"Dali na kasi bud!" Naririndi na ako dito kay bud. Kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya mag bar. Kung hindi ko lang to very best friend, napatay ko na to sa kakulitan.
"Your treat? Deal." I said, kahit d pa sya sumasagot. Nag iisip pa ang bruha, ang kuripot talaga nitong babaeng to. Kahit ibili ako ng tubig ayaw nya dahil mauubos daw ang kayamanan nila. Pathetic bud well, i still love her kahit na mental.
"Fine! I'll fetch you at 7 pm. Don't be late bud iloveyou" hinalikan ako sa pisngi at naunang lumabas ng room. Very excited huh?
"Hey Vee, practice for the report on Monday" sabi ni Ash,classmate ko. Gwapo sya pero mahangin.
"At kapartner mo ang pinaka gwapo sa buong university" See? Ang hangin diba.
"Whatever Ashiton" pang aasar ko sa kanya. Mas lalo syang natawa aish!
"Ashton not Ashiton. Do I have to remind it to you, baby?"
"Oh shut up" Ako naman ang napikon. Bwisit na Ash argh!
Pagkalabas ko ng room, bigla akong ginulat ng napaka gwapo kong kuya Kayden. He's my step brother kahit hindi ko sya kadugo, totoong kapatid pa din ang turing ko sa kanya.
"Hi princess Marvoree Elaine" with matching pag bow pa si kuya.
"Ano nanamang trip mo kuya Kayden Gin?" panggagaya ko sa kanya. I hate everytime he calls me my full name. Hobby nya ang asarin ako, pero mahal na mahal ako ni kuya Gin.
"Uwu. Don't you love your kuya? Give me a hug" Ganyan sya palagi kapag namimiss nya ako kahit na palagi nya akong nakikita at nakakasama sa bahay. May topak din kasi si kuya.
"Hug your face kuya, let's go home. Pupunta pa kami ni bud mamaya sa bar." Sabi ko at nilampasan siya.
Palambing lambing pa kasing nalalaman palibhasa magkaaway sila ng girlfriend nya. Ayokong kilalanin ang bago nanaman nyang girlfriend kasi alam kong hindi naman sila magtatagal. Routine ni kuya ang pabago bago ng gf, araw araw may dinadala syang babae sa bahay at iba iba pa. Tino ng kuya ko diba?
Biglang bumigat ang kanang balikat ko at naramdamang naka akbay sya saken. Buti nalang hindi nya ako pinigilan mag bar, last time nung nagbar kami. May pervert na gustong lumapit sakin, Thank God dahil may sumuntok dun sa pervert, hindi ko siya kilala pero i owe him. Infairness, gwapo sya!
"Hindi kita ihahatid ha? May date kami ni Sam" sabi nya. As if, may pake ako dun sa bago nyang girlfriend psh.
"Nah. Susunduin ako ni bud. At pwede ba kuya? Tigilan mo nga yang pag gigirlfriend mo. Hindi ka na nagbago lagot ka kay mama" Panakot ko sa kanya. Takot sya kay Mama,strikto kasi si mama samantalang si papa maloko tulad ni kuya. Mana mana nga naman.
"Maayos naman grades ko kaya di ako papagalitan princess." pagkadating namin sa parking pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na sa loob.
Pumunta sya sa kabila at pumasok na den sa loob. Napatingin nalang ako sa labas habang nag dadrive si kuya.
"Is that asshole your suitor?" nagulat ako sa tanong at pagka seryoso nya.
"Asshole? Sino?" Kahit na alam ko naman talaga kung sino. Alam kong hindi naman totoo yung mga lines ni Ash, sadyang mabiro lang sya. Sana nga hindi totoo. Hindi mahirap mahalin si Ash, almost perfect na nga siya eh. Mahangin lang. Tss.
"Ashton. Kilala mo ang tinutukoy ko Marvoree." O-okay? Tinawag nya ako sa pangalan ko at hindi nickname. Meaning seryoso si kuya, tiklop ang katarayan ko kapag nagseryoso si kuya.
"Hindi ko sya manliligaw kuya, hindi ako gusto ni Ash. Inaasar lang ako palagi kasi gustong gusto nyang nakikita akong napipikon"
"Lalaki ako Marvoree, alam ko ang galawan nya. Sabihin mo sakin kapag manliligaw mo siya o may gusto sayo. Dadaan muna siya sakin. I don't want my princess to be hurt..... again." i sighed.
Protective si kuya sakin, kasi ako lang prinsesa at baby nya. Kahit nagkakaroon sya ng girlfriends with 'S', mas inuuna nya ako kesa sa kanila. Kaya mahal na mahal ko si kuya kahit na ganun sya kakulit.
"Opo my over protective kuya" pang aasar ko kaya natawa kami parehas.
Nang makarating kami sa mansion. Yes, mansion. May kaya kami dahil sa business namin. Kung hindi dumating si papa at kuya sa buhay namin, hindi ko alam kung anong meron kami ngayon. That's why I'm thankful to God.
Sinalubong kami ni mama na may kiss sa forehead. Nasa mood si mama, ano kayang meron?
"Hi ma! I missed you!" sabi ni kuya habang tumatakbo kay mama na parang hindi sila nagkita ng ilang taon. Si mama naman hinalik halikan si kuya sa mukha, habang si kuya tawa ng tawa. Napailing nalang ako sa kalokohan nila.
"Ma. Magbabar kami ni bud, kaya hindi na muna ako makakasabay kumain" lagi kasi kaming sabay sabay kumakain.
"Aww. Okay baby. I thought magkakasabay tayo" malungkot na sabi ni mama. Ayan nanaman at umaatake ang pagka isip bata ni mama kapag nasa mood siya.
"Mama naman! Ngayon lang" pataray na patawang sabi ko. Gets? Basta.
"Hahaha. How's school?
"School pa din, Aww!" namilosopo pa kasi. Nabatukan tuloy ni mama kaya natawa nalang ako.
"Fine mama. As if kung magbabago yon tsk." sabi ko.
"Taray mo nanaman baby." Well, that's me.
"I'll go change na mama. Baka pumunta na dito si bud." At patakbong tumaas papuntang kwarto.
Pabagsak na humiga ako sa kama at iniisip kung anong pwede suotin. Kailangan maganda ako mamaya. Oops, maganda na pala ako. Tumayo ako at pumili ng susuotin. Kaya sinuot ko ang red spaghetti strap dress na above the knee.5 inches na heels lang muna ang gagamitin ko, sunod light na make up lang since maganda na ako at hindi na kelangan lagyan ng maraming kolorete sa mukha ko. Nang natapos na ako saktong nag ring ang phone ko, si bud tumatawag.
"BUDDDDDD!" sigaw nya pagkasagot ko sa tawag nya kaya nailayo ko sa tenga ko ang phone ko. Nakakabingi talaga tong si bud.
"Lower your voice bud. Where are you?" Tagal ni bud, gusto ko ng uminom jeez.
"Oops my bad, nasa labas na ako. Bilisan mo"
I ended the call at lumabas na ng kwarto.
"Call me if you get there princess" sabi ni kuya na medyo nag aalala. I'm not a kid anymore gosh.
"I know that you're not a kid anymore, sundin mo nalang" nagulat ako dahil alam nya nasa isip ko. Kilalang kilala talaga ako ni kuya. Hinalikan ko nalang sya sa pisngi bago bumaba.
"Gosh! Ang tagal mo Bud! Pinag intay mo ako ng isang minuto dito!"
"Oh shut up bud"
"You know pretty like me-" sinarado ko na ang pinto ng kotse nya dahil naririndi na ako sa boses nya. Pano ko ba natitiis tong babaeng to.
"Argh. Bud naman!" inirapan nya ako. Edi inirapan ko din siya psh.
Pagkadating sa bar, umorder agad kami ng alak. Mas madaming tao ngayon, hmm I wonder why.
"Namiss ko to hayyyy!" kahit malakas yung music dinig na dinig ko pa din siya sa lakas ng boses.
"Hey bud, sasayaw muna ako" tumango siya kaya pumunta na ako sa dance floor.
Sumayaw ako ng sumayaw hangga't gusto ko. Nang bigla kong naramdaman na may humawak sa bewang ko at mabilis na iniharap sa kanya. Napatitig ako sa mukha nya dahil sobrang gwapo nya. Parang siyang isang model o celebrity. This is gonna be fun. Pero nagulat ako sa binulong nya sakin.
"I saved you last night so you have to pay me. You will be my girlfriend, no buts" Sabay halik sa pisngi ko at may binigay na card na inilagay sa kamay ko.
YOU ARE READING
Have you loved yet?
RandomI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...