Bwisit na araw na to! Pupunta lang dapat ako sa library at magbabasa. Nakilala ko pa tuloy ang dean at nakita ko pa si Ash! Oo si Ash nanaman!
Flashback
Nang makalabas ako sa office mabilis na pumunta ako sa pinakadulo ng school na palagi kong tinatambayan kapag naiinis ako o walang ginagawa.
May isang malaking puno dito na siyang nagpapaginhawa sa lugar na to. Ako lang ang pumupunta dito kaya okay lang kahit anong gawin dito.
Pumwesto na ako sa malaking ugat ng puno at humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi ako tulog. Habang nag iisip isip ako bigla ako nakarinig ng humihilik na tao. Alangang hayop diba. Tss.
"Hindi pa naman ako tulog pero bakit may humihilik na? May multo na ba dito?" bulong ko sa sarili ko. At minulat ang aking dalawang malinaw na mata. Atleast hindi malabo tulad nyo. Charot.
Hinanap ko kung sino yung nahilik at nagulat ng makitang nandito si Ash. Lahat nalang ba ng pupuntahan ko may makikita akong nakakabwisit!? Argh!
Dahan dahan akong tumayo para hindi marinig ni Ash dahil alam kong mang aasar nanaman siya. Napatigil ako sa paglalakad ng marinig siyang mag salita.
"Saan ka pupunta Vee? Ayaw mo nun? Mahangin dito at presko. May kasama ka pang pogi, San ka pa?" inis na humarap ako sa kanya.
"Pwede ba!? Kahit isang linggo lang na hindi ko makita yang pagmumukha mo." at mabilis na umalis. Narinig ko pa syang tumawa kaya mas lalo akong nainis.
Pumunta muna ako ng J.co at umorder iced jcoccino sakura at ang favorite kong donut na alcapone flavor.
Pagkatapos kong kumain, umuwi na kaagad ako. Dahil magpapractice pa ako para sa report jeez.
Habang nagpapractice ako, may kumatok sa pinto. Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas agad ito at iniluwa si kuya. Ano nanaman kaya kelangan neto?
"Marvoree" woah. Hindi nya ako tinawag na princess. "May nag aantay sayo sa baba, umuwi ka kaagad pagkatapos at mag tutuos tayong dalawa" bago pa ako makasagot sinarado na nya yung pinto. Problema non?
Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa sala.
"Yaaaaa! Pano ka nakapunta dito! Pano mo nalaman bahay ko!" bulyaw ko sa kanya. Dahil nandito nanaman si Connor. Can this day can get any worse?
"M-may ibibigay lang sana ako s-sayo." nauutal sya!? At nakatungo pa. Hinanap ko kung anong ibibigay nya pero hawak nya at nasa likod nya.
"This is for you-"
"Malamang sakin yan. Kaya nga nandito diba" putol ko sa sasabihin nya. Hindi naman ako tanga kaya malamang para sakin yon.
Pinilit kumalma ni kettle connor. Ayun na tawag ko sa kanya dahil sa connor nyang pangalan.
"Chocolates at flowers para sa peace offering. Sorry sa inasal ko kanina, lahat kasi ng gusto ko nakukuha ko kaagad. I didn't expect na pa hard-to-get ka pala." iniabot nya sakin ang chocolates at flowers na agad ko namang kinuha pero pabagsak kong inilagay sa mini table.
" Whatever. Pwede ka ng umalis" tatalikod na kaso may sinabi siya.
"Pwede ba tayong magdinner?" nagulat ako sa sinabi nya. Dahil iba na talaga ang kausap ko ngayon. Mahiyain at mahinhin na kettle connor, hindi na siya masungit at bossy.
"Saan?"
"Diyan sa malapit na restaurant. Pambawi ko lang sayo." halatang iritado siya at hindi komportable. Siguro hindi nya ugali ang ganito.
"Okay. Magpapalit lang ako." wala namang masama kung magdidinner kami diba?
Pagkatapos kong magpalit agad na kaming umalis para maaga makauwi.
Habang inaantay namin ang inorder namin.
"May gusto ako malaman"
"Go on"
"Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, ako pa talaga ang napag tripan mo? Maraming mas magandang babae sakin. Bakit ako" nacucurious talaga ako eh kaya hindi ko na napigilang mag tanong. Besides, wala namang masama kapag nagtatanong.
"Coz' I find you interesting" maikli nyang sagot.
"How do you know me?"
"Malalaman mo din" abot langit na ngiti nyang sagot.
This is my first time seeing him smile in front of me.
"Alam mo mas gwapo ka kapag nakangiti. Dapat lagi kang nakangiti. Lagi ka kasing naka poker face mukha ka tuloy namatayan" napatawa naman siya sa sinabi ko.
"I'm in my mood today. And because I'm with you" masayang sabi nya. Hindi naman pala siya masungit. Siguro kapag wala siya sa mood o kaya kapag nasa trabaho.
"Hindi ko pa din magets. Ang bilis mo naman magkagusto sakin. At staka gusto ko din ma effort ang panliligaw no! Hindi basta basta ang panliligaw. Staka hindi nga kita gusto eh!"
"Then I'll make you fall for me. Just wait and see"
Hindi na ako naka sagot dahil dumating na din yung order namin. Pagkatapos kumain, inihatid ako ni kettle connor. Bababa na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Susunduin kita bukas. Sasamahan mo ako sa office dahil girlfriend naman kita."
"At sino nagsabi sayong girlfriend mo ako? Tingin mo ba papayag ako non? Boyfriend kita pero hindi kita gusto. Ano to gaguhan? Maghihirap ka muna no!" pursigido kong sabi. Sino ba naman ang hindi papayag na maging boyfriend ang gwapong katulad nya?
Aish! Tigilan mo nga yang iniisip mo Marvoree.
"Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sakin. Kung gusto mong maghirap ako para maging girlfriend kita, gagawin ko. Hindi ko gawain to pero sayo ko lang gagawin to." sabi nya habang naka tungo sa manibela.
"Okay. Thanks sa dinner. Night." at mabilis na bumaba sa kotse nya.
"Goodnight Marvoree, one day when you wake up in the morning you will realize that you love me. Paghihirapan ko ang panliligaw ko. Kung gusto mong araw araw kitang liligawan gagawin ko. Basta sa huli magiging sakin ka."
Sinarado ko na ang pinto at mabilis na pumasok sa loob, hindi ko na siya nilingon dahil hindi ako naging komportable sa sinabi nya.
Nagpalit na ako ng pantulog at humiga. Alas dose na ng madaling araw pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Kapag hindi agad ako nakakatulog, nagre-reminisce ang ginagawa ko. Kaya naalala ko nanaman yung sinabi ni kettle connor.
"Goodnight Marvoree, one day when you wake up in the morning you will realize that you love me. Paghihirapan ko ang panliligaw ko. Kung gusto mong araw araw kitang liligawan gagawin ko. Basta sa huli magiging sakin ka."
Argh! Ano ba tong iniisip ko. Erase! Erase! Pahirapan mo muna siya. At pinilit ko ng matulog.
//A.N: Rupok ni Vee! HAHAHAHA Enjoyyy!
YOU ARE READING
Have you loved yet?
RandomI woke up early because its our special day. It's our 5th monthsarry today! I can't wait to see him. Ano kayang ginagawa nya? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad siya. Naka limang ring bago nya sagutin. Dati naman hindi siya ganun? Baka tulog p...