Race 18

48 5 0
                                    

"Sigurado ka ba sa plano mo winzent.. hindi mo ba nakikitang mas lalo mo lamang siya pinapahirapan. Kagaya niyan umiiyak siya dahil sa ikinabit mong mga frame rito sa bahay mo." paliwanag ng lalaking kasama niya sa loob ng isang kwarto.

Habang nakatingin sa monitor na kuha ng CCTV camera sa loob ng kwarto ni rhian. Tinanggal ni winzent ang eyeglass niya. Hinaplos ang mukha ni rhian sa monitor.

"Kung hindi ko gagawin ito, mapapahamak siya sa kamay ni monica... nakuha na ng kinagisnan niyang ina ang lahat ng sa kanila ni sir jaime. Base kay detective Gerald pinupuntirya ngayon ang buhay niya. I will protect her, kahit pa alam ko sa bandang huli lalo lamang siya magagalit sa akin." Paliwanag niya sa kausap.

Halos isang oras ding umiyak si rhian hanggang sa nakatulog siya.

Dahan dahang binuksan ni winzent ang pinto ng kwarto ni rhian nang masiguradong tulog na ang dalaga.

Tinanggal niya ang suot na sapatos ng dalaga. Inayos niya ang pagkakahiga niya.
kinuha ang blanket at ikinumot ito sa kanya. Binuksan niya ang aircon. Saka niya iniwan ang isang white rose sa side table sa kama.

"Goodnight mahal ko.." bulong niya sa sarili. Isinara na niya ang pinto.

Kinaumagahan, nang imulat ni rhian ang mga mata niya bigla siyang napahinto dahil naramdaman niyang may blanket na sa katawan niya, at wala na rin ang sapatos na suot ng mga paa niya.

Nakita rin niyang bukas ang aircon. Agad siyang bumangon

"teka bakit? Sino ang..? Oh no may pumasok sa kwarto ko?? Sinasabi ko na nga ba hindi ako safe rito.. "
Umalis siya sa kama pero umagaw ng pansin sa kaniya, ang puting rosas sa side table sa kama.

"Andito na ba ito bago ako nakapasok  sa kwartong ito?" inalala niya ito.

Malinaw sa kaniyang alaala na wala pa ang rosas na ito nang siya ay  pumasok sa kwarto, hindi rin bukas ang aircon at lalong walang blanket sa tabi ng kama niya at sa kakaiyak nga siya ay nakatulog.

Tumunog ang cellphone nito at siya'y nagulat sa sunod sunod na alarm ng cellphone niya. Nang makita ang orasan

"oh no!! Umaga na?" Pag aalala niya. Napatingin siya sa frame na nasa tapat ng kama

"alam mo kasalanan mo ito victor e.. kung hindi ka sa akin nagpakita.. hindi sana ako iiyak at hindi ako makakatulog. Ikaw na lalaki ka napakarami mong kasalanan sa akin..naku kapag ngkita ulit tayo humanda ka talaga sa akin.." dinuduro niya ang frame kung saan mga ngiti lamang ang nakikita niya sa larawan.

Napahinto siya bigla at lumapit sa frame
"p..pero alam mo namimiss ko na ang ngiting ito.." saka niya hinaplos ang frame.

Napapangiti naman si winzent sa harap ng monitor habang pinapanood ang kilos ni rhian sa loob ng kwarto nito.

"I miss you more rhian" sambit niya.

Kinuha ni rhian ang white rose saka inamoy. Nagpunta siya sa bintana at hinawi ang makapal na kurtina.

Binuksan niya ang bintana para makapasok ang sikat ng araw

"wow ang ganda naman dito.." paghanga niya sa labas ng mansyon.

Maya maya may kumatok sa pinto niya. Agad niyang pinagbuksan ito. Ang katulong na kausap niya kagabi.

"Good morning ma'am. Ipinahahatid po ni sir, wardrobe nyo po.. lahat na po ng klase mayroon na po dyan. Kung may kulang pa po, pindutin nyo lang po yong number 3 sa telepono" paliwanag ng katulong.

Saka sunod-sunod na katulong ang pumasok sa kwarto na may kaniya kaniyang dalang malalaking paper bag.

"Ahhh sandali lang.. ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong niya sa katulong

The Race of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon