Hindi ko namalayan na dinala pala ako ni Connor sa clinic. Dahil sa ginawa niyang eksena kanina ay hindi pa din ako maka recover.
Sinong mag aakala ang isang masungit na dean ay biglang susulpot sa ganung eksena? Funny right? Oh Nevermind.
"Nurse, gamutin mo lahat ng sugat at kalmot nya." Ngayon ko lang din naramdaman na masakit ang ulo ko dahil sa pag kakasabunot sakin ng bruhang yon.
May kalmot ako sa mukha, braso, leeg at marami pa. Habang ginagamot ako ng nurse, nakatitig lang sakin si Connor.
"May iba pa po bang masakit sayo?" Tss. Ano namang pake mo?
"Wala na po. Thanks" ngiti nalang ang sinagot niya sakin.
May sinabi pa si Connor sa nurse pero hindi ko na narinig dahil nauna na akong lumabas.
"Are you okay? May masakit pa ba sayo?"
"Masakit lang ang ulo ko dahil sa pag sabunot sakin nung pyscho but I'm fine. Thanks by the way" sabi ko habang tinitignan ang mga sugat ko.
"Gusto mo ba--"
"Vee! Thank God you're okay! I was freaking worried at you! Akala ko malala. Tingin nga!" tinignan nya ang mga sugat ko. Pero napansin ko na umiiyak siya.
"Bakit ka naiyak? Hindi naman ako patay no!" niyakap ko siya dahil ayokong nakikitang umiiyak si bud. I hate it. Nakaka konsensya kahit wala ka namang ginagawang masama.
"Eh kasi nag aalala ako ng sobra. Wala pa ako sa tabi mo non para pagtanggol ka. I'm sorry" humagulgol na siya. She's still a baby, honestly.
"Hush. I'm okay now. Teka wala ka bang klase?"
"Free time." pinunasan na niya ang luha nya. Nahagip ng mata niya si Connor kaya naningkit ang mata nya.
"Are you Connor?" mataray na tanong niya. Bilis magpalit ng mood jeez.
"Yes."
"Hi Connor! Please take care of my bestfriend. If you hurt her, be ready to hell." inilahad nya ang kamay nya.
"Hello Miss. I can't promise that but I promise that I will be right by her side, always." nakipagkamayan na siya kay bud.
"So who's the bitch?"
"Miss Lin"
"Oh okay."
"Kumain ka na ba bud?"
"No."
"Tara kumain muna tayo"
Pumunta ulit kami sa cafeteria but it feels awkward. Or ako lang nakakaramdam non?
Habang kumakain, may nahuhuli akong ibang estudyante na pasilip-silip samin.
"Ako lang ba nakakaramdam na ang awkward dito sa cafeteria? May nangyari ba?" Wala siguro si Bud kanina dito.
Kinwento ko kay bud ang nangyari. Namumula ang ilong staka tenga nya.
Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Pigilan mo yang pag tili mo ha." tumango naman siya habang may nakakalokong ngiti.
Napunta ang atensyon ko kay Connor na kanina pa tumitingin tingin sa relo nya.
"Pwede ka na namang umalis Connor eh. Thank you kanina."
"Are you sure? May meeting pa kasi ako pero okay lang naman." tapos na din siya kumain. Ang bilis.
"Oo. Thank you" tumayo na siya at naglakad palabas ng cafeteria.
"Ikaw ha yie" napa iling-iling nalang ako.
Dahil sa wala daw ang teacher namin ay may free time kami. Kaya pumunta muna akosa favorite spot ko, ang tambayan ko. Habang si bud ay pumasok na dahil baka malate siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/188211896-288-k563181.jpg)
YOU ARE READING
Have you loved yet?
RandomI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...