Race 20

52 8 0
                                    


Umakyat si rhian sa hagdan. May nakita siyang nakahandusay na lalaki at kinuha niya ang baril nito.

Maingat siyang umakyat. May naririnig pa rin siyang nagpapalitan ng putok ng baril.

Sa patuloy niyang paglakad, nakita niya ang likod ni winzent na nakikipagbarilan pa rin. Gusto niyang makalapit dito pero masyadong delikado.

Nagtago siya hanggang sa matapos ang putukan. Ilang saglit pa at nahinto ang barilan. Nagpatuloy siyang umakyat sa hagdan hangang marating ang 2nd floor.. Wala na roon si winzent

"ang bilis nmn niya.. " sambit niya.

May narinig siya muling putok ng baril. Sigurado siyang sa taas iyon. Tinungo niya ang hagdan paakyat ng 3rd floor. Maingat at dahan- dahan..

Nang masilip ang nangyayari nakatago sa mga patong patong na bakal si winzent habang nakadapa ito. Inaasinta ang mga nagpapaputok sa kaniya..

May kasama siyang nakatago rin sa pader na nakikipagpalitan ng putok sa kalaban.

Nang huminto ang putukan saka lamang mabilis na naka akyat si rhian. Pero nakita niyang patakbo na sina winzent sa hagdan.  Nakita niya sa kabilang sulok ang elevator. Luma na ito. Sinubukan niyang pindutin pero hindi ito gumana.

Naghanap siya ng bakal at pinukpok ang mismong pindutan nito. Agad na nagbukas ang elevator.

Isinara niya at pinindot ang 5th floor hindi ito umilaw. Pinindot niya ang 6th floor at umilaw ito.  Naramdaman niya ang pagtaas ng elevator. Kinakabahan siya dahil baka huminto ito sa kalagitnaan. Wala siyang tigil sa kapapanalangin. Naging mabagal ang andar ng elevator,  marahil dahil sa luma na ito.

Ilang minuto nagbukas ito nang marating ang 6th floor. Walang tao doon. Pero may narinig siyang mga putok sa ibaba.

Mabilis niyang tinungo ang hagdan paibaba.  Dahan dahan siyang humakbang sa hagdan paibaba. Magalaw ang ilaw at panay ang pagkurap kurap nito.

Marahil natamaan ng baril ang outlet nito at nadamage ang wiring ng ilaw. Nang humakbang siya paibaba pa. Nakita niya ang kaniyang inang si Monica na nakataas ang dalawang kamay. Nang marating ang sahig ng 5th floor agad niyang iniharang ang sarili sa ina.

Malinaw sa mga mata niya na tinututukan ni winzent dela Vega ng baril ang kaniyang ina. Mabilis siyang tumakbo sa gitna upang iharang ang kaniyang sarili at itutok din ang baril na hawak niya kay winzent. Magalaw ang ilaw at patuloy sa pagkurap kurap. 

"don't shoot my mom mr dela vega..  Or I will shoot you.. !" sigaw ni rhian.

Nagulat si winzent na nasa harapan niya ngayon si rhian.

"rhian ibaba mo yang baril mo.. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo? " sabi ni winzent. 

"anong hindi ko alam ang ginagawa ko? -- papatayin mo ang nanay ko.. Ano bang kasalanan nmin sa'yo..? " gigil na sabi ni rhian.

"rhian makinig ka, your dad has been kidnapped by your own mother.  Umalis ka dyan at ililigtas nmin ang ama mo. " makaawang sagot ni winzent.

"bakit nmn gagawin ni mommy yon? Mahal na mahal niya si Dad.. " paliwanag niya.

May narinig siyang palakpak sa likod niya. Nilingon niya ito at palakpak ito ni monica

"wow I almost cried my dear rhian.. Hanggang ngayon alipin ka pa rin ng katangahan mo." gigil na sabi niya kay rhian.

Itinutok ni winzent muli ang baril kay monica. Napatingin si Monica kay winzent

"oopps wag mong itututok yan sa akin.. Kung hindi mamamatay si Jaime" inilabas si Jaime ng kaniyang tauhan mula sa isang silid.

The Race of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon