Jang 4

64 7 1
                                    

Gumising ako ng maaga para mag jogging. Pagkatapos kong mag ayos umalis kaagad ako ng bahay. Hindi ko na pinansin si papa dahil alam kong magtatagal pa ako don.

Habang nagjo-jogging ako at nakikinig sa spotify. Napaisip ako kung anong pwede kong gawin kay Kettle Connor. Bukod kay Ash, si Kettle Connor lang ang lumalapit sakin na lalaki.

Ayoko na kasing mapalapit sakin ang mga lalaki dahil ang paningin ko sa kanila ay mga manloloko.

Ang init! Tumutulo na pawis ko dahil kanina pa ako nag jo-jogging, dapat pala nag gym nalang ako.

Napatigil ako sa pag iisip ng mag ring ang phone ko.

"Goodmorning bud, what's up?"

Na-miss ko si bud kahit isang araw lang kaming hindi nag kita. Kahit sawang sawa na ako sa mukha ni bud.

"Walang good sa morning! What's up what's up ka pa jan. Kwentuhan mo na ako! May manliligaw ka pala ha?! Kelan pa?! Who's this unlucky guy!? May interest ka din pala sa lalaki eh! Pakipot ka pa bud ha!"

Mama version 2.0 din si bud e. Parehas nagrarap grr.

"At sino naman nagsabi nyan sayo? Inunahan pa ako ha?"

Malalagot talaga sakin kung sinong nagsabi.

"Si kuya Gin! Nakakaasar ka! Kwentuhan mo ako mamaya ha." inend nya na yung call. Gulo den nitong babaeng to e.

Pagkatapos kong mag jogging, naligo kaagad ako dahil ayokong ma-late.

Habang nag aayos ako sa harap ng salamin, biglang bumukas ang pinto.

" Gosh kuya. Can't you knock first? " inis kong sagot.

"Nandiyan nanaman yung lalaki" nakasimangot pero nakapout niyang sagot. "He's stealing my princess"

"Sus. Dami dami mong girlfriend kuya no! Staka kayo lang ni papa ang una kong love. Staka kuya hindi ko naman siya gusto. Diba sabi mo dadaan muna siya sayo?"

Ma-drama man yung ginagawa nya, para sakin sweet siya. Swerte siguro ng babaeng magpapakatino kay kuya.

"Oo nga, kaso mga ilang ligo lang ginagawa nun kaya nalamangan nya kagwapuhan ko ih." mas lalo tuloy siyang nag pout.

Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang binatukan.

"May atraso ka pa saken pero malelate ako kung magre wrestling pa tayo kaya mamaya nalang.Papasok na ako, bye!" tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi.

Napatigil ako sa pag lalakad ng ngayon ko lang naintindihan yung sinabi niya.

"Anong sabi mo kuya!?"

"Puro ka kasi ratatatat ratatatat bogsh hindi mo muna ako pinapakinggan. Sabi ko nandiyan nanaman yung lalaki." sabi nya habang iniirapan ako.

Bumaba na agad ako at nakita kong nandon nga siya. Dun ko lang naalala na sabi niya susunduin nya ako. Seryoso pala siya don.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka ano pa ba" Aba mukhang galit pa siya ha! Sino ba kasing nagsabing sunduin nya ako argh!.

"May kotse ako kaya hindi mo na ako kelangang sunduin." kala mo ha. "Ikaw na nga tong mang susundo tapos galit pa" pabulong kong sabi.

"Anong sabi mo?" iritado nyang tanong.

"Wala! Pumasok na tayo baka malate pa ako. Kotse ko ang gagamitin ko" lumabas agad ako bago pa siya makasagot.

Pagkapasok ko sa kotse ko hinampas ko ang manibela ko sa inis.

Have you loved yet? Where stories live. Discover now