Race 2

147 11 0
                                    

Binuksan agad ni rhian ang pinto. Nakita nito ang isang delivery boy na nasa tapat ng pintuan. May dalang dalawang parang lunchbox na nakatatak ay "food express delivery".. Nilapitan niya ito at hinaltak.
"naku andito na pala yong order ko, well you're on time... " nakangiting sabi ni rhian.
Nakakunot lng ang lalaki. Bumulong siya dito.
"Dinuguan ba ito with chocolate?". Muling bumalik ang lalaki sa tapat ng pinto. Nagtangkang kakatok uli nang mabilis pero humarang si rhian.
"hoy ikaw ha??? Kinakausap pa kita tinatalikuran mo ako! Ipapatanggal kita sa trabaho mo!" sigaw ni rhian na may kasamang panduduro. Sumagot ang lalaking natatakpan ang mukha ng kanyang sombrero
"sino po ba kayo?"
Napasinghal si rhian "what?! Tama ba ang narinig ko sino ako?! --- ako lang naman si rhian angela Chua Go, anak ng number one richest businessman in both Philippines and China.. Ikaw sino ka ba? ---akala mo kung sinong gwapo!. "tinanggal ni rhian ang sombrero ng lalaki at tumambad sa kanya ang napakagwapong mukha nito. Mukhang anghel na bumaba sa lupa lalo na nang ngumiti ito sa kanya.
"pasensya na po ma'am, mukhang nagkakamali po kayo. Sa room 407 po ito Idedeliver, hindi po sa room 401. At saka isa lang po akong hamak na delivery boy, pero hindi mo naman kelangan ipagdikdikan sa akin na anak ka ng pinakamayaman", mahinahong tugon ng lalaki.
Matagal na napatitig si rhian sa kanya. "shit... Who is this guy with electromagnetic powers, lalo n yong mga mata niya... Nakakatunaw.. " sa isip ni rhian... Natauhan lamang si rhian nang narinig na nito ang boses ni mr. Villegas..
"hey rhian babe, kanina mo pa ako pinaghihintay ahh. Let's start the ramble. Pay me right now darling... ". Napatingin ang delivery boy sa kinaroroonan ng boses. Napailing. "so maam pwede ko na po ba ibigay ito sa dapat.... At pati tawag ka na po ma'am... " may pang aasar. Kinabahan na si rhian sa sitwasyon.
"kung hindi ikaw yong magdedeliver nong dinuguan chocolate... Paano na ako dito?... " sambit niya.
Nagkibit balikat ang kaharap na lalaki...
Nahiya man siyang gawin pero no choice na siya... "tulungan mo ako please... Maawa ka sa akin, kelangan kong makatakas sa lalaking yon. Im still a virgin and i want to give this virginity only to the man i love, yong lalaking yon dinaya niya ako s pustahan. And sad to say.. I'm his prize.... Please help me. " may pagmamakaawa niyang sabi.

Di sadyang napatawa si delivery boy sa sinabi ni rhian. "addict ka ba ms.... Ms. Rhian.. " nang maalala ang pangalan. "bakit di ka humingi ng tulong don sa tatay mong pinakamayaman sa Pinas... At saka may trabaho pa ako ms. Rhian.. Pasensya ka na". Sabay talikod sa dalaga.
Napayuko si rhian. "no way. Wag mawalan ng loob. Malulusutan mo to rhian. " dikdik nito sa sarili. Huminga siya ng malalim bago pumasok muli sa condo ni mr. Villegas.
Laking gulat ni rhian nang buhatin siya ni mr. Villegas at dalhin sa kama. "ahh wait lang mr. Villegas baka naman gusto mo munang makapagshower ako. Para fresh naman di ba?? H-hindi ako sanay ng ganto, please i'l make it faster... Dahil gusto ko mag enjoy ka talaga sa akin.. " pambobola nito.
"ano kaya kung sabayan na kita? " habang hinahaplos ang bewang at braso ng dalaga.
"ha??? --- e hayaan mo na lang ako mag isa. Basta akong bahala sayo ngayon. Just trust me. " Nakawala ulit siya s mga bisig ni mr. Villegas. Pumasok sa shower room. Ini lock ang pinto at panay kabog ang dibdib. "Jen anong nangyri na sa plano ntin. Bakit hanggang ngaun wala pa ang dinuguang chocolate... " Maya maya may narinig siyang nagdoorbell. Nakakita naman dito ng pagkakataon si rhian. "s-sino yon? ", tanong ni rhian. "order mo daw para sa akin.. Ikaw talaga.. Balak mong busugin ako ano bago ang bakbakan natin,,, takenote alam mo ang paborito ko" habang inihahanda ang mangkok na paglalagyan ng ulam.
Mabilis naman n hinanap ni rhian ang refrigerator. Binuksan at naghanap ng alak. Nang may makita, inilabas na niya ito. "tama magpakabusog na muna tayo! ". Nakita na niya kung paano lantakan ni mr villegas ang pagkaing magpapahamak sa kanya. Lumapit siya dito at minasahe
ang likod. Pinainom niya rin ito ng alak.Tumunog uli ang doorbell. Binuksan ito ni rhian. Dalawang pulis ang tumambad sa kanya. "may nakapagreport po sa amin na isang lalaki na may nagsesession daw dito. Room 401. "ha?? No hindi ako yon.. " tanggi ni rhian. "maaari po ba kaming pumasok? "

Lihim na pinagmamasdan ng isang lalaki ang usapan ng dalawang pulis at ni rhian sa dulong bahagi ng elevator. Umiiling iling. "hay mabuti nlng ako hiningan mo ng tulong... Pero bakit dinuguang chocolate??" sambit niya.
Narinig ni mr. Villegas ang kausap ni rhian. "ano yan? Legit ba ang operasyon nyo? " matapang ang tanong niya sa mga pulis. Napansin ni rhian na naglabasan na ang mga pulang pantal sa mukha ni mr. Villegas. May ipinakitang papel ang mga pulis. "legit po yan sir. "... Pumasok ang dalawang pulis. "sandali hindi nyo ba ako kilala? Anak ako ni Gov. Eduardo de chavez villegas hindi nyo pwedeng gawin ito..". Agad na may kinontak sa cellphone ito. Nang may nakita ang mga pulis "e ano ho ito?", isang sachet ng droga ang nakita matapos halungkatin ang leather jacket nito na nasa sofa. "mabuti po sumama na lang ho kayo sa amin" sabi ng pulis. Pero palapit pa lang sila sa binata ay nanlaki na ang kanilang mga mata dahil sa paglobo ng mukha ni mr. Villegas. Pati si rhian ay hindi makapaniwala sa bilis ng transformation ng gwapong mukha niya. "oh my God mr. Villegas, anong nangyari s mukha mo? Pati sa buong katawan mo? ". Agad na Napatingin si mr villegas sa salamin. "nahihilo ako r-rhian... " sambit niya. "mamang pulis wag nyo ako arestuhin, sya yong gumagamit nyan.. Nakita nyo yong mukha niya. Adik yan e! Ganyan ang itsura nyan pag gumagamit nyan.. " saka itinuro ang sachet n hawak ng isang pulis. Pero agad na pinusasan ang dalawa. "wag kang mag alala miss kapag may nagrescue nmn sau pakakawalan k nmn nmin. Pero kelangan muna idaan sa ospital tong boyfriend mo. " ...
"naku hindi ko po yan boyfriend. Gusto nga aq pagsamantalahan nyan!" giit ni rhian.
"Sa presinto nlng ho kayo magpaliwanag". Natawa ang isang pulis "balak kang pagsamantalahan pero parang Hindi naman??" Sikretong ngumisi ang isa.

Naging isang masamang panaginip na lamang ito kay rhian. Hindi niya alam kung bakit pinakawalan siya ng dalawang pulis nang nasa ospital pa lamang sila kaya nakauwi siya ng madaling araw na iyon.

Ala una ng hapon, pumasok na siya s school. Laking gulat niya nang may isang lalaking nakaupo sa harapan ng klase na pamilyar sa kanya.

The Race of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon