Jang 2

97 9 0
                                    

Chapter 2

What the hell? Ang sakit ng ulo ko! Anong oras na ba? Aish. Kinuha ko ang phone ko at-- "Shit! 11 am na pala!" sigaw ko. Tumayo na ako at naghilamos para mabawasan ang hang over. Jeez. What happened last night? I can't remember.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si bud.

"What the hell Vee!? I'm sleeping tapos nanggigising ka!" sigaw nya sakin. Nakalunok ata to ng mic kaya ganyan kalakas boses nya.

"We're late bud. Sasamahan mo pa ako bumili ng libro! Dapat kanina pa tayo umalis!" sigaw ko den sa kanya.

"Aww. Relax bud. Sorry naman. Nalate ako ng gising ih" bilis nya magpalit ng mood kapag ako ang sumisigaw o galit. Abnormalities of bud.

"Aish. Pupunta nalang muna akong school, magbabasa nalang ako sa library." Ayokong isama si bud sa library dahil baka ipalabas nanaman kami sa kaingayan nya. Pati ako nadadamay.

"Okay. Iloveyou bud mwah!" inend nya agad. Aba! Hindi nagreklamo ang bruha! Palibhasa tinatamad palagi. Jeez.

*

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain. Naabutan kong nag aayos palang sila ng mga pagkain.

"Ate madelle, nasan sila mama?" tanong ko sa isa sa mga yaya samin. Hindi namin sila tinatawag na yaya dahil parang na din namin silang pamilya.

"Si Ma'am Marbie nasa garden kasama si Sir Brenan. Ang kuya mo nandiyan lang siguro." sabi nya. Kaya tinulungan ko siya sa pag aayos ng mga plato at iba pa.

"Sipag naman ng princess ko. Pakiss nga!" sabi ni kuya habang naka nguso. Kaya inilayo ko ang mukha nya sakin.

"Wag ako kuya! Bwisit ka!" sabi ko habang tinututok sa kanya ang tinidor.

"Relax sis. Hindi pa pwede mamatay ang isang gwapong tulad ko. Maraming iiyak na babae lalo na ikaw" sabi nya habang tumataas baba ang kilay nya.

"Eh kung ako na kaya mismo pumatay sayo? Tutal may tinidor na ako dito" hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa makarating kami sa garden.

Aba! Nagsumbong pa si kuya sumisigaw sigaw pa ng--- "Mama! Papa! Si Marvoree papatayin daw ako wah! Ayoko pa mamatay ma!" sabi nya habang parang nag papatintero kami. Tawa ako ng tawa dahil nagtatago siya sa likod ni mama at papa.

"Ipapalibing daw ako ng buhay ni Elaine! Wah! Mama galingan mo naman pagtago sakin!" sabi nya ng kamuntik ko na siya mahagip.

"Diba sabi ko wag mo akong tatawagin sa second name ko! Yaa!" sigaw ko sabay sugod kay kuya pero binitawan ko na yung tinidor.

Dinaganan ko si kuya at pinag susuntok at kinikiliti.

"Rape! Rape! Mama! Papa! Si Elaine nirerape ako! Wah!"

"Rape ka jan! Ikaw talaga!" inis na sabi ko habang dinadaganan at siya ay pilit na kumawala.

"Gin tigilan mo nga yang pag sigaw mo na yan. Baka gusto mong iparape kita sa aso ng kapitbahay ha? At ikaw Marvoree, tigilan mo na yan. Mamaya magkasakitan pa kayo ng kuya mo" mataray na sabi ni mama. Psh. At si papa? Syempre walang ginawa kundi tumawa at boto ng boto sakin dahil ako daw mananalo sa laban namin.

"At ikaw! Clark Brenan. Paboto boto ka pa jan. Pumasok na tayo sa loob. Kakain na." sabi ni mama sabay talikod at hila si papa. Si papa talaga mas bata pa mag isip kesa sakin.

Iniwan ko na si kuya na nakahiga sa damuhan. Bahala siya dun.

°
Nang makarating ako sa school. Pumunta kaagad ako sa library. Nag aadvance study kasi ako. Sabihin na nating mas matalino ako kesa kay bud.

"Hey vee!" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ash nanaman. Maninira nanaman to ng araw.

"What do you want?" pag hindi to sumagot ng ayos bibigwasan ko to.

"Huwag mo nga ako tignan ng ganyan. Para mo na akong papatayin" sabi nya habang naka pout. Nagpapa cute. Mukha naman syang aso.

"Stop pouting. You look stupid"

"Ouch Vee! Ang sakit naman non! May sasabihin lang naman ako sayo eh"

"Oh? Ano yon?" Ano naman kaya to?

"Pinapatawag ka sa office ni dean. Hindi ko din alam kung bakit"

Simula nung nag aral ako dito. Hindi ko pa nakikita kung sino yung dean na sinasabi nila. Jeez. Kinakabahan ako. Bakit nga ba kelangan akong kabahan? Aish!

Iniwan ko na don si Ash at baka mapatay ko pa siya ng maaga, charot. Nakakainis! Magbabasa lang dapat ako sa library baka utusan pa ako.

Nakarating na ako sa office at huminga muna ng malalim. What the? Bakit ko ginawa yon? Argh.

Binuksan ko na ang pinto at nakitang may lalaking nakatayo pero nakatalikod sakin dahil pinagmamasdan nya ang mga estudyante sa bintana.

Makisig ang katawan nya dahil halatang may muscles. Simpleng t-shirt at pantalon ang suot nya. Pero mukha siyang model dahil maganda ang katawan nya.

"Bakit nyo po ako pinapatawag?" basag ko ng katahimikan.

"Miss Marvoree, we meet again." nagulat ako hindi dahil sa kilala nya ako. Dahil siya yung nakita kong nasa bar. Siya yung sumuntok sa pervert na gusto akong lapitan sa bar.

"I-ikaw yung lalaki sa bar." hindi ako makapaniwala. "Ikaw ang dean?" paano?

Nagising ako sa katotohanan mula sa pagkatulala ng pitikin nya ako. Ang sakit ha!

"Aray! Bakit mo ako pinitik?" habang hinihimas yung noo ko. Bigwasan ko na kaya to.

"Kinakausap kita. Diba ikaw na ang girlfriend ko? Dahil niligtas kita sa bar." Kung kailangan naman pala ng kapalit edi sana hindi na ako tinulungan.

"Binablock mail mo ba ako? Hindi porket tinulungan mo ako ay magiging girlfriend mo na ako."

"Niligtas kita kaya huwag kana mag reklamo. Ang maging girlfriend kita ang maibabayad mo sakin" cool nyang sabi. Aish! Kung hindi lang siya ang dean ng University na pinapasukan ko, napangahan ko na to.

"Kung gusto mo magbayad ako, magkano ba ang gusto mo?" kaya ko ibigay kahit magkano pa yon.

"Hindi ko kelangan ng pera dahil marami na ako non. Ayaw mo pa? Pogi ang magiging boyfriend mo." Mahangin din pala to eh.

Sana sila nalang ni Ash magkatuluyan. Parehas sila mahangin. Kung hindi lang ako niligtas nito, masasabi kong desperado to jeez.

"End of discussion. You're now my officially girlfriend. At sa bahay ka na din titira. No boys allowed, lagi kitang babantayan." What the---

"Hoy! Are you crazy!? Who are you to demand that disgusting rules huh!? Hindi ako sunod sunuran!" sigaw ko. Naiinis ako dahil ang simple lang para sa kanya sabihin yon.

Tumalikod na ako pero hinawakan nya ang kamay ko at mabilis na iniharap sa kanya.

"Wait. I would like to introduce myself. I'm Connor Aiden Mendez. I'm sorry for what I've said earlier." sabay lahad ng kamay nya.

"Marvoree Elaine Park. It's not nice to meet you" hinayaan ko ang kamay nyang nag aantay don. Bahala siya. At umalis na.

Wait. What is his name again? Connor Aiden? Hmm. Nice. Mukhang pangalan ng manloloko.

Have you loved yet? Where stories live. Discover now