Race 4

97 9 0
                                    

Sa harap ng salamin hindi mapigilan ni rhian ang pag-agos ng kaniyang luha.

"Bakit? Bakit? Bakit?.... Bakit nangyari to m-m-mommy??" matagal bago niya nasambit ang huling salita dahil ngayon niya lng ulit ito nabanggit.

Kinuha niya ang nag-iisang larawan nila ni monica. Nasa limang taon siya noon. Dinala siya ng nakaraan habang tinititigan ang larawan nila.

Nakaraan:
Tuwang tuwang pinapanood nila jaime at monica si rhian sa gitna ng entablado ng paaralan. Extemporaneous speech ito. Maraming mga magulang at bisita ang humanga sa husay ng kanilang anak. Kaya nang matapos si rhian. Halos lahat ng manonood ay tumayo at nagpalakpakan. Sinalubong nila ang anak sa ibaba ng entablado. Niyakap siya ni monica.

"how's my performance mommy?" excited na tanong ni rhian.

"very good, well actually excellent anak.. Lahat nga ng nanood tumayo at pumalakpak. They really amazed in your performance." habang pinupupog ng halik ang anak.

Pinisil naman ni Jaime ang cute na pisngi ng anak.

"ang galing galing mo anak, pati ako nagulat. How did you deliver that kind of speech?... At a very young age, u pick a topic, had a little time to composed your speech in your mind then u delivered it perfectly..? " sabi ni jaime.

Nakangiti na lamang si rhian sa tanong sa kaniya ng ama.
Panay ang "congratulations " ng mga taong nakapanood sa kanya lalo na nang siya ang tanghaling panalo.

Sa hongkong disneyland siya ipinasyal ng mag asawa bilang premyo nito.

Palaging masaya ang nakagisnang pamilya ni rhian. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang ina sa mga amiga nito.

Isinasama rin siya ng kaniyang ina sa mga modelling show nito na naunang trabaho ni monica bago pinasok ang family business.

"mommy i love you"

"i love you too anak"...

Naalala niya ang mahigpit na yakap ng ina.

Nahinto si rhian sa pag alala niya nang nag ring ang cellphone niya. Isang tawag mula sa kaniyang ama.

"hello rhian my one and only Princess, daddy still can't go home for this week. May biglaang call of duty si daddy mo sa isang business trade sa US. May gusto ka bang pasalubong from Dad.? " si Jaime.

Pinilit niyang magsalita ng normal.

"Dad naman hindi na po ako bata, college na ako." ..."ahmmm dagdag allowance, or accessories. Yong bagong labas na bag ng Gucci, prada o hermes... "

"Dad just you is enough... " maikling tugon ng kaniyang anak.

"ok. I'll try to go back home as early as I can anak... I love you..." paalam ng ama.

"i love you too Dad.. " naiiyak niyang sabi.

Matapos ang tawag agad na kinontak ang barkada nito para mawala ang lungkot nito. Mabilis siyang nagbihis mala "Avril Lavigne " ang peg ng pormahan niya nang lumabas ng kwarto.

"senyorita kelan ka po uuwi uli dito? " tanong ni manang yolly.

"hindi ko po alam manang.. Just take care of this house manang".
Humarurot na ang sasakyan nito.
 
Sa loob ng bar walang sawang sigaw ang sinasabi ni rhian

"hooo!!! Let's party party!! ".

Dumating din ang mga barkada niya. Uminom nang walang humpay si rhian.

"my life is a mess. " paiyak niyang sabi sa kaibigan niyang si cess.

Lumagok muli ito ng alak.

The Race of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon