Magagara ang mga sunod sunod na kotseng nakapila para ibaba ang mga mayayaman at prominent businessmen sa hotel.
May mga press na nagkalat sa paligid. Hindi sanay sa ganitong sitwasyon si rhian kaya hindi niya alam kung paano gagalaw sa ganitong mga pagkakataon.
Nakita niyang bumaba na si winzent sa unahan. At sumunod na siya. Nasilaw siya sa sunod sunod na flash ng camera habang binabaybay niya ang daan papasok ng hotel.
"jen nasaan ka na? -- ang usapn ntin, dito tayo mgkikita.." panay ang hanap niya sa paligid.
Sa totoo lang hindi rin niya alam kung saan siya lulugar pagkatapos baybayin ang papasok ng hotel.
Hindi na rin niya makita si winzent kung saan ito nagsuot nang makababa ng sasakyan.
"malamang magkukulong na lang ako sa CR at lalabas na lang kapag tutugtog na ang music na sasayawin niya." plano niya sa isip nito.
Panay naman ang tingin sa kanya ng mga lalaking nakakasabay niya pumasok at pati ang mga nakasasalubong niya.
Nagulat na lamang siya nang sabayan at tabihan siya ni winzent papasok sa hotel. Saka ipinatong sa balikat niya ang coat niya
"mr. Villegas is not yet coming... I didn't see him yet" sambit niya habang inaayos ang coat niya sa balikat ni Rhian.
Napatingin si rhian sa kanya, napangiti ng palihim.
"oy concern.. Hayaan mo lang sila tumingin sa alindog ko.. " sa isip ni Rhian.Pero pakiramdam niyang 'she's being comfortable' dahil sa ginawa ni winzent . Lalo't sinamahan siya nito hanggang makapasok sa hotel.
Pinagtinginan siya ng mga taong naroon dahil sa pagsabay sa kaniya ng lalaki
"oo nga pala sobrang VIP pala itong kasama ko" nang maalala niya.
"hmmm sir dela vega.. Sa CR muna ako. " pagpapaalam niya.
Pero agad siyang sinaway ni winzent.
" no. You will not staying there.. Go to my private room. Room 288, 5th floor. Nakaset up na doon ang monitor. Kapag nakita mo si mr. Villegas na papasok na rito saka ka na lang lumabas ng kwarto. Here's the key. " saka iniabot niya ang susi kay rhian.
Nagtataka man pero kinuha na rin niya ito. Itinuro rin ni winzent ang daan papuntang elevator.
Nang maghiwalay na sila nagulat si rhian nang biglang humalik sa kaliwang pisngi niya ang lalaki
"goodbye for now and see you later beautiful lady.. " pagpapaalam ni winzent.
Saglit na huminto ang mundo ni rhian habang hinahaplos niya ang kaliwang pisngi niya.
"he kissed me. " nasambit na lamang niya.
"hey why did you do that? " sigaw niya pero wala na si winzent sa paningin niya.
"mamaya ulit sir dela vega.. " kilig niyang sabi sa sarili.
Sinunod niya ang sinabi sa kaniya ni winzent. Nang marating niya ito naroon nga ang tatlong monitor na kita ang pagpasok ng lahat ng dumarating, sa harap ng magarang entablado at sa dance floor.
Agad niya nakita sa monitor si winzent na pinagkakaguluhan ng mga babaeng may magagara ring suot.
Parang gusto niyang lumabas ng kwarto, pagsasampalin ang mga babae at hablutin ang braso ni winzent at ipulupot sa kurbado niyang bewang.
"hay naku mr winzent dela vega ang lakas ng dating mo.. Ang gwapo, ang ganda ng katawan, matangkad, mayaman. Nasa iyo na ang lahat, kaya lang you're not available.." titig na titig si Rhian sa monitor na para bang kinikilig.
BINABASA MO ANG
The Race of Hearts
Romancekarera... eksperto dito si Rhian kahit na nga ba magagaling na sa ganitong klase ng laro mapababae man lalo na ang mga lalaki.. lahat sila walang binatbat sa kaniya. kapag umandar na ang kotse niya, umugong ng ubod lakas ay handang handa na siyang m...