Belle's POV
Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko ang driver namin na naghihintay. "Ah ma'am, sabi po kasi ni sir Dave ako na daw po ang maghatid sa inyo." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Hindi ko mapigilang mapairap. What's wrong with him? Ako itong galit tapos ngayon nakikisabay siya at mukhang nilalamangan niya pa ako.
Sumakay ako ng kotse at tumingin sa bintana. Inalala ko ang pag - aaway namin kanina. Maaaring tama siya na masyado akong nagpapaka nagger pero siya naman 'tong walang balak magsalita. Asawa niya ako at may karapatan akong malaman. Mabuti sana kung may sinasabi siya na kahit kaunti pero ang problema wala. Tapos ngayon siya pa yung nagagalit ng sobra.
Pag dating ko sa kumpanya ay dumeretso na ko sa office ko. Maya - maya ay pumasok rin ang sekretarya ko at sinabi na may biglaan daw na meeting. Kinuha ko na lang ang ilang files ko at pumunta sa board room kahit wala ako sa mood. Nagulat na lang ako ng nakita ko dun ang parents ko with ate Mitch. The last time I checked, wala sila dito sa bansa.
"Mom, dad. Akala ko po one month ang business trip niyo?" I asked after I kissed their cheeks. Nakipagbeso rin ako kay ate.
"Well, mukhang napre pressure kayong dalawa ng asawa mo sa trabaho kaya we decided to come back since I know na kaya na namang mag manage ng kuya mo mag - isa sa States." Sabi ni mommy. "At isa pa, we heard na nagka problema daw kayo?" sasagot na sana ako ng bumukas ang pinto ng board room at niluwa nun si Vincent. Nagkatinginan kami pero agad din naman akong umiwas. Umupo siya sa tabi ko taliwas sa side ni ate Mitch.
"Okay so we can discuss things clearly. Ano ang pinag aawayan nyong dalawa at mukhang malaki? Kakakasal nyo pa lang last week pero mukhang masyado na kayong seryoso sa pinagdadaanan niyo." Sabi ulit ni mommy. Tumingin ako kay daddy at walang kaexpre - expression ang mukha niya. Si ate Mitch naman ay nakatingin lang na parang naghihintay ng sagot.
"It's nothing mom -"
"Someone send me an email last night with pictures of Vincent and another woman. Tapos pag - uwi namin may envelope na naman na may pictures nilang dalawa na magkasama simula umaga." Mukhang nagulat si mommy at ate samantalang napatiim bagang si daddy.
"And who would do that?" tanong ni daddy.
"I don't have -"
"I am not asking you Coleen." Sabi ni daddy sabay tingin kay Vincent.
"I'm not sure. Wala pa namang bagong invites ang gang kaya sigurado ako na wala kaming kalaban. At kung meron man, wala akong maisip dahil sigurado ako na naayos ko lahat ng gulo bago ako bumalik dito sa Pilipinas." Sagot ni Vincent.
"Baka naman si Tori. You know her, kung kalian tahimik saka siya papasok." Sabi ulit ni daddy. Pakiramdam ko ay bumigat ang atmospera sa loob ng meeting room dahil sa pahayag na yun. And who the hell is Tori?
"She promised that she won't mess up anymore. I saw her living her life peacefully before I left." Napatingin si daddy ng masama kay Vincent dahil sa sinabi niya. Kinabahan naman ako. What's the sense of inviting the 3 of us here kung wala naman kaming idea sa pinag uusapan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Ficção AdolescenteAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...