"Isang babae ang nakausap ko kahapon n nakakita sa'yo, siya din yong rumesponde. Mga pulis nmn ang nagbalik ng gamit mo. " paliwanag ni Victor.
"pero lalaking nakaputi ang nakita ko at habang papalapit siya nasisilaw ako s liwanag n meron siya" giit ni rhian.Saglit n natahimik si Victor.. Nang maprocess ng utak niya.
"Hindi kaya na encounter mo ang Panginoon.. And He did miracles on you. Nong nakita kita kahapon duguan ang mukha mo.Kaya alalang alala ako baka grabe ang tama ng ulo mo. Pero ito yong resulta ng CT scan mo. " saka niya ipinakita ang resulta nito. Nang makita ni Rhian ito..
"cleared.. Ibig sabihin walang nakitang damage s ulo ko, eh hindi nga ako nakapagseatbelt nang umagang yon. " naiiyak niyang tugon.
Hinawakan ni Jaime ang kamay ni rhian
"miracles do happen, ipinakita ng Panginoon kung gaano k Niya kamahal. Siya ang nagligtas sa'yo rhian" bulalas ni Victor.Natahimik ang kausap nang maintindihan ang lahat
"Napakaimposible naman yan Victor,, ako ililigtas ng Diyos? Why?? --ang dami kong kasalanan, hindi ako karapat dapat na iligtas.. Mabuti pa nga namatay na lang ako. " naiiyak niyang sabi.
"wag mong sabihin yan.. May kinuha si victor sa bag nito. Binasa ang nakasulat s bibliya
"dumating noon ang tagapagturo ng kautusan at mga pariseo na may dalang isang babaing Nahuli s pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan at sinabi kay Jesus 'Guro ang babaing ito'y nahuli sa pangangalunya. Ayon sa kautusan ni Moises dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Itinanong nila ito upang subukin siya at nang may maiparatang sila laban sa kaniya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita 'ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya'. At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila iyon sila'y isa isang umalis, simula sa pinakamatanda. Tumayo si Jesus at tinanong ang babae 'nasaan sila? Wala na bang humahatol sa'yo. 'wala po Ginoo', sagot ng babae. Sinabi ni Jesus 'hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan'. Nang matapos.
"Victor.. Kung totoo ang lahat ng yan, I want to reconcile with the Lord. Matatanggap pa ba niya ako? "
Napangiti si victor
"oo naman. Gusto mo bang manalangin tayo?"Tumango si Rhian. Sumunod si rhian sa panalangin ni Victor
"mahal kong Panginoong Jesus, inaamin ko na ako'y makasalanan at kailangan ko ang iyong pagpapatawad. Sumasampalataya ako na namatay Ka dahil sa mga kasalanan ko. Gusto kong tumalikod sa aking mga kasalanan. Inaanyayahan kitang pumasok sa aking puso at buhay. Gusto kong magtiwala Sa iyo at sundin Ka bilang Panginoon ko at Tagapagligtas. Sa pangalan ni Jesus. Amen "Nang ibuklat ni Rhian ang kaniyang mga mata matapos sambitin ang panalangin kakaibang kapayapaan ang nramdaman niya.
Napakagaan ng kaniyang pakiramdam.
"sino nga pala ang blood donor ko? - si monica ba or si Dad? " agad niyang tanong.
Umiling si victor at sinabing
"si Tay Pastor, magkatype kayo. "
"ay nasaan si pastor gusto ko siyang pasalamatan ng personal. ".
"Umuwi muna siya para makapagpahinga."
"pero wag muna isipin iyon. Magpahinga ka na muna para makalabas ka na rito, at mas matutuwa si tay pastor kung makakasama ka namin sa lingo.. Sa youth jam. "Natawa si Rhian
"at para makabayad ako sa'yo.. ". Pareha silang Nagtawanan nang maalala nilang dalawa ang ginawang iskandalo ni rhian s loob ng simbahan.Habang pinagmamasdan ni rhian si victor
"pag ibig na ba tong nararamdaman ko kay victor?" sa isip niya at parang iyon nga ang sinasabi rin ng puso niya.Muling nagkatapat ng tingin si victor at rhian.
"salamat sa'yo, you're always on time whenever I needed you.." sabi ni rhian.
Piningot ni Victor ang matangos na ilong ni Rhian.
"as always.. Tinamaan kasi ako sa'yo e" sabi ni victor.
Hinawakan ni rhian ang kamay ni victor
"pwede bang wag kang mawala sa tabi ko? "
"oo naman, basta ikaw.. " Seryosong sagot ni victor.
BINABASA MO ANG
The Race of Hearts
Romancekarera... eksperto dito si Rhian kahit na nga ba magagaling na sa ganitong klase ng laro mapababae man lalo na ang mga lalaki.. lahat sila walang binatbat sa kaniya. kapag umandar na ang kotse niya, umugong ng ubod lakas ay handang handa na siyang m...