman.
"For our future babies." Nagulat ako kaya hinalikan niya ko. "Don't worry. Okay lang kahit hindi ka pa handa. We'll take our time okay?" ngumiti ako at tumango. "Let's go to our room Belle. Binyagan natin?" sabi niya sabay taas baba ng kilay. Napatawa naman ako at agad na sumampa sa kanya.
"Ang mean mo." Sabi ko sabay halik sa kanya.
And you know what happened next *winks*
***
Nagising ako dahil may umaamoy sa kili kili ko. Hinila ko tuloy yung buhok niya. "Adik ka Vincent. Nasa mukha ko ang labi ko. Wag kili kili ko ang pagtripan mo." Sabi ko at unti unting minulat ang mata ko.
"Ang puti kasi nakakatuwa. Tapos ang kinis pa." Sabi niya sabay halik doon.
"Waaah! Tama na hahahah." Alam niyang may kiliti ako doon. Umupo ako at saka kiniliti din siya sa tagiliran. Tawanan lang kami ng tawanan. Maya maya ay
*BLAG
"Damn./Aww." Reklamo naming dalawa. Nahulog kasi kami tapos nakadagan pa ko sa kanya. Kinurot ko ang pisngi niya. "Ikaw kasi eh hahaha." Tapos nagtawanan kami.
"Good morning beautiful." Napangiti naman ako.
"Haha good morning din. Ganda ko talaga no?" tinitigan niya ko sabay tawa. Tatayo na sana ako ng maalala ko na wala pala kaming damit dalawa.
"Tayo na misis. Masyado mo ng nae enjoy dyan." Tinakpan ko ang mata niya at pilit na inabot ang kumot sa ibabaw ng kama. Buti naman at nakuha ko yun pero natanggal ni Vincent ang kamay ko kaya nakita niya rin.
"Waaah! Ang bastos mo. Kaya ko nga tinakpan eh." Sabi ko habang binabalot ang mga katawan namin sa kumot. Syempre umalis na ko sa ibabaw niya. Kinagat niya ko sa tenga.
"Walang bastos sa mag asawa no. Nakita ko na yan eh." Sabi niya at nag wink pa talaga ang loko. Tumayo siya ng walang pakundangan kaya agad kong tinakpan ang mukha ko. Naramdaman ko namang may binato siya sakin at pagtingin ko t shirt niya pala yun. Pumasok na siya ng c.r. kaya nagbihis na rin ako.
***
"Wait for me later, I'll pick you up okay?" sabi ni Vincent bago ako bumaba ng kotse niya. Nasa tapat kami ng company namin.
"Yeah sure. Take care." Sabi ko then I gave him a peck. Peck lang dapat pero hiniwakan niya ang batok ko kaya tumagal yun. Napangiti ako tapos kinurot ko siya. "Ba bye na." Tapos bumaba na ko. Talagang gusto kaming paghiwalayin ni daddy. Ako ang magtra trabaho dito sa company habang si Vincent ang magma manage ng mga branch. Siya yung bibisita dun. Psh.
Dumeretso ako sa office ko at nag start ng mag trabaho. Wala rin naman ang mga parents ko dahil the day after naming makabalik ay sila naman ang umalis para sa business tour nila sa Asia.
Natapos ang araw ko with 3 meetings. Nakakapagod masyado. Expected ko naman na marami talagang trabaho ang matatambak sakin pero siguro nabigla rin ako dahil one week akong nawala. Hindi pa nagte text si Vincent kaya ibig sabihin malayo pa siya. Okay lang rin naman since marami pa kong reports na ginagawa.
Maya maya ay nag blink ang notification ko sa yahoo. May hinihintay kasi akong email kaya binuksan ko yun. Pero mukhang hindi ko ine expect ang matatanggap ko.
It's a picture of Vincent with a brunette girl na magkahawak kamay at papasok sa kotse. Mukhang ngayon gabi lang 'to. May caption pa sa baba.
'Ow. Seems like your husband needs to send someone home first before you.'
Published: May 16, 2015
Written by: dazzledeyez
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Novela JuvenilAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...