Final Race

101 14 4
                                    


Maraming tao ang nagkalat sa paligid. Lahat ay nag aabang. May mga nakikita rin siyang mga camera sa iba't ibang sulok. Tila inaabngan ang kaniyang susunod na pagkilos.

Napansin niyang ang babaeng nauna sa kaniya ay hindi magkandaugaga sa paghahanap ng lugar kung nasaan si victor.

"nasaan ka nga ba victor? " sa isip niya.

Saglit siyang pumikit at pilit na hinagilap si victor sa kaniyang isipan. Dinala siya ng kaniyang ala ala sa nakaraan.

Nakaraan kung kailan sila nagkasama sa lugar na ito. Ang hindi maipaliwanag na kasiyahan niya na makasama ang lalaking iniibig niya.

Nagsimula ang alaala niya sa pagtuturo nila sa mga bata sa barong barong na bahay, sa pakikinig sa mga kuwento ng buhay ng mga naroon, sa pagsigaw nila sa burol, ang kuwentuhan sa ilalim ng mga bituin habang sila'y nakahiga sa damuhan, ang pagtulog nilang magksama sa tree house, ang pagbibigay ng mga regalo, ang pag akay ng mga bata sa kaniya papuntang paliguan nila..

Iminulat niyang muli ang kaniyang mga mata. Maluwag ang kaniyang ngiti. Itinuon niya ang paningin nito sa kaliwa mula sa kaniyang kinatatayuan. Nagsimula siyang lumakad at tinungo ang daan papuntang falls.. Lugar na kung saan itinuring niyang paraiso. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita niya ang bagong gawang chapel na ang disenyo nito'y mismong disenyo ni victor.

Puno rin ito ng mga bulaklak sa labas na para bang may maliit na parke. May mga nakita siyang mga duyan, seesaw, at iba pang palaruan ng mga bata.

Bumilis nang bumilis ang lakad niya. Gumawi siya pakaliwa.. Pababa ang daan, napahinto siya nang mapansing ang gilid ng dinadaanan niya ay punong puno ng mga puting rosas.

Nang tumingala siya sa paligid ay napakarami ring mga puting bulaklak ang nakalawit sa mga punong naroon.

Sa pagkakaalam niya matagal na itong nakatanim sa lugar kaya ganoon na lamang ang pag usbong nito sa lugar..

Pumitas siya ng isa at inamoy ito. Muli siyang napangiti. Gumawi siya pakanan... At may naaninag na siyang tao... Mga tao sa malayo. Lahat sila'y nakadamit ng kulay ginto. Lalo siyang nanabik na makita ang mga mukha ng mga taong naaaninag niya.

At napahinto siya nang may sumalubong sa kaniya.

"Congratulations anak!" masayang bati ni Jaime sa kaniya.

Gulat na gulat siya nang makita niya ang sarili niyang ama sa lugar.

"Dad.. Paanong naandito ka??" agad na tanong niya.

"hindi pwedeng mawala ako sa espesyal na araw na ito.. " sabi ng ama.

Inakay siya nito sa gilid kung saan may maliit na kubo. Nang pumasok siya roon nakita niya si yaya trining.

"nay trining pati po kayo.. " sambit niya.
"sinundo kami madaling araw pa lamang ni sir alfredo.. Halika na bibihisan na kita. " masayang sabi ni trining.

Nakaguhit sa mukha niya ang pagtataka sa mga taong nakikita niya ngayon sa lugar.

Samantala, mabilis naman siyang nabihisan ni Trining.

"ayan bagay na bagay talaga sa'yo ang damit na ito.. Mahusay pumili ang lalaking iyon ha? " sambit ni trining habang inaayos ang laylayan ng damit niya.

"sinong lalaki ang tinutukoy mo nay trining?" nagmamadaling tanong niya.

Ngumiti lamang si Trining at inakay siya palabas ng kubo.

Paglabas ni rhian sa kubo ay napamangha ang mga taong naroon dahil para siyang diwata sa suot niya.

Inakay na siya ni Jaime patungong falls

The Race of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon