Coline's POV
Inaayos ko na ang gamit ko para puntahan si bud, akala ng babaeng yun kasama ko si Relle. Kaya ayun mag isang pumunta sa cafeteria, gutom nanaman ang loka.
Isinukbit ko na ang bag ko at lalabas ng bigla kumalabog ang pinto at hingal na hingal si Sheena.
"G-guys..... Si Vee-" nung madinig ko ang pangalan nya ay agad na kumilos ang aking mga paa. Alam kong dahil nanaman ito sa pinsan ko.
Ano bang problema ng babaeng yun, Hindi na sya nadala sakin argh! Mas matanda si Bud kesa sa kanya pero hindi man lang nirerespeto ni Morgan.
I understand what she feel and I know what her life is. Of course she's my cousin. Morgan is really kind back then, she's friendly and not warfreak, she loves studying and not drinking alcohol but because of her family she changed. A lot.
Binilisan ko na ang paglalakad ko o halos tumakbo na ako sa cafeteria kahit may nakakabangga na ako. Alam kong kayang kayang saktan ni Morgan si Bud pero sa sobrang kabaitan ni bud inaabuso na sya. Ewan ko ba ang tanga tanga nya kasi.
Pagkadating ko si cafeteria ay may nakita akong nag kukumpulang estudyante sa gitna.
Itinabi ko lahat ng estudyanteng nakikita ko, "Putek tumabi kayo!" pero ang mga chismoso at chismosa hindi tumabi.
No choice kaya itinulak ko na sila. Napatakip ako ng bibig dahil sa itsura ni bud. May kalmot at sugat, basa ang uniform at may iilang spaghetti sa buhok nya. Lalapit na sana ako ng muling sasampalin si bud ng may humila sakin.
"Huwag ka ng sumali, nandyan naman sya." bulong nya sakin. Humarap ako sa kanya at parang namumukhaan ko sya.
"Ikaw yung kaibigan ni Bud no?"
Sya yung kasama ni bud pagkauwi nya galing Paris.
Tango nalang ang naisagot nya sakin dahil nakatingin sya kay bud kaya napatingin ulit ako sa kanila. At yung tinutukoy nya na 'nandyan naman sya' ay si Connor. Kung kaibigan nya si bud bakit hindi nya agad nilapitan? Staka dati parang lagi silang magkasama tapos ngayon kahit isang beses d ko sya nakikitang kasama ni bud.
Don ko lang nakita na nakaupo sa harapan si Connor. Alam kong dapat ko syang tinutulungan dahil pinsan ko sya pero sa ginawa nya? Hindi ko alam kung karapat dapat ba syang ipagtanggol.
"Isa pang hawak mo kay Marvoree,ikaw ang sasaktan ko" nagulat si Morgan dahil hindi nya naman alam na nandito si Connor. Napatingin ako sa katabi ko na kaibigan ni bud, at sa tingin ko ay nasasaktan sya.
Nahalata ko simula una na may gusto sya kay bud, iba yung saya nya kapag kasama nya si bud, iba yung mga mata nya kapag kasama nya si bud.
Nung umalis na sila bud at Connor na pupuntang clinic ay umalis na din sya sa tabi ko. Sinundan ko sya dahil may gusto akong itanong.
Kanina pa sya naglalakad at kanina ko pa sya sinusundan"H-hey Can I ask something?" hinihingal ako! Ang bilis naman kasi nya maglakad.
Tumigil sya pero nakatalikod pa din sakin. Kaya tinanong ko na sya, "May gusto ka ba sa kaibigan ko?"
Akala ko katahimikan ang sasagot sakin dahil ang tagal nya sumagot.
"Meron." sabi na nga ba e!
"E bat hindi na kayo nagsasama?" humarap sya sakin ng nakakakunot ang noo.
"I mean, hindi na kayo magkasama palagi" tinitigan nya ako sa tanong ko kaya nailang ako.
"Hindi ko alam kung bakit kita kinakausap at kung bakit kita pagkakatiwalaan...." sagot nya naka ikinagulat ko kaya napatungo nalang ako dahil tama naman talaga sya,hindi naman kami close kaya bakit nya kailangan sabihin. Maglalakad na ako pabalik ng nagsalita sya.
YOU ARE READING
Have you loved yet?
RastgeleI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...