"BELLE!"
Sa sobrang pagkagulat ay di kaagad naaabutan ni Vincent si Belle bago pa ito matumba sa sahig. Pero agad nya din naman itong dinaluhan at binuhat. Nakita nya rin ang dalawang nakalatag na pregnancy test sa ibabaw ng cabinet at ang isa na nahulog mula sa pagkahawak ng asawa.
Sinakay nya ito sa kotse at agad na dinala sa ospital. Inasikaso naman sila agad dahil kilala sya ng mga staffs dito.
"Sir, pa fill up na lang po ng form na ito para po sa files ng ospital. Pagkatapos po nito ililipat na po namin ang asawa nyo sa private room." Kinuha nya ang papel at sinimulang sulatan ng mga details tungkol kay Belle. Nailipat di naman agad ito sa isang presidential suite, ang pinaka malaking kwarto sa ospital. Tinawagan nya rin ang ilan sa mga tauhan nya para mabigyan sila ng siguridad at para hindi na rin makalabas sa media ang nangyari dahil may ilan ding nakakita sa kanila nung dinala ito sa emergency room.
"Good evening, Mr. Roxas. I am Dra. Buenavista, an OB Gynecologist." Bati ng isang medyo may edad na ginang.
"Good evening too, Dra. Buenavista. How is my wife's condition?" Kahit nag aalala sya ay hindi sya nagpakita ng kahit na anong emosyon sa doktor.
"Well based on my findings, your wife experienced fatigue. Normal na yata ito sa kanya dahil sa nakita kong records nya ay ilang beses na rin syang nahihimatay. But unlike the past reasons, I would gladly tell you that your wife passed out because she is 5 weeks pregnant." Halata ang galak sa mata nito kahit hindi nya naman kilala ang mag asawang Roxas ng personal. Hindi naman mapigilan ni Vincent ang tuwa sa puso nya kahit pa may konklusyon na sya sa utak nya sa posibleng kalagayan ng asawa nya. Iba pa rin kasi pag na kumpirma mo na.
"Are there some medicines that she should take? Foods?" Tanong ni Vincent.
"Well as of now, wala pa namang dapat inuming gamot si misis. Malakas ang kapit ng bata kaya di nyo kailangang mag alala. Just take care of her and give her the proper nutrition. Avoid stress para hindi sya ganong mahirapan." Matapos ang ilan pang paalala ng ginang ay umalis na rin ito sa kwarto nila. Napatingin naman si Vincent sa natutulog na asawa at napangiti.
I'm going to be a father.
Di nya maipaliwanag ang galak na nararamdaman sa puso nya. Mas lumaki naman ang ngiti nya ng makitang unti - unti ng nagmumulat si Belle kaya nilapitan nya ito.
"How's my wife?" He asked as he held her hand.
"Medyo okay na. Nahilo lang talaga ako ng sobra kanina." She answered. Then it her. Ang dahilan kung bakit talaga sya nahimatay. "Vincent?"
"Hmm?" He asked dearly at nilapit nya ang kamay ni Belle sa mukha nya.
"A- am I?" she can't continue. Pakiramdam nya hindi nya kayang banggitin ang salitang yon kahit pa anong isip nya.
"Yes love. You're pregnant. 5 weeks pregnant. Magiging mommy at daddy na tayo." Vincent was teary eyed as he said those words. Pero nawala ang mga ngiti nya ng ibang reaksyon ang nakita nya kay Belle. "Why? Aren't you happy?" He felt disappointed. But he doesn't want to jump into his conclusions. Hinaplos naman ni Belle ang manipis nyang tyan.
"H-hindi ko alam kung handa na ko. Vincent baka masyado pang maaga-" napatigil si Belle dahil parang nagagalit na ang mukha ng asawa nya.
"Belle hindi maaga. The moment we got married kasama na 'to sa posibleng mangyari sa ating dalawa. And please don't react like that. It makes me think na hindi mo gustong magkaanak sakin." He said firmly.
"That's not what I mean. Natatakot lang ako sa posibleng mangyari." Vincent held Belle's hand tighter.
"Why fear? Nandito ako diba? I'll do whatever it takes para lang maprotektahan kita." He then lowered his other hand on her belly. "Pro protektahan ko kayong dalawa." They both smiled at each other. Hinalikan naman ni Vincent ng masuyo si Belle sa labi at isinunod ang noo at ang tyan nito.
The doctor in charge told them na pwede na silang umalis kinabukasan pero hindi komportable si Belle sa ospital kaya naman pinakiusap nito na umuwi na lang sila kahit gabi na.
Magkatabi silang nahiga sa kama pero naunang nakatulog si Belle. Nanatili namang gising si Vincent.
How am I supposed to do my operations? Hindi na pwedeng mapahamak si Belle dahil nakasalalay ang kaligtasan nya at ang anak namin. But what should I do? I can trust no one in that situation. I feel fucked up.
That night he made a decision. A decision that would change their lives as a married couple. A decision that might make Belle hate him more than hell. But he is only doing this for their future. Dahil kahit saang anggulo mo man tignan, hindi pa dapat ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. Pero andito na eh. The only thing that he can do is to protect them, even if it would break his future family's heart.
Written by: dazzledeyez
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Teen FictionAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...